"Sa bawat masasayang pangyayari, asahan mong may kasunod na problema yan."

[19]

Max's POV

"Use me...." I'm restricted and can't move. I can only see my team forming a circle around me. 

"Use me, take care of me..." I don't know where that voice come from, but I can feel its pain, and it's begging for help.

"Abyssal Blade, my father's old sword." narinig kong boses ni Tipsy. Hindi ako makagalaw, hindi din ako makarinig ng boses bukod doon sa espadang yun at kay Tipsy. Nakikita ko ang mga kagrupo kong tinitignan lang ako.

"Please take care of me." pagkasabi niya ay napabulwak ako sa pagkakahiga ko.

"Max!" sigaw ni Sachzna, niyakap ako nito ng mahigpit.

"Phew, that was close." komento ni Lacey.

"Pinagalala mo si Sachzna eh." pangaasar ni Lucy. Humiwalay sa pagkakayakap sakin si Sachzna at nginitian ako, nginitian ko din siya. Kala ko doon na magtatapos ang buhay ko, buti binigyan pa ako ng pagkakataon mabigay itong ireregalo ko kay Jessy bago ako mamatay.

Ngayon ko lang napansin ang paligid ko, nasa mundong ibabaw na pala kami. Dito din kami nagkita kita nung nagmeeting kami.

"Abyssal Blade, the late Kratos' weapon. A weapon that cuts through soul, I guess you're the new owner of it." sabi ni Drake. Kratos? Tatay ni Tipsy?

"Yep, masyadong maraming soul na nakuha ang Abyssal Blade kaya hindi mo naka yung pressure, pero binawasan ko na kaya kayang kaya mo nayan." sabi ni Tipsy. Kaya pala halos magkanda dugo dugo buo kong katawan, normally thousand souls lang ang nakakaya kong i-take pag sinummon ko si Tipsy, siguro million ang capacity nun kaya hindi ko kinaya yung kapangyarihang yun, pero kung sakaling mapa-million ko yun, hindi ko alam kung gano kalakas ang mangyayari sakin.

Nakita kong may paparating na dalawang malaking lobo, si Seth at Evan ito. Tumalon ang dalawa ng mataas at nagbalik tao.

"Max, kailangan ka yatang makita ni Boss." sabi ni Seth.

"And be careful, mukang masama ang timpla ni Boss." sabi ni Evan. Tumango ako dito at nagpalit anyo bilang phoenix at lumipad na papuntang office.

Pag pasok ko palang ng entrance ay nakaramdam na ako ng kakaibang enerhiya, enerhiya 'to ni Boss hindi ako nagkakamali.

Pag-bukas ko ng office ay sumalubong sa akin ang nakatalikod na office chair ni Boss. Hindi ko pa siya nakikita pero nanginginig ako sa enerhiyang dumadaloy sa kanya.

"B-boss?" nauutal na sabi ko. Tumayo ito at tumingin sakin, makikita mo ang galit sa mga mata niya, hindi ko maintindihan ang nangyayari kung bakit siya nagkakaganyan.

"Did something happened to you and my granddaughter?" mahinahon pero mahahalata mo yung galit sa boses niya. Nararamdaman kong gusto niya akong durugin ng pinong pino gamit ang mga kamay niya.

"W-what?" nauutal na sabi ko. Bigla itong tumunghay, lalo kong nakita ang mga mata niya ng diretso, hindi pa ako nakakadama ng gantong takot sa tanan ng buhay ko.

"You hear me clearly, answer it." hindi ako sinungaling tao, kaya mas maganda siguro sabihin ko nadin kay Boss.

"O-op---" napahawak ako sa kamay ni Boss na nakasakal sakin, hindi ako makahinga dahil sa sobrang pagkakahigpit ng sakal niya. He's strangling me me to death.

"I treated you like my own son, and this is how you pay me back?!" itinaas niya ako at ibinagsak sa sahig, I can endure this pain pero sana wag madamay si Jessy. I used some of my inner power para makawala. Saktong punta ko sa likod ni Boss ay nasuntok niya nanaman ako dahilan para tumalsik ako sa labas. Nakita ko yung mga ka-creed ko na nagsisitinginan sakin, it's a good thing I'm a phoenix, nagre-regenerate kahit papano.

StealthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon