[5]

90 10 7
                                    

[5]

"Where are you going?" tanong ni Jessy. 

"Home?" hindi sure si Max. Ang layo ng bahay nila dito at kung ba-byahe pa siya ay aabutin pa siya ng limang oras o higit pa.

"You can stay here, kailangan din kita ng maaga bukas dahil baka may puntahan ako. Dun ka na muna tumuloy sa Guest Room." sabi ni Jessy.

Napakunot noo si Max. Hindi niya maintindihan si Jessy, kanina lang umaga ng pag-dating niya ay napaka-suplada nito at parang hindi siya tao kung kausapin pero ngayon ay bumabait na.

"Look. I'm just being nice here, I want to thank you for saving me back there. Hindi ako sure sa ginagawa ko at siguro naguguluhan lang ang isip ko. Ayokong tanawing utang na loob yun kaya gumagawa ako ng paraan para pasalamatan ka." sabi ni Jessy.

"Okay." simpleng sabi ni Max. 

Hindi niya inaasahan ang makikita niya sa loob ng Mansion. Nakakita na siya ng ibang Mansion sa mga napupuntahan niyang killing mission pero hindi pa siya nakakakita ng ganto kalawak. Pwede ka yatang magkarera sa loob ng sasakyan, lahat pa ng gamit ay mamahalin. "Kaya pala ganto ugali eh, spoiled." sabi niya sa isip isip niya.

"That way ----►" turo ni Jessy. Tumango naman si Max.

"Thanks, goodnight.".

Pag-pasok ni Max sa Guest Room ay pumunta si Jessy sa kusina.

"Yaya, can I ask you something?" tanong ni Jessy sa may edad ng babae na naghuhugas ng pinggan.

"Yes, ano yun Hija?" 

"Okay lang po ba na magpaka-desperada ka sa isang lalaki?" tanong ni Jessy. Hindi pa kasi siya nagpapakadesperada sa kahit na sino, kay Josh palang. Yung mga nakaraang boyfriend niya hindi din tumagal sa kanya dahil may mga pagnanasa din ito.

"HIndi Hija, depende nalang kung maganda talaga ang pakikitungo at mahal na mahal mo ito, pero hindi parin dapat maging desperada. Sa ganda mong yan sila dapat ang nagpapakadesperado sayo 'no!" sabi ng Yaya ni Jessy. Napangiti naman ito at umapir kay Yaya.

"Kaya love na love kita Yaya eh!" 

"Aba'y syempre naman, ikaw pa! Oo nga pala, sino yung lalaki kanina na pumunta ng Guest Room?" tanong ng Yaya ni Jessy.

"Hmmm, he's Max daw po. Siya po yung hinire ni Lolo para mag guide at magbantay sakin." sabi ni Jessy. Naka-upo siya at iniinom ang juice na tinimpla ng yaya niya.

"Ang gwapo no! Mala-hollywood actor ang dating!" sabi ng Yaya ni Jessy. Napa-isip si Jessy, tama naman ang sinabi ng Yaya niya. Gusto niyang sumang-ayon pero makakasakit ito sa pride niya.

"Medyo... sige po Yaya matutulog na po ako!" sabi ni Jessy at dali-daling umalis sa kusina.

"Ano kayang problema ng batang iyon?" sabi ng Yaya niya sa isip isip.

**

8:00am na ng umaga ng magising si Jessy, wala itong saplot, naka-underwear lang ito. Masaya siyang tumayo at nag-unat.

"Another crazy day..." sabi niya. Kumuha siya sa wardrobe niya ng bathing suit, lagi siyang nagsi-swimming as in araw araw talaga.

Hindi niya inaasahan ang makikita niya sa swimming pool. Naliligo si Max at naka-swimming trunks ito, hindi niya maiwasang tignan ang 6-pack abs neto. Para itong model sa ganda ng pangangatawan nito.

Ganun din naman ang nangyari sa side ni Max. Hindi din niya inaasahan na makikita niya si Jessy ng ganitong oras, akala niya kasi hindi pa ito magigising kaya nag-desisyon muna siyang maligo dahil matagal-tagal nadin siyang hindi nakakaligo sa pool. Umahon na ito sa Pool at kumuha ng towel.

StealthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon