[11]

93 10 21
                                    

Shout outs kay ATE SEKTHA! :D

[11]

Max's POV

Nandito kami ngayon sa isang Bar, nandoon lang nakaupo si Jessy sa dulo kasama ang mga kaibigan niya. Katabi ko naman si Zeke.

"Cheers 'tol!" sabi ni Zeke. Tinaas ko ang hawak kong shot glass at ibinangga sa shot glass niya, saka tinungga. Gumuguhit sa lalamunan.

"Ano palang ginawa mo doon sa U.S bukod sa mag-aral?" tanong ko. For sure, may ginawa din siya like spying or something.

"Ako yung namuno ng parte ng creed doon. Madami ding mga kaaway doon, like Synergy, Oz and SnZ. Hindi ko alam pero kutob ko may alyansa na namamagitan sa kanilang tatlo." sabi ni Zeke. Oz... SnZ.... 

"And?"

"It's not good. Isa din sa dahilan kaya ako umuwi dito dahil hindi na namin kinaya, at first may mga sumusugod pero mahihina lang, pero nung huli yung tatlong creed nagsama sama at sinugod kami. Ang masama doon, mga top Assassin lahat kaya hindi namin kinaya, kahit ako konti lang ang napatay ko. Kaya ngayon lahat ng ka-creed natin ay nandito sa Pinas." those cowards....

"But Lolo is too strong for them, kaya nila gustong patayin si Jessy para manghina si Lolo." dagdag niya.

"I won't let that happen, I owe Boss a lot." sabi ko. Dadaan muna sila sa blade ng Moon Sword ko bago nila mahawakan ang dulo ng buhok ni Jessy.

"Good. Kaya nga kampante ako, kaya nating umubos ng isang troop. 1st commander kaba?" tanong niya sakin.

"No, 4th lang ako." nakita ko naman si Zeke na nagulat.

"Woah... edi may mas malalakas pa pala na ibang superior na nakuha si Lolo ngayon. Sino sino yung mas mataas sayo? Tsaka anong attitude nila baka kasi hindi ko sila makasundo." sabi niya.

"Seth and Evan, si Seth yung 2nd at si Evan yung 3rd. Kambal sila, parehas asong lobo, actually I can beat any of them in one on one fight pero di ako sure kung kaya ko pag sabay silang dalawa. Mahilig yung dalawa man-trip at kapag napagtripan ka nila papatayin ka nila. Si Drake naman yung first, his power is ice, bloodlust kaya laging sine-send ni Boss pag may papatayin. Hindi ko alam kung kaya ko siya." sabi ko. Hindi ko pa kasi nakaka-sparring yun sa training, pero I'm sure may kalalagyan ako pag nilabanan ko, pero siyempre gaya ng sabi ko hindi pa pinapanganak ang tatalo sakin.

"Hmmmm, mukang magandang testingin yung kambal." matawa tawang sabi ni Zeke. Malakas tong si Zeke, kung andito siya sa pinas siguro siya ang magiging 5th commander. Speaking of 5th nasan na kaya si Agnes...

Bigla akong napakunot at napatingin sa direksiyon ni Jessy. Nakaramdam ako ng enerhiya, hindi pwedeng dito mangyari. Nakaka-sense ako ng energy ng mga malalakas na tao, yung hindi normal, gaya ni Zeke. Ngayon mukang madami sila. 1..... 2.... tatlo ang nararamdaman ko. Saktong may umupong tatlo malapit saamin. Sila ang nagmamay-ari ng mga enerhiya. Napatingin ako kay Zeke na nakakunot ang noo na nakatingin sa tatlong bagong dating.

"Sir, best mix please." 

"Give everyone some drinks, I'll pay for it." sabi nung lalaking naka-tuxedo. Sayang yang damit mo kasamang mawawasak yan ng mukha mo.

"Heeeeeeeeeeeeey!" sabi nung lalaking um-order ng mix. Tumaas ito sa table, nakita kong nakuha nito ang gusto niyang atensiyon.

"Sinong ang may pangalang Jessy dito?!" sabi nung lalaki. Nakarinig ako ng bulong bulongan sa mga tao. Napatingin ako kay Zeke, he wants to fight. Ako din gustong gusto ko na pero kailangan munang pigilin.

"Wala bang magsasalita?!" 

"Hey dude chill... Tinatakot mo naman eh..."

"Sino pong may pangalan na Jessy dito? Nawala po kasi namin yung picture kaya hindi namin siya mahanap. Long lost sister ko po kasi siya at nalaman kong nandito po daw siya ngayon..." sabi nung lalaking naka-upo kalapit ni Zeke. Napatingin ako kay Jessy na nakakunot ang noo, she's really cool napansin ko lang pagdating sa ganto. Hindi siya kinakabahan.

StealthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon