[25]

49 5 4
                                    

[25]

Max's POV

Tumambad sakin ang naka-tight dress na Jessy. Woah, she's sizzling hot. Nakita ko naman si Agnes kaya kinawayan ko sila.

Nandito ako ngayon sa labas, sabi kasi ni Jessy kanina may pupuntahan sila, kaya eto maaga palang nag-abang na ako. Pagkatapos kong kumain kanina ay binalikan ko yung motor kong itim, hindi ako makapaniwala na hindi manlang nagalaw 'yun dahil may nagbabantay na creed member. Maayos pa naman yung motor, medyo agnas na lang kasi hindi manlang nila pinunasan.

Nakakita ako ng isang sasakyan, kulay itim ito. 911 Targa 4s 'to kung hindi ako nagkakamali. Tumigil ito sa harap ko at bumaba ng sasakyan.

Hindi ko gusto yung mukha nito, parang hindi kaaya aya. Umupo ito sa harapan ng sasakyan niya at pinaikot ikot ang susing hawak niya. Tinignan ako nito tapos nginitian. Tanginang 'to, hindi ko alam pero ang init ng dugo ko sa kanya.

Paglabas ng gate ni Agnes at Jessy ay tumayo ang lalaki at hinalikan sa pisnge si Jessy. Napakuyom ang kamao ko at napatayo mula sa pagkakaupo. Kaya pala ang init ng dugo ko sa hayop na'to, may nararamdaman akong kakaiba. Nilakihan ako ni Agnes ng mga mata at sinenyasan akong maupo ulit.

"Mukhang boyfriend ni Jessy. Why don't you kill him?" sabi ni Tipsy. Kagigising lang siguro ng mokong.

"No way dude! Lalaban ako ng patas." sabi ko kay Tipsy. Nakarinig nalang ako ng ngisi mula sa kanya. Lalo siyang nahilig pumatay mula nung training niya.

"You're here, Shawn." sabi ni Jessy, ngayon ko lang ulit siya nakitang ngumiti, walang kasing ganda pero walang kasing sakit, gusto ko akin lang yang ngiting yan, gusto ko ako lang ang dahilan niya.

"Ihahatid na kita." sabi ni Mokong. Tumango naman si Jessy. Dalawa lang ang upuan ng 911 Targa 4s, tumayo naman ako at nilapitan si Agnes.

"Hey baby! Tara sa'kin kana sumabay. Sundan nalang natin siya." sabi ko kay Agnes. Alam kong nagulat siya sa inakto ko, saka niya nalang nalaman ng kinindatan ko na siya. Napansin kong napatingin si Jessy pero agad din niya itong tinanggal.

"Hey, Mon! Ikaw na mauna sundan nalang kita." sabi ko kay Kupal. Tumingin ito sa akin bago sinimulan ang makina.

"It's Shawn, anyway, I'll take the lead. Don't lose your focus, mabilis ako." sabi niya tapos inandar na ang sasakyan. Kung may kapangyarihan pa sana ako susunugin ko bahay niyang hayop na'yan.

"Someone's jealous!" nakita ko ang nakangising Agnes na mailing iling.

"I missed you too." sabi ko sa kanya. Sumakay na ako sa motor ko, sumampa nadin siya at niyakap ako.

"Ituturo ko nalang sa'yo, kahit magpahuli ka na." bulong niya sa may tenga ko.

"Are you flirting with me? Or namiss mo lang talaga ako?" tanong ko sa kanya. Hindi kasi siya ganyan, isip bata kaya yan.

"Both." sabi niya. Napailing nalang akong sinimulan ang pagmamaneho.

"You've changed." sabi ko sa kanya. Nandito ako sa shortcut dumaan, kahit matagal akong nawala alam ko padin naman yung daan, sakto lang na dadaan din dito.

"I didn't change, I just learned. Tsaka ayaw mo nun? Hindi na ako isip bata." matawa-tawang sabi niya. 

"You're not my baby anymore." sabi ko sa kanya. Don't get me wrong, baby ang sabi ko kasi isip bata siya dati.

"But I can give you a baby if you want to." nakita ko sa side mirror ang nakakaloko niyang ngiti.

"Naging green minded ka nadin." sabi ko sa kanya. Mabuti nalang hindi na masyadong mabato dito at nagkaroon narin ng daan kahit papano.

"Open minded lang baliw. Anyway, alam kong binabagabag yang isip mo kung pano ako naging malapit kay Jessy." sabi niya which hits me. Pero dineretso ko padin ang tingin ko sa daan. Tangina nung Shawn na'yun, mukha namang sampayan, hindi ko alam kung bakit sa kanya pa ako nagseselos.

"Bakit nga ba?" tanong ko. Kahit ayoko munang pagusapan, nagseselos ako, ikaw ba naman 3 years hindi makita at siya lang inisip mo tapos makikita mong nagpapahalik sa pisnge ng mukhang sampayan na lalaki pag hindi ka ba naman nabadtrip. Oo ako ang may gawa ng lahat, pero hindi ko inaasahan na ganto ang kalalabasan.

"Pag-alis mo kasi na HINDI manlang nagpapaalam sa PARTNER niya simula pa nung nagka-rank, ayun tinawagan ako ni Boss. Syempre NAKAKALUNGKOT tapos HINDI manlang nag-sabi, kaya syempre medyo naluha ako. Kaya 'yun sinend ako kay Jessy sa apo niya, ang bait bait nun hindi ko lang alam kung bakit mo iniwan yun." sabi niya. Medyo binagalan ko ang pagmamaneho, pag mabilis kasi baka hindi niya marinig ang pagpapaliwanag ko.

"Sorry, libre nalang kita mamaya. Si Lolo din yung may gawa, sabi niya iwanan ko si Jessy dahil hindi siya ligtas sakin, which is ginawa ko naman dahil wala akong choice. Ang hina hina ko pa 'nun, wala pa akong sapat na lakas para protektahan siya." sabi ko. Yeah, wala pa akong sapat na karapatan, isama mo pa yung hayop na Shawn na 'yun. Normal na tao naman yun, baka pag pinitik ko yun gumulong yun.

"I see, she's very lovable, I hope hindi mo siya niloko dahil kaibigan ko nadin siya."

"Hell no! Magseselos ba ako ng ganito kung niloko ko lang siya?! Papayag ba akong magpalakas para maprotektahan siya kung hindi ko siya mahal?!" sabi ko. Damn! Hindi ko ma-control ang sarili ko, gusto kong sumigaw ng sumigaw.

"Wooah woah! Relax baby! Mukhang tinamaan ka talaga ng tunay." sabi niya. Oo tinamaan ako, sobra sobra kaya nga hanggang ngayon mahal ko parin siya.

"Nagbago narin yang pananalita mo, talaga di na ikaw yung baby Agnes ko." sabi ko. Somehow, medyo nakaka-relax din ang pagtawag ng baby sa kanya.

"Yan tayo eh, babyzoned mo ako dati pa kaya di ako nakaamin." sabi niya. Medyo nahirinan naman ako sa narinig ko.

"Amin? Ng ano naman?" tanong ko. Parang iba eh, parang iba yung ibigsabihin niya sa pag-amin.

"I like you, you dumbshit. Kaso kaibigan lang ang tingin mo saking unggoy ka, first heartbreak kita kung alam mo lang." sabi niya. Hindi ko namang mapigilang mapatawa sa sinabi niya. Nawala pagka-badtrip ko dun ah.

Kinurot niya naman ako sa tagiliran kaya medyo na-out of balance ako, muntik pa kami mapabanga pero dahil magaling akong mag-motor naayos ko ulit.

"Grabe ka talaga! Tinatawanan mo lang yung pagmamahal ko sa'yo!" sabi niya na lalo ko namang ikinatuwa. I thought nawala na yung pagiging isip baby niya pero may natitira padin pala.

"Hugot pa! Thanks for making me happy, nawala yung badvibes ko dun sa hayop na'yun." sabi ko. Yeah, nawala talaga. Mas pogi naman ako dun, kaya wala dapat kong pagselosan.

Nawala lang yung yakap sakin ni Agnes kaya napatingin ako sa likod. Seryoso nalang yung mukha niyang nakatingin sa dinadaanan namin. 

"Anong nangyari sa'yo?" tanong ko. Kanina ng saya saya tapos isip bata tapos bigla bigla nalang malulungkot.

"Nothing.." sabi niya. Psh, nothing my ass.

"Nothing? Kilala kita Agnes, kahit matagal ta'yong nagkalayo alam ko parin kahit utot mo." sabi ko. Yeah, literally.

"I mean it..." sabi niya. Diretcho padin yung mukha niyang nakatingin sa daan.

"You mean what? You're acting weird..." I hope mood swing lang.

"Bato... minsan nasa paligid." anong pinagsasasabi niya?

"Huh? Di kita maintindihan." hindi ko talaga siya maintindihan, ano bang nangyayari sa kanya?!

"Pero madalas... PUSO mo."

----------

YO WADDUP GUYS!

MAY LIHIM NA PAGTINGIN SI AGNES! SHET!

HAHAHA GE INGAT KAYO!

SHOUT OUTS SA MGA INTERNS NA MAGDE-DEMO NA TROPA KO

KAY SIR JOSHUA! MA'AM CONTESSA! SI MA'AM NA NAGBANTAY SAMIN NUNG EXAM! SI SIR NA SOBRANG TANGKAD! SI MA'AM EVITA! SI MA'AM LILLIAN AT SI SIR JOHNSON.

StealthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon