[22]
"T-that's..... that's me." nauutal na sabi ni Tipsy. Napangiti ako, mukhang mas maangas ang future na Tipsy ah.
"You're here, present Max." sabi niya. Yung boses niya mas nakakatakot, kaboses niya yung mga halimaw sa Adeptus.
"Can I call you, 04? Para hindi malito 'tong si Max." sabi niya sakin. Tumango naman ako. Pero paanong nangyari yun? Tsaka nakakailang ang page-english niya sa ganung boses.
"Alam ko yang mukhang yan, mamaya ko na ie-explain sa'yo, try mo munang pumatay ng isa nun oh." sabi ni Max sabay turo niya doon sa nagbabagang apoy na halimaw na may isang mata. Tsss, isa lang?
I incinirated and summoned my sword. Lumapit ako dito at hinampas ng espada ko, hindi ko alam kung bakit pero hindi ito tinatablan, tumatagos lang kada hataw ko dito. Binilisan ko ang paghataw pero ganun parin, hindi padin siya tinatablan. Ng tumingin ito sa akin ay agad akong sinampal ng malaki nitong kamay dahilan para lumipad ako pabalik sa pwesto nila Max.
"Ganyan na ganyan din ako dati ah." sabi ni Max. Napansin kong napailing si Future Tipsy.
"Ang totoo niyan hindi mo talaga kayang mapatay yan, 04 eh." sabi ni Tipsy. Napakunot naman ang noo ko, tinawanan lang ako ni Max.
"You need to summon me, I mean, si present Tipsy dahil kami lang ang may kakayahang makapatay sa mga Eyera na'yan." sabi ni Tipsy. Napakunot naman ang noo ko.
"Isusummon ko si Tipsy?" tanong ko. Espada lang ang kaya kong isummon, bukod sa Abyssal Blade, hindi ko na pwedeng ma-summon ang Moon Sword ko dahil kinain na ito ng Abyssal Blade.
"Yeah, madali lang naman eh." lumapit ito sa akin at halatang may ibubulong.
"Sabihin mo lang, Et iratus sum Tipsy." sabi ni Max.
"E-et Irat-tus S-sum Tipsy?" nabubulol sabi ko. Unti unting may nae-extract sa katawan ko na anino.
Ng matapos ang page-extract ay napaupo ako ng saglit, nakaramdam kasi ako ng pagkahilo. Pero nawala din ito dahil nakita ko si Tipsy. Halatang nagulat siya ng makita ang pagkakaiba niya sa kanyang hinaharap na anyo.
"Mas pogi padin ako." sabi ni TipsyP ( P = Present ) nakita ko namang napangisi si TipsyF ( F = Future ) dito.
"2nd part ng training ay hindi para sa'yo, 04. Kungdi para kay Tipsy." sabi saakin ni Max. May gumuhit na ngiti sa aking mga labi, hindi lang pala ako ang magpapalakas, si tipsy din pala.
"Tara, gala muna ta'yo." sabi ni Max. Tumango naman ako at sinundan siya sa paglalakad.
"I always wonder, gumanda ba si Jessy sa loob ng dalawang taon na nagtraining ako?" tanong ko kay Max. Napa tingin ito sa akin, ibang klasing tingin, tingin na ginagamit ako pag dismayado ako sa isang bagay.
"She's perfect. But one thing, you'll get disappointed. Hindi sa kanya pero sa isang bagay na hindi maganda." sabi ni Max.
"Ano yung isang bagay na'yun?" agad tanong ko. Tumigil siya sa paglalakad kaya't napatigil nadin ako.
"Hindi 2 years ang training, 8 years." sabi niya. Nanlaki ang mata ako at bahagya akong napaatras. 8 years?
"Doon tayo, nakakapagod tumayo." sabi niya tapos naglakad. Sumunod naman ako agad sa kanya.
8 years? Ibigsabihin, kasinungalingan ang lahat?
Nakita kong umupo siya sa may malaking ugat ng puno, umupo din ako sa katapat nitong puno na may malaking ugat nadin.
Nakita kong nag-apoy ang kamay niya at sinuntok ang lapag dahilan para magiwan ito ng malaking crack. I always do that, I always do that when I'm pissed of something.
"Everything was a fucking lie!" sabi niya tapos napahilamos ito ng mukha.
"Tang ina! Ang akala ko 2 years lang ang itatagal ng training ko, pero hindi. Nagsinungaling sila. Nagsinungaling silang lahat. Kung umuwi na pala ako ng maaga siguro naagapan ko yung masamang pangyayaring yun!"
"Everything was ruined because of Synergy." humarap ito sa akin, kitang kita ko sa sarili kong mukha ang paghihirap.
"Vitres.... because of him...." sabi niya tapos humugot ng malalim na hininga kasabay ng luhang pumatak sa mata niya.
"Pag balik ko sa mundo natin ay agad akong tumungo sa SHQ. Walang nabago sa mga kapaligiran, yung ibang building na-renovate, yung mga puno nagkakanda ubos dahil nalalagyan din ng mga bagong building, yun lang nabago." huminga muna siya ng malalim.
"Hindi ko inaasahan ang sasalubong sakin, sinusugod ng Synergy ang grupo natin. Syempre tumulong ako, lumakas ako nun kaya saglit lang ang tinagal ng mga kalaban dun. Tumakbo ako ng mabilis papuntang Office ni Sir, sa lahat ng nadadaanan ko ay may mga naka dapang bangkay ng miyembro ng Synergy at miyembro din ng Creed." nakakita ako ng luhang pumatak sa kanang mata niya. I can feel his pain. Ayokong makakita ng mga kagrupo ko na nakahilata ang walang malay.
"Habang tumatakbo ako ay nakita ko sila Drake, Seth at Evan na duguang tumalsik. Napaatras ako at pinuntahan sila doon."
"Y-you're here..." Yan ang sinabi sakin ni Drake, ngumiti siya sakin tapos nawalan ng malay. Si Seth at Evan naman ay nginitian lang ako tapos namatay nadin sila. Hindi ko napigilan ang sarili ko nung time na'yun, pati si Tipsy kusang lumabas sa akin at pinapatay lahat ng madadaanan niya."
Pinunasan niya yung mga mata niya, tang ina. Hindi ko ma-imagine na mamamatay ang tatlong yun na saktong pagbalik ko pa.
"Mahirap, napaka hirap nung nangyari sakin. Hindi ko na-control ang sarili ko at nagwala doon. Tumakbo agad ako at pumunta ng SHQ. Nakita ko si Boss na walang malay at may anim na saksak sa dibdib. Yung galit ko, ng dahil sa galit ko hindi ko maalala yung mga nangyari. Nagka-malay nalang ako nung sakal sakal ko si Vaughne sa leeg at yung dalawang Top Commanders ay nasa lapag na at walang malay."
"S-she'll die.... V-vitres will kill hi---" yan lang ang naalala kong sinabi niya, hindi ko na siya pinatapos dahil sa sobrang galit ko.
Huminga siya ng malalim at napatingin sa kalangitan.Kahit ako hindi ko maiwasang magalit ngayon, yung kamao kanina pa nakakuyom at handa ng isuntok na kahit na sino man. Nagkasugat na ang palad ko sa pagkakabaon ng kuko ko sa sobrang gigil ko. Pinatay nila si Boss, ang mga kagrupo ko at higit sa lahat...
"W-what happened to her?" nauutal kong tanong. Sana hindi totoo ang iniisip ko...
"It's too late."
--------
Yo!
BINABASA MO ANG
Stealth
ActionWatching them beg... Cutting their limbs... Burning them... Killing them softly... In a single command, I'll do it. My name is Max Stealth, and I kill for a living.