[10]

163 10 79
                                    

[10]

Max's POV

Hindi ako nage-expect ng sagot, pero mas hindi ko in-expect yung halik niya, oo sa pisnge lang yun. Okay na okay yun at pabor sakin, pero sa Lolo niya hindi, you don't know what will happen when Boss Rayleigh is mad.

"San ka pupunta?" tanong ko. Naglalakad na kasi siya pataas ulit, sa tingin ko babalik lang ng room niya.

"Sa taas lang friend maliligo. Bakit sasama ka?" matawa-tawang sabi niya.

"Ayoko baka kung ano pang gawin mo sakin." nakangising sabi ko. Nag-belat lang siya.

"Sige, maliligo muna ako." Sabi niya. tinanguan ko naman siya.

Nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya malapit sa pool nila. Isang enerhiya. Nag-blink ako sa pool area at sakto tama nga ang naramdama ko. Isang lalaki ang nakita ko. Napatingin ito sakin at napakunot ang noo.

"Who the fuck are you?!" napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Dapat siya ang tinatanong ko niyan, may dala pa itong bag na malaki.

"Who sent you?" tanong ko, mukang matatagalan bago ko ito lumpuhin dahil malakas ang enerhiyang dumadaloy sa kanya. Nagtataka lang ako kung ano ang inner power niya. Napansin ko lang, lagi silang umaatake malapit sa swimming pool nila Jessy. Ano kayang meron sa swimming pool nila Jessy?

"Your hairdresser." sabi niya. Binaba niya ang bag na suot niya at akmang susugod sakin. I incinerated and go for him also. It's killing time!

Jessy's POV

Pagbihis ko ay naisipan kong pumunta ng balcony, makapag pahangin muna. Ang tagal naman ni Kuya Zeke, sabi niya pupunta daw siya ngayon at mags-stay muna dahil pinauwi siya ng pilipinas ni Tita tapos wala pa pala. Parehas pa naman sila ni Max na may inner power, kaso kay Kuya Zeke thunder naman, isa din siya sa mga nai-train ni Lolo kaya I'm sure parehas silang malakas.

Pag dating ko ng balcony ay tinignan ko ang magandang view. Naalala ko nanaman yung reaksiyon kanina ni Max nung hinalikan ko siya sa pisnge. Kahit ako din nagpipiit lang ako ng kilig umalis nadin ako doon, ang awkward kaya ng kalalabasan. Speaking of Max, nasa pool siguro yun. Tinanaw ko sa baba at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Si Kuya Zeke at si Max....

Napatakbo ako pababa, ba't sila nagaaway?

Pag-dating ko ay nakita ko silang magkaharap at naka posisyon na pang-laban. Nanlaki ang mata ko lalo ng makita ko si Kuya Zeke na duguan ang muka, he's on his lightning form while Max is in his Black fire form. 

"What are you two guys doing?!" napatigil sila at napabalik sa dati nilang anyo.

"Hi Cousin!" "Hi Jessy!" magkasabay nilang sabi saka nag-wave ng kamay. Matapos noon ay napatingin ang dalawa sa isa't isa na parang nagulat. Napa kunot ang noo ko, pansin kong parehas silang duguan ang muka pero mas madugo yung kay kuya Zeke. Nilapitan ko yung dalawa at kinuha ang magkabilang tenga nila.

"A--aray!" sabi ni Max.

"O-ouch! Is this how you welcome your handsome cous--- aaah!" sabi ni Kuya Zeke, parehas kong pinipingot ang magkabila nilang tenga.

"Kayo! Ba't kayo nagsusuntukan?!" tanong ko saka ko sila binato sa may Sofa. Kahit ako ay nagulat, I didn't know that I'm this strong lol.

"Siya nagsimula!" sabay na sabi nila.

"Oh talaga?!" sabay ulit na sabi nila.

"Ikaw ang nagsimula!" sabay ulit na sabi nila. Aamba na sana ng suntok si Kuya Zeke pero naunahan siya ni Max kaya lumipad siya doon sa may piano. Ano bang nangyayari sa kanilang dalawa?!

StealthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon