[9]

118 10 12
                                    

[9]

Max's POV

Hindi ako makakilos, hindi pa ako nakakadama ng gantong kahihiyan sa buong buhay ko.

"Fucking gay!"

"The fuck dude?"

"You fuckin' cheat on a beautiful girl like her?!"

"You should die!"

"You should fuckin' die idiot!"

"Fuck you!"

Inuulan na ako ng mga mura dito. Gusto ko din silang pakyuhan para quits kaso hindi ko magawa. Nakatayo ako ngayon sa harap ni Jessy na humahagulgol ng iyak. Anong gagawin ko? Should I go with the flow? 

"It--it's not what you're thinking babe.... S-she's my cousin...." medyo nauutal kong sabi. Pinipilit ko nadin maluha at mukang effective naman. Nakita ko naman siyang napa-tigil sa pagiyak pero nakatingin padin sakin...

"Cousin?! Cut the crap Max!" sabi niya tapos pinagsusuntok ako sa dibdib. Wala akong ginawa kaya niyakap ko nalang siya. Tang ina hindi ko alam kung papano ako tatakas pag nalaman ni Boss 'to.

"Please believe me babe...." sabi ko saka ko hinigpitan yung yakap ko. Takte parang koreanovela lang.

"If you want me to believe you then kiss me in front of them." sabi niya sabay turo sa mga taong nanunuod. Nagsitanguan naman ang mga tao sa harap namin at nagpro-protesta na gawin ko.

"Kiss her idiot!"

"If you're telling the truth, kiss her!"

"Kiss her!"

Gusto kong buhatin yung Mustang ni Jessy saka paghahampasin tong mga nanonood dito. Hinahabag pa lalo eh.

"W-what did you say?" kunwari'y hindi ko nadinig. Para akong nagtampo sa palay pag ginawa ko 'to at nalaman ni Boss.

"Kiss me." sabi niya, nakatingin lang siya saking mga mata. Pag pinasok ko lang siya sa sasakyan iisipin nila na kikidnapin ko 'to. 

"If I kiss you, will you stop this?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at ngumiti. Takte hindi ko akalaing nagiging artista pala to pag lasing.

"Kiss me under the light of a thousand stars..." sabi pa niya. No choice, magpapa-punching bag nalang ako kay Boss. 

Unti-unti akong lumapit sa kanya. Nakita ko naman siya na pumikit na. Naririnig ko yung mga "Woooo" ng mga gagong nanunuod samin. Sumulyap muna ako sa kanila, buti nalang walang nagbi-video.

Tinignan ko muna yung labi niya, kahit hindi ito ang first kiss niya, I wanna make her feel like this is her first time. Hinawi ko yung buhok niya. This is now or never...

"WENGUUUUUUUWENGUUUUUUUUUUWENGUUUUUUUUUUUUUUU" *Sndfx ng Pulis*

Napagulat ako at napatingin sa paparating, nakita ko din si Jessy na nagulat at napayapos ito sakin. Hindi ko na muna iisipin ang mangyayari sakin pag nalaman 'to ni Boss, magko-concentrate muna ako kung pano ko pababalikin sa dating isip si Jessy.

Nagulat din yung mga unggoy na nanunuod samin at nag si puntahan sa kanikanilang sasakyan. Pati nadin kami ni Jessy ay dali-daling pumasok sa kotse. Bakit kaya may mga pulis dito?

Hindi ko na inalam, pinaandar ko na ang makita at dali daling umalis sa lugar na 'to.

Nagda-drive ako sa tamang way ngayon, mahirap na lasing si Jessy baka masuka sa mga pauga-ugang madadaanan namin. Lumingon ako sa kanya at pansin kong nakatulog na 'to. Grabe naman tong malasing! Si Boss pagnalalasing makulit lang eh, ito naman sobrang kulit.

StealthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon