[13]

68 7 8
                                    

Salamat po sa suporta at nag-tiyaga kahit papano sa aking story. Salamat talaga! :)

[13]

Max's POV

Napabalikwas ako sa kama na hinihigaan ko. Napatingin ako sa suot kong boxer. Ano nga palang nangyari kagabi? Si Jessy! Si Jessy nasaan!

Lumabas ako ng pinto, andito pala ako kila Jessy. Pano ako naka-uwi? Pano ako nagka-boxer? Tinalon ko ang hagdan at dumeretso sa kusina, baka kasi nandoon siya at kumakain. Ang nadatnan ko lang ay ang Yaya niyang naghuhugas nanaman ng plato. Lumabas ako ng kusina at tinignan sa pool, oo tama nagsu-swimming yun tuwing umaga. Pag-dating ko doon ay nakita ko si Zeke na may kasamang babae. Agad ko itong nilapitan, nakita kong nagulat yung babae pero wala akong pake.

"Yo bro! Gising kana pala!" sabi ni Zeke.

"Asan si Jessy?" agad na tanong ko.

"Yo, chill! Andun siya kasama yung childhood bestfriend niya." turo ni Zeke sa balcony. Pag tingin ko sa taas... tang ina. Hindi ko alam pero naramdaman ko nadin 'to dati kay Agnes. Naningkit ang mga mata ko at naginit ang mukha ko ng makita kong yakap yakap ng lalaki si Jessy habang nagtatawanan sila.

Tumalon ako mula sa Pool hanggang sa balcony. Nakita kong nagulat si Jessy pati nadin yung lalaking naka--- tang ina hindi ko mapigilan ang sarili ko at hinatak si Jessy.

"Okay ka lang?" tanong ko dito. 

"O-oo... Bestfriend ko nga pala si Lux. Oy Lux! Si Max kaibigan ko at guide ko." parehas kaming may X sa pangalan, pero hindi ibigsabihin mas gwapo siya at mas malakas siya sakin. inabot nito ang kamay nito sakin.

"Lux nga pala pare!" sabi nito tapos nginitian ako. Gusto kong hiwain ng Moon Sword ko yung mga ngiti niya lalo na't sariwang sariwa pa ang pagkakayakap niya kay Jessy. Inabot ko din ang kamay ko, baka sabihin nito suplado ako.

"Max." sabi ko.

"Astig daw ng powers mo sabi ni Jessy ah! Patingin naman oh!" sabi nito. Nakita kong pinalo ito ni Jessy.

"Anong nangyari kagabi? Hindi ko talaga matandaan." tanong ko kay Jessy. Kunwari'y hindi ko narinig ang sinabi nung Lux.

"A-ano... mag-bihis ka kaya muna...." napatingin ako sa sarili ko. Oo nga pala, boxer lang ang suot ko. Napansin ko naman yung benda sa leeg niya.

"Sure kabang okay ka lang? Wag ka munang magga-galaw baka mabinat ka." sabi ko habang nakapatong ang mga kamay ko sa balikat niya.

"O-oo naman! Sige, mag-bihis ka na saka tayo magkukwentuhan mamaya." sabi nya tapos bigla niyang siniko yung Lux. Tumango ako sa kanila at nag-laho ng parang bula.

Pagkabihis ko ay dumeretso ako sa kusina, hindi ko alam kung bakit parang may regla akong babae sa inaakto ko ngayon. Naramdaman ko nadin 'to dati pero kay Agnes lang talaga, hindi ako pamilyar sa ganito at mukhang di ito maganda.

"Nagseselos ka." narinig kong sabi ng demonyo ko sa loob. Oo nga pala, nakakausap ko siya.

"Ulul." sabi ko sa kanya.

"Bilog na utot mo tol, oo nga pala pinulbos ko na yung mga tao kagabi, kung nakita mo yung ginawa sa'kin ni Jessy siguro magseselos ka sakin." halatang nang-aasar ito sa pananalita nito. Bigla tuloy akong na-curious sa kung anong ginawa sa kanya ni Jessy.

"Ano bang ginawa sayo na dapat kong ikaselos?" tanong ko dito. I can talk to him using my mind, katropa ko pala 'tong demonyong 'to. Nakalimutan kong sabihin na bukod kay Agnes noong nasa SHQ pa ako ay ito din ang kausap ko. Matino naman yang kausap kahit papano.

StealthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon