[4]

116 11 17
                                    

[4]

"Eto ba yung tamang address?" tanong ni Max sa sarili niya. Pabalik balik siya ng tingin doon sa bahay at papel na hawak niya. Sa papel nayun ay naka-sulat ang itsura ng bahay at ang address neto.

"Hindi naman magkamukha eh, niloloko nanaman ako ni Boss." sabi ni Max. Sinakbat niya ulit ang bag niya. Maglalakad na sana siya ng may tumawag ng pangalan niya.

"Hoy!" hindi pala pangalan niya, tawag lang pala. Napalingon siya dito at napakunot ang noo niya. May nakita siyang babae na naka bathing suit, magandang korte ng katawan at halatang nagpa-tan ito ng kulay. 

"Bakit?" tanong niya. Pinipilit niyang wag magalit, apo na to ng Boss nila kaya kailangan niyang habaan ang pasensiya niya.

"Ikaw ba yung nai-hire ni Lolo na bagong driver ko?" lalong napakunot ang noo niya. "Ang layo naman ng pagiging guardian, sa driver." sabi ni Max. Ganun pa man, ngumiti parin siya.

"Oo ako nga, akala ko mali lang akong napuntahang bahay tama pal---"

"I don't care, kanina pa kita hinihintay. Pumasok ka na at baka pag-kamalan pa nilang manliligaw kita." sabi ng magandang babae at pumasok na ito.

"Tangina naman..." napabulong si Max bago tuluyang pumasok.

"Eto yung mga susi, choose any car you want. Anyway, yun yung daan papuntang garage, hintayin mo na ako sa labas ng gate." sabi ng babae saka umalis na ito. 

Pag-pasok niya sa garage ay tumambad sa kanya ang iba't ibang uri ng sasakyan, iba't ibang ferrari, audi, at mamahaling sasakyan pero isa lang ang naka-pukaw ng atensiyon niya yun ay ang Ford Mustang.

"Ang angas..." sabi niya. Linapitan niya agad ito at binuksan, hindi siya nagkamali ng susi dahil alam niya ang itsura neto. Linabas niya ito at naghintay sa labas.

Inabot na ng ilang oras na pag-hihintay, nagugutom nadin siya dahil ang huling beses na kumain siya ay nung nagluto si Agnes at yun ay kahapon pa. Oo nga pala, si Agnes ay nasa isang mission sa Australia kung saan matatagalan pa ang pag-balik niya, kaya nga medyo badtrip si Max sabayan pa ng nakakairitang ugali na ugali ni Jessy.

Bumukas ang gate at nakita na niya si Jessy, naka bodycon dress ito kung kaya't kitang kita ang magandang korte nito. Nakalitaw naman ang kaliwa nitong mala-gatas na hita. Tumayo si Max at pinagbuksan ito ng pinto, ayaw niyang itanong kung bakit ang tagal niyang lumabas dahil walang wala na siya sa mood.

"Saan kita dadalhin?" tanong ni Max. 

"Marriott Bar." simpleng sabi nito. Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Jessy at agad na kinuha ito.

"Yo girl!.......... On the way na!................. Pasensiya na ang bagal mag-drive ng bago kong driver eh........... Ano?! Kasama ni Josh yung malanding babaeng yun?!................... Okay, papunta na ako. Tignan tignan mo sila ha? Byeeee!"

Nag-tangis ang bagang ni Max. "Tangina talaga!" sabi niya sa isip niya at pinaharurot ang sasakyan.

Mula sa lugar ni Jessy ay inabot lang ito ng 15 minutes, hindi din makapaniwala si Jessy dahil normal na byahe dito ay 45 minutes minsan oras pa dahil traffic, hindi din ito makapaniwala na ibang daan ang madadaanan niya. Idinaan kasi siya ni Max sa gubat kung saan ang bilis pa ng pagpapa-takbo nito.

-Flashback-

"Hooooooooooooooooooooooooooy!" sigaw ni Jessy. Kanina pa pa-uga uga ang sasakyan dahil sa mga batong dinadaanan nito, muntik nadin silang bumangga sa mga puno pero naiiwasan naman nila ito.

"What are you doing?! Have you lost your fucking mind?!" hindi parin umiimik si Max at patuloy parin sa pagharurot ng sasakyan.

-End of Flashback-

"Andito na po tayo." simpleng sabi ni Max, lumabas ito at pinagbuksan si Jessy. Hindi parin lumalabas si Jessy, siguro nagulat parin hanggang ngayon.

"You're crazy..." sabi ni Jessy saka lumabas na ng sasakyan. "You can enjoy too if you want, but don't come near me." dagdag ni Jessy. Nag-nod lang si Max at pumasok nadin ng club.

Umupo agad siya at umorder ng isang mixed vodka. Habang nasa malayo ay tinitignan niya lang si Jessy. Nasa isang upuan ito kung saan may kasama itong tatlong lalaki at dalawang babae. Nakita niya din na may naghahalikan doon, napa-iling nalang siya.

Kanina pa nakatingin si Jessy kay Josh, kanina pa kasi nito hinahalikan ang leeg ng babaeng kasama nito. Nakakaramdam siya ng selos dahil ex-boyfriend niya si Josh, nakipag-break ito sa kanya dahil ayaw niyang makipag-halikan kay Josh.

"Wait lang ha.." sabi niya. Tumingin sa kanya si Josh at tinawanan lang ito, naiinis siya kay Josh at nagseselos. Hindi niya alam ang gagawin, ibibigay niya naba ang gusto ni Josh? Nagdadalawang isip siya, mahal na mahal niya talaga si Josh at hindi pa siya nagmamahal ng ganito. Nag-isip siya, gagawin na niya ang gustong hiling ni Josh.

Lumapit ito at hinawi ang babaeng hinahalikan ni Josh.

"Hey!" sabi nung babae.

Umupo siya sa hita ni Josh. Napangiti naman ng nakakaloko si Josh.

"Hmmm.... what do you want?" sabi ni Josh. 

"I--I want you..." nauutal na sabi ni Jessy. Napangiti naman ng pilyo si Josh. Dadampi palang ang labi ni Josh kay Jessy ay naunahan ito ng kamao ni Max dahilan para mapatalsik ito. Nasalo naman ni Max si Jessy. Yeah, ganun kalakas yung impact.

Nagulat si Jessy sa nangyari pati narin yung ibang taong nandoon, si Josh naman ay nakatingin lang kay Max, hindi pa ito makapag-salita ng maayos dahil sa lakas ng suntok ni Max.

"W-what are you doing?!" sabi ni Jessy.

"Doing what's right." sabi ni Max. Kumuha siya ng isang bote at hinampas sa lalaking papunta sa kanya.

Natigilan ang mga lalaking dapat ay susugod sa kanya, kasama nadin yung mga bouncers.

"Bibigyan ko kayo ng pagpipilian.... paalisin nyo kami ng payapa, walang masasaktan, walang masisira or B magkakaroon kayo ng bali-baling buto at yung iba baka malumpo ko pa. So, anong gusto nyo?" tanong ni Max. Naglabas ng kutsilyo ang mga bouncer dahilan para magsigawan ang mga tao sa loob.

"I guess B ang gusto nyo." sabi ni Max. Binuhat nito ang table at ibinato sa kanila.

Kabilaan ang pag-hawi ng kutsilyo sa kanya pero iniilagan niya lang ito. Samantalang nakatingin naman si Jessy, para siyang nakakakita ng fighting scene sa isang palabas pinagtutulungan ng limang bouncer si Max pero easy easy lang ito sa kanya. Ng nainip na sa kaiilag si Max ay lumaban nadin siya. Doble ang laki ng mga bouncers sa kanya pero mas malakas siya sa mga ito. Binigyan niya ng tag-iisang suntok sa sikmura ang mga malalaking bouncer at sabay sabay silang napa-upo. Tumingin ito kay Jessy.

"Let's go, bago pa may pumuntang iba dito." sabi ni Max. Wala sa isip na napatango nalang si Jessy dahil hindi niya nadin alam ang nangyayari.

Kumuha si Max sa kanyang wallet ng pera at inilapag sa isang table. "Free drinks for everyone! Enjoy your night!" sabi ni Max. Nag-"WOOOOOOOOOO" naman ang mga tao at bumalik nadin sa kani-kanilang ginagawa.

Nasa sasakyan na ang dalawa pauwi na, dumaan na sila sa tamang lugar at malas lang nila dahil may traffic. Hindi padin nagsasalita si Jessy, nadala lang siya ng kanyang emosyon kaya muntik na siyang magpahalik kay Josh, gusto niyang magpasalamat kay Max pero masyadong mataas ang pride nya para mag-pasalamat, naisip niya na tatanungin niya nalang ang pangalan nito in a formal way, hindi niya kasi ito kinakausap bilang normal na tao ng makalipas nilang pag-uusap.

"What's your name?" tanong niya pero naka-tingin padin ito sa bintana.

"I'm Max Stealth."

---

HAPPY NEW YEAR!

StealthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon