[3]

124 10 2
                                    

[3]

"Good job!" sabi ng may edad na lalaki. May marka ito sa kaliwang mata na halatang hiwa ng espada. Hindi niya na ito maimulat. Matangkad at may malaking pangangatawan.

"Kailan ka ba namin binigo, Sir?" sabi ni 05. Napailing naman ang matandang lalaki. Kumuha ito ng cheque at ibinigay sa dalawa.

Lumapit si 04 at 05 at kinuha ang mga cheque nila. Muling yumuko ang dalawa sa matandang lalaki. Maglalakad na sana sila palabas ng SHQ ng bigla silang tawagin ng matandang lalaki.

"Sandali lang..." sabi ng matandang lalaki. Napatigil naman ang dalawa at bumalik sa harapan nito.

"Humihingi na ako ng paumanhin dahil alam akong hindi niyo magugustuhan ang sasabihin ko." sabi ng matandang lalaki. Napaseryoso naman ng muka si 04.

"Ano yun sir? Na wala kaming day off? No problem!" biro ni 05. Inayos naman ng matandang lalaki ang kanyang salamin.

"Paghihiwalayin ko kayong dalawa." diretsang sabi ng matanda. Natigil naman si 05 samantalang si 04 naman ay nagtangis nag bagang.

"Si--sir... pano naman yun? Hindi ba mas magandang magkasama kami? Matagal na kaming magkasama sir! Kahit ayoko sa unggoy nayan, iba parin pag magkasama kaming dalawa!" sabi ni 05 na parang batang naagawan ng candy. 

"Pasensya na, may kailangan akong ipagawa kay 04. Pwede bang iwan mo muna kaming dalawa?" sabi ng Matandang Lalaki. Gusto mang mag-welga at mag-reklamo ni 05 ay hindi niya magawa.

"Una na ako 04." sabi ni 05 saka lumabas ng silid.

Tahimik parin si 04, hindi niya inaakala na ito ang sasabihin ng kanilang Boss. He didn't see that coming.

"I want you to guide someone, she's my granddaughter." sabi ng Matandang lalaki. Tumango lang si 04, gusto niyang mag-salita, gusto niyang itanong kung bakit pa sila paghihiwalayin ni 05 eh may iga-guide lang pala siya, si 05 lang ang tanging kaibigan ni 04 kumpara sa ibang miyembro ng creed wala siyang kinakausap na iba bukod kay 05.

"I'm really sorry, I know you care too much for 05 that's why I'm gonna sure her safety. Alam mo naman na ikaw lang ang maasahan ko pag dating sa gantong mission dahil alam mo naman siguro ang ugali ng kambal. (02 and 03) Si 01 naman ay inassign ko sa isang isla kung saan nandoon ang ibang creed at pinapa-clear out ko sa kanya, hindi naman ganun kalakas kaya kaya niya na mag-isa yun. And you know him, alam mong pumatay lang ang gusto niya." sabi ng Matandang lalaki. Humugot ng isang malalim na hinga si 04 at tumango.

"Salamat, pwede ka ng lumabas. Ako ng bahala sa mga information, i-sesend ko nalang to sa email mo. You may take your long break." sabi ng Matandang Lalaki. Yumuko si 04 at saka tuluyang lumabas.

Itinigil ni Max ang motorsiklo niya sa tapat ng isang bahay. Katamtaman ang laki ng bahay at may kulay asul na postura. Hinubad niya ang helmet at nagsimula ng pumasok. Sumalubong sa kanya si Agnes na naka-apron at nagluluto ng tanghalian.

"Ano sabi ni Sir, Max?" tanong ni Agnes. Tumalon lang si Max sa sofa at binuksan ang T.V niya.

"Magkaiba tayo ng mission."

"Tsktsktsk, pano yan? Kaya mo bang mawalay ako sa piling mo?" matawa-tawang sabi ni 05.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan eh." sabi ni 04. Tumawa silang dalawa.

Nag-vibrate yung phone ni Max at agad niyang tinignan ito.

Mission #00

"Hey Max! Ito na yung information, pasensya na you need to start tomorrow, pero don't worry iga-guide mo lang naman siya dahil madaming umaaligid sa kanyang assassins from other creed. Thanks, pasabi nadin kay Agnes na pumunta dito din bukas. Enjoy this day with her, malayo layo ang pagitan ng mission niyong dalawa."

Name: Jessy Silvers
Age: 19
Attitude: Foul mouthed, Snobbish, So you better bear with her.
Reward: ???

Napa-sampal sa nuo si Max. Hindi dahil sa mission niya, kundi dahil sa break. Hindi pa siya nakakapag-pagpahinga, usually pag may mission sila na mahihirap binibigyan sila ng 1 month break, pag mild lang 1 week lang. Dapat ay may 1 week siyang break pero na-udlot. Pero wala na siyang magagawa, lahat ng utos ng Boss nila ay kailangan nilang sundin.

"Hey..." tawag niya kay Agnes.

Tumingin si Agnes sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Let's enjoy this day..." 

-----------

YO! HAPPY NEW YEAR GUYS! 

StealthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon