Shout outs nga pala kay @BrownRanger @LittleBarney @Sektha mga idol ko yan! :D 

Wag nyo munang pansinin yung picture, malalaman niyo din yan mamaya. :)

Max's POV

Nanigas ang aking kamao sa narinig ko. Nararamdaman ko ang galit ni Zeke, hindi nga lang niya mapakita ang kapangyarihan niya dahil madami pang tao sa labas.

"What do you mean she's gone?" pinipilit kong ikalma ang sarili ko. Gusto ng kumawala ng demonyo sa loob ko at hindi ko namang hahayaan mangyari yun, ayokong may madamay na iba.

"S-s-some-----"

"WILL YOU STOP CRYING?!" sigaw ni Zeke. Tinulak ko naman siya ng bahagya, kahit ako iritang irita na at gusto ng magwala pinipiit ko parin ang sarili ko.

"Shouting won't help, Zeke." sabi ko kay Zeke. Nakita kong galit parin siya, pinsan niya eh.

"Pwede bang sabihin mo sakin yung mga kumuha sa kanya? Gumamit ba ito ng sasakyan? Anong mga itsura nito?" sabi ko doon sa babae. Tumango naman ito.

"M-matatakangkad.... b-black tuxedo.... K-kinuha nila si Jessy at nilagay sa pulang sasakyan..." sabi nung kasama niya. SnZ.... I'm gonna annihilate all of them.

"Thanks." sabi ko doon sa babae at ginulo ang buhok nito. Tumingin ako kay Zeke na lalong sumama ang mukha. Kumuha ako ng isang gps device at ibinigay ito kay Zeke.

"I'm gonna track them, hanapin mo nalang ako." sabi ko sa kanya. Tumango siya. Tumakbo na ako ng mabilis sa isang eskinita, nag-shapeshift ako bilang phoenix at lumipad sa taas. Mapansinin naman ang kulay ng sasakyan kaya madali ko itong mahahanap.

Pagtingin ko sa baba ay may nakita akong apat na pulang sasakyan. Dali-dali akong bumaba, nag-palit anyo agad ako habang nasa kalahati palang ako, saktong nabagsakan ko ay yung isang pulang sasakyan. Tumingin ako sa may bandang salamin na nakabukas at nakakita ako ng isang babae.

"Wanna have a good time honey?" sabi nito. Tumalon ako at tumakbo ng mabilis para maabutan ang isa pang sasakyan. Wala ako sa mood. 

Ng maabutan ko ang isang Pulang CR-V ay dahan-dahan akong tumalon dito para hindi nila maramdaman na nasa taas ako nito. Sumilip ako sa kaliwang bintana at nakakita ako isang pamilya, dali-dali akong tumalon at tumakbo ulit para maabutan yung isang sasakyan.

Pag-talon ko ulit sa sasakyan ay hindi ko inaasahan ang nakita ko.

"Hi kuya! Shupamskie you want? Mag-kano ba ang kailangan mo?" sabi nito. Tang ina talaga ang malas ko't nakita ko pa siya. Tumalon ulit ako at tumakbo ng mabilis para maabutan na yung huling sasakyan. I'm sure eto na talaga 'to. Eto lang ang huling pulang sasakyan sa highway na 'to.

Hindi na ako tumalon sa taas at tinignan lang ang bintana nito. Hindi nga ako nagkakamali, sila nga ito. Lumapit ako dito ng bahagya at nilagyan ito ng isang gps. Gusto ko ng kunin si Jessy ngayon pero kailangan ko munang mahanap ang pugad nila. My demonic side wants to kill them all.

Tumalon ako ng mataas at nag-shapeshift ulit bilang Phoenix, sinubaybayan ko kung saan nila ito dadalhin. 

Nakita ko silang tumigil sa isang malaking bodega. Tumigil ako sa bubong nito. Napatingin ako sa gilid ko ng makita ko si Zeke.

"Let's get her now!" sabi niya. Pagkasabi niya noon ay napalayo ako dahil may kidlat na tumama sa kanya. Nakita ko ang pagiiba niya ng anyo, tanging kalahati nalang ng mukha nito ang kita sa kanya at lahat ay kidlat na.

Tumango ako dito, may nakita akong isang pinto, pumasok ako dito. Nagulat ako sa nakita ko, pati nadin si Zeke ay napaatras. Bakit hindi ko na-detect ang mga enerhiya nila at ngayon lang?

StealthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon