[14] 

Max's POV

Nagulat ako sa sinabi ni Yaya Plats. 

"A-ano pong sabi niyo?" tinanong ko ulit. Hindi talaga ako makapaniwala.

"Gay yung bestfriend ni Jessy, pero mabait yun. Simula bata magkasama sila kaso umalis po si Lux hindi ko alam yung dahilan." yung mga yakap niya kanina kay Jessy.... yakap lang pala yun dahil na-miss niya to.... I'm so stupid.

"Muntik mo pang bugbugin." matawa-tawang sabi ni Tipsy. Hindi ko lang ito pinansin.

"Ganun po ba? Sige po maraming salamat. Puntahan ko lang po sila." napangiti ako sa katangahan ko. Hindi ko inasahan na hindi pala ito tunay na lalaki. 

"Hindi ka napangiti sa katangahan mo, napangiti ka dahil wala ka ng pagseselosan." takteng Tipsy talaga 'to.

"Isa pa, hindi kita isasali pag may malalakas kang kalaban." sabi ko sa kanya.

"Nagsasabi lang ng totoo eh." sabi niya. Pagkatapos nun ay wala na akong narinig mula sa kanya.

Naglalakad ako papunta sa kanila ng biglang mag-vibrate ang phone ko. 

Sender: Boss

[01 is done on his mission, he'll be home soon.]

Nagtangis ang bagang ko. Hindi ko alam kung bakit, gagong 01 yun tinapos agad yung mission niya. Hindi ko na muna 'to iisipin, makikipag-usap muna ako sa kanya habang maaga pa.

"Hey dude!" sigaw ni Zeke ng makita niya akong papunta sa kanila. Nakita ko naman si Lux at Jessy na nag-iihaw. Napatingin sakin si Jessy, nginitian ko siya tapos nginitian niya din ako. Tumango naman ako kay Lux at bigla itong napa-hampas kay Jessy. Totoo nga ang sabi ni Yaya Plats.

Umupo ako sa harap ni Zeke tsaka nung kasama niyang babae. Tumingin ito sakin at nginitian ako, nginitian ko din siya.

"Mukang di niya ako naalala." sabi nung babae kay Zeke.

"Ako din nung unang kita ko diyan di din ako nakilala niyan eh." sabi ni Zeke doon sa babae. Napakunot naman ang noo ko na nakita naman ni Zeke.

"Dude, siya yung babaeng niligtas natin dati dun sa mga nang-hold up sa kanya!" sabi ni Zeke. Napakunot ang noo ko. Nakita kong lumapit sakin yung babae, yumuko ito at hinalikan ako sa pisnge.

"Naalala mo na?" sabi niya. Anong maalala ko sa halik sa pisnge eh madaming humahalik sakin at mas higit pa doo--- FUCK!

"Ikaw yung babaeng maliit tapos may bangs na nakausap ko doon sa Mansion?" tanong ko sa kanya. Tumango naman ito tapos nginitian ako. Napatingin naman ako kay Zeke na may nakakalokong ngiti, gago talaga 'to.

-Flashback-

"A-anong pangalan mo?" sabi ng batang babae na niligtas namin. Paalis na kami ngayon ni Pareng Zeke, ito ang first mission namin, hindi ako makapaniwala at ang saya saya ko dahil napasabak ako sa una kong mission sa bata kong ito.

"Hindi mo pwedeng malaman eh, tsaka hindi nadin tayo magkikita." sabi ko sa babaeng kaharap ko. Kasing edad ko lang siya, parehas kaming 8 years old. Baka hindi nadin kami magkita, bawal siyang dumalaw doon sa malaking pinagte-trainingan ko (SHQ) kasi secret lang daw yun.

Lumapit siya sa akin tapos binigyan ako ng halik sa pisnge. Hindi ako nakagalaw nung una, magulang ko lang ang humahalik sakin sa pisnge, ngayon lang ako nahalikan ng babae.

"Hahanapin kita. Bye!" sabi niya tapos tumakbo na papasok ng Mansion nila.

-End of Flashback-

StealthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon