[2]

145 10 6
                                    

[2]

Naglalakad ang dalawa pabalik ng kanilang SHQ. Secret Headquarters. Si 04(Max) ay naglalakad ng tahimik at nakapasok lang ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang hoodie, samantalang si 05 naman ay naglalakad at mukang kinikilig na nakatitig sa kanyang cellphone. 

Napukaw nito ang atensiyon ni 04 kaya napatingin siya dito.

"What's with that ugly face?" sabi nito. Mula sa maka-hanggang langit na ngiti sa sobrang kilig ni 05 ay napalitan ito ng simangot.

"Yung manliligaw ko! Masyado kasing nakakakilig yung banat, at masyadong caring hindi tulad ng iba diyan, since training mo nung bata kasama mo eh ang supla-suplado." patama ni 05. Nagsinungaling siya, hindi niya manliligaw yun, nagbabasa kasi siya ng story na nakakakilig kaya siya kinikilig. 

Napa-tawa naman ng konti si 04, kaya lalong nainis si 05 at tinaasan siya ng kilay neto.

"Anong nakakatawa?!" tanong ni 05.

"Wala lang, natatawa lang ako kasi hindi mo napapansin ang pagke-care ko sayo, mahalagang mahalaga ka kaya sakin, Agnes." sabi ni 04 na mapa-iling iling. Hindi talaga ito ang gusto niyang sabihin, para lang mabawasan ang pagkatampo ni 05 sakanya at kiligin. Well, tama siya kinilig nga si 05. Nag-apoy naman ang kamay ni Agnes at susuntukin sana si Max pero malas siya dahil nawala ito bigla. By the way, that's her inner power.

"Gagamitin mo yang inner power para lang saktan ako sa sobrang kilig mo?" sabi ni Max sabay ngisi. Napa-lingon naman si Agnes sa likod niya.

"Ang daya talaga ng power mo!" sabi ni Agnes saka hinipan yung kamay niya. Tama siya, madaya nga ang power ni Max, he can go wherever he want as long as hindi ito masyadong nasisikatan ng araw, pero pag maliwanag hindi siya makakapunta.

"Ganyan talaga pag pogi." sabi ni Max tapos nag-blink ulit kay Agnes.

****

Sorry guys! Ang konti lang neto! Ang dami kasing events hahays sorry talaga babawi ako. Sige, ingat kayo, wag magpaputok.

StealthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon