[15]

80 6 7
                                    

[15]

Max's POV

"01, 02 and 03 is here. I need you to come here fast...." narinig kong boses ni Boss Rayleigh. Napasampal ako sa noo ko. Fuck! Kala ko naman bukas pa, ngayon na pala.

"Okay, sir. Bye." sabi ko. Pagkasabi ko nun ay binaba nadin ni Boss ang telepono.

Bumwelo ako ng talon at sa ere nag-palit ng anyo, hindi na ako nagpaalam sa kanila mukang urgent 'to dahil bakas ang pagkaseryoso sa tono ng pananalita ni Boss.

Pagdating ko sa SHQ ay sumalubong saakin ang mga miyembro ng Creed. Pati nadin si 61-70 na nagbabantay kay Jessy. Anong meron? Balak ba ni Boss na ipasugod kaming lahat?

Pag-pasok ko sa loob ng opisina ni Boss ay nakadama ako ng tensiyon. Ang kambal na may kasing laki ng Tanke na lobo at ang 1st commander na nagyeyelo ang kapangyarihan, at syempre ang poging itim na apoy na ikaapat na pinuno ng pangkat namin. Pumunta ako sa harap ni Boss at yumuko.

Napansin ko namang napangiti si Boss ng pumunta na ako sa hilera nila Drake.

"My four mighty commanders..... Ang tagal ko ding hindi kayo nakita ng magkakasama." sabi ni Boss. Lahat kasi kami nung in-announce ang mga posisyon namin ay hindi na nagkasama dahil sa magkakaibang misyon at dahil narin sa kasama ko si Agnes.

"Vitres, Atticus, Vaughn and Levian. Do you know them,  Drake?" tanong ni Boss kay Drake. Sikat ba yung mga 'yun? Mga namang hindi.

"Yes, sir." his voice and personality is very similar with his power. Malamig.

"Levian, 1st commander of Oz. Atticus, 1st commander of SnZ. Vaughn, 2nd commander of Synergy and the most dangerous one, Vitres, 1st commander of Synergy." sabi ni Drake. Hindi lang pala siya mahilig makakita ng dugo, mahilig din pala siya mangolekta ng mga impormasyon.

"Wrong." sabi ni Boss. Nakita kong nag salubong naman ang kilay ni Drake.

"Let me correct you. Levian, 4th commander of Synergy. Atticus, 3rd commander of Synergy, Vaughn 2nd commander of Synergy and their monster, Vitres." napakunot ang noo ko at napansin ko pati nadin ang tatlo kong kasama.

"SnZ and Oz are disbanded. All of the commanders of SnZ and Oz obliterated their subordinates. Even their leader, pinatay din nila. Lahat ng top executive ng SnZ at Oz ay lumipat sa Synergy." nagtagis ang bagang ko at napakuyom ang kamao ko. Kahit minsan hindi pa nasagi sa isipan ko ang pag-ayaw sa grupo, lalong lalo na ang pagpatay sa pinuno namin. Tang ina! Mga wala silang utang na loob sa kani kanilang leader. Kalaban namin ang SnZ at Oz pero hindi parin mawawala ang respeto.

"Those bastards!" sabay na sabi ng kambal. Nararamdaman ko ang galit ng dalawa, kitang kita sa mga mata nila ang mata ng mga lobo nila at gustong gusto nilang pumatay. Alam kong nalulungkot sila sa dinanas ng leader ng dalawang grupo. That's the first rule, never betray your leader.

"Do you want us to hunt them down? That would be our pleasure..." sabi ni Drake. Napahawak si Boss sa kanyang nose bridge.

"Yes. Pero mahihrapan tayo. It's hard to wage war on them right now, sila na ngayon ang pinaka malakas at pinaka marami sa lahat ng Creed ngayon. If I join, they'll start a war. So, I want the seven of you to hunt them one by one...." naintindihan ko yung ibigsabihin ni Boss, ang hindi ko lang maintindihan ay bakit pito kami.

"Seven?" tanong ko. Apat lang kaming nandito.

"With them." napatingin kaming tatlo ni Seth at Evan.

"3 girls?" sabi ko. Naka black suit ito at naka maskara. Sabay sabay nilang tinanggal ang maskara at nagulat ako ng makita ko yung babaeng nasa gitna.

"S-sachzna?" tanong ko. Tumango ito at ngumiti saakin.

"Missed me?" sabi niya tapos nginitian ako.

"Woah dude, mukang may chikalogs ka ah." sabi ni Seth.

"Pano kayo nagkakilala ni Ms. Sexy?" dagdag pa ni Evan.

"Show some respect." mahina pero ma awtoridad na sabi ni Boss. Nakita ko namang nanlaki ang mata ng dalawa at hindi nakalagaw. Yan mga 'gago kasi. Magti-trip na nga lang, sa harap pa ni Boss.

"Sorry milady...." sabi ni Seth at Evan. Tumango lang si Sachzna sa kanila.

"The meeting is done, I want all of you to start tommorow, enjoy this day." sabi ni Boss. Sabay sabay kaming tumungo sa kanya at sabay sabay din kaming lumabas.

Pag labas namin ng opisina ay hinawakan ako ni Sachzna.

"Si Lacey nga pala, Lacey si Max. Si Lucy naman 'to, Lucy si Max." pagpapakilala ni Sachzna. Nginitian ako ng dalawa at nginitian ko din sila. Bukas na mags-start.

"Wanna have some fun?" sabi ni Sachzna.

"Sorry, I gotta go. Yayain n'yo nalang si Seth at Evan." napatingin naman sakin si Seth at Evan na naglalakad na palabas. Dali dali itong napatakbo kung nasaan kami. Ang lakas ng pandinig tsktsk.

"Sure! Para din magkakila-kilala na tayong lahat." sabi ni Lucy. Napansin ko naman ang mala ngiting aso ni Seth. 

"How 'bout that guy?" turo ni Lacey kay Drake na malapit na sa labasan ng SHQ. Imposibleng mangyari yan.

"He's a busy person, wag na natin siyang storbohin." sabi ni Evan. Nakaramdam naman ako ng lamig sa may likod ko. Wag mo sabihing...

"I'll come...." malamig na sabi ni Drake. Napansin ko ang pagka mangha at pagkagulat ng tatlong babae kay Drake.

"T-that's great! Let's go now!" pagiiba ng usapan ni Sachzna.

"Mauuna na ako, may pupuntahan pa ako. See you guys tomorrow." sabi ko at tumakbo na palabas. I'm really curious kung anong gagawin nung tatlong babae bukas, lalo na si Sachzna, ano kayang kapangyarihan nila? May inner power kaya sila? Bukas ko nalang tatanungin, may date pa akong paghahandaan.

Jessy's POV

"He's not answering...." sabi ni Dhax. Kailan pa siya nagkaroon ng number ni Max? Kakikilala lang nila ngayon ah? Anyway, nasan kaya si Max?

Nawala nalang siya bigla nung sinagot niya yung phone niya, kanina ko pa nga siya hinahanap.

"Don't worry about him, he's strong." sabi ni Kuya Zeke. Nandito na kami ngayon sa loob at nanunuod ng bala. Tumayo ako at pumunta ng kusina, baka nasa kusina lang at doon kumakain. Pag dating ko doon ay si Yaya lang ang nadatnan ko na naghuhugas ng plato. I'm sure masaya siya ngayon dahil madami na kami ngayon dito sa bahay at madami na siyang huhugasang plato. Anyway, cut that plate thing, may itatanong pa ako.

"Yaya! Nakita nyo po si Max?" napatigil si Yaya sa paghuhugas at napatingin saakin. Napansin ko naman na nakakunot ang noo nito.

"Nasa likod nyo po ah?" sabi ni Yaya. Nasa likod ko? Umatras ako ng bahagya at may nabunggo ako. Nandito nga siya.

"Jessy...." bulog niya malapit sa tenga ko. Nagsitaasan lahat ng balahibo ko. Dahan dahan akong humarap sa kanya.

"Pwede ba tayong lumabas?"

-------------

StealthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon