[7]
Max's POV
"Sinong nag-utos sayo nito?" tanong ko sa lalaking kaharap ko. Dinala ko pa siya malayo sa Mansion nila Jessy para wala ding makakita. I don't have enough time, ipagluluto ko pa si Jessy.
Tumingin ito sakin at tumawa ito. He's really getting on my nerves. Itinayo ko siya at sinikmuraan dahilan para mag-suka siya ng dugo. Lucky him hindi ako nasukahan niya, mas patatagalin ko pa ang buhay niya.
"Sino ang nag-utos sayo?" last na tanong ko na ito, ipagluluto ko pa si Jessy, baka pag namayat yun bugbugin ako ni Boss.
"L-lumapit ka..." sabi niya. Ang hina ng boses niya. Lumapit nga ako sa kanya, hinihintay ang sasabihin niya.
"A-ang nag-utos s-akin ay...." sabi nya. Hindi niya tinuloy tinignan ko siya pero naka-ngiti padin siya.
"Sino?" tanong ko. Last na last na talaga to, hihiwayin ko na'to promise.
"T-tangina mo." pagkatapos niyang sabihin yun ay saktong hiwa ko din sa kanya. Natalsikan ako ng dugo sa may bandang muka. Letseng Assassin to, hindi manlang ako pinagpawisan, natalsikan pa ako ng dugo.
Aalis na sana ako ng bigla kong napansin ang tattoo niya sa kaliwang parte ng leeg. Nakakita ako ng isang Tribal na letter S. Napakuyom ang aking panga, sa dami dami pa ng magtatangka sa apo ni Boss ay ang Synergy pa. Kailangan malaman 'to ni Boss, pero bago yun ipagluluto ko muna si Jessy.
Nang makarating ako ay saktong naliligo daw si Jessy sabi ng katulong niya, buti nalang hindi ako inabot ng matagal. Kinuha ko ang mga ingredients at sabay sabay itong niluto. Nilagay ko ang mga manok sa may tubig, lahat ng ingredients ay inilagay ko na. Gumamit ako ng kapangyarihan ko kaya madali itong naluto. That's how you make adobo in 5 minutes. *smirk*
"Oh, andito ka na pala." napa-tingin ako sa likod ko. Si Jessy.
"Saktong sakto, tara kain na." sabi ko. Nakita ko naman siya na dali-daling pumunta sa upuan. Naalala ko tuloy si Agnes na pagkatapos kong mag-luto ay dali-dali ding naghahanda, minsan nga nakakalimutan ng maghugas ng kamay nun eh. Nami-miss ko na tuloy siya.
"Tignan ko nga kung masarap." nakangiting sabi niya.
"Tikman mo, wag mong tignan lang." nakangising sabi ko. Napa-belat naman siya.
"Whatever.." sabi niya. Napatawa naman ako. Kahit ako nagtataka, di ako masyadong nakikipag-usap sa mga tao, hindi rin ako nambabara gaya ng ginagawa ko ngayon. Kay Agnes ko lang lahat nagagawa to, pero kasi si Jessy... I... I feel comfortable with her. Ah fuck forget it.
Unang subo palang niya napangiti na ako, napatigil kasi siya at napatingin sakin.
"W-wow..." sabi niya. Napatawa naman ako. That reaction was hilarious! If you could only see her face.
"Ayos ba? Madami pa diyan." sabi ko. Hindi ko napansin na nakangiti nadin pala ako. Fuck! So gay! I'm sure kung makikita ako ni Agnes pagtatawanan ako nun.
"Grabe... kung ikaw lagi magluluto baka tumaba ako..." sabi niya. Ngumiti lang ako. Napansin kong na akuha niya yung mata ni Boss na kulay Gray. I wonder kung namana niya yung inner power ni Boss, that would be awesome..... and dangerous.
"San ka pala pupunta at ganyan ang bihis mo?" tanong ko. Naka-jeans lang kasi ito at naka plain white t-shirt. Siguro may dadaanan lang to.
"Sa SHQ nyo. Bibisitahin ko si Lolo." simpleng sabi niya, nagulat naman ako sa sinabi niya kaya nabulunan ako.
"Pati yun alam mo?" tanong ko. Pati ba yun alam niya?
"Oo naman, ako pa." tumango nalang ako. Ang dami niyang alam.
Namagitan ang katahimikan saming dalawa, kumakain siya, kumakain kaming ako, kumakain kaming dalawa. (-_-)
Papano kung dadaan kami sa tamang way? Pwedeng may makakita saming scout, pero kung doon kami dadaan sa dinadaanan ko I'm sure walang makakakita samin pero...
"Nakakita ka na ng motor?" tanong ko sa kanya. Napatigil naman siya sa pagkain. Inubos niya muna yung nginunguya niya bago nagsalita. So formal, manang mana kay Boss.
"Yep, I bought one time but Lolo didn't like it so he destroyed it. Sabi niya delikado daw yun depende nalang kung magaling yung magda-drive." sabi niya. Napa ngiti naman ako, hindi naman kasi sa nagyayabang, mas magaling pa kasi ako mag drive ng motor dun sa lalaki sa GTA San Andreas eh.
"Good, may itim na blazer ka?" sabi ko. Masyado kasing pansinin pag puting shirt lang, sana meron.
"Meron, magsusuot ako ngayon. Why?" sabi niya. Good, sabagay ba't pa ako nagtanong, I'm sure kumpleto siya.
"Good. Wanna ride me?" sabi ko. Nanlaki naman yung mata niya. Fuck! Mali yung nasabi ko!
"I-I mean wanna ride with me?" tang ina. Namula naman siya at uminom ng tubig. Ang gago ko talaga, kung narinig siguro yun ni Boss burado na ako sa mapa ng Pilipinas.
"S-sure... wait kukunin ko lang yung blazer at isusuot ko." sabi niya. Ah fuck I'm so stupid!
Hinihintay ko siya sa labas ng gate nila, dito ko kasi pinark yung motor ko.
Pag bukas niya ng gate ay nagulat nanaman siya. San kaya siya nagulat?
"That's awesome..." sabi niya tapos lumapit sa motor ko. Plain black combined with neon blue tapos yung gulong may mini blades na hindi kayang makita sa unang tingin. Namana niya talaga ang mata ng Lolo niya.
"Don't touch that, baka mahiwa ka." sabi ko. Napatayo naman siya.
"Oops, sorry."
"Sakay na." sabi ko. Nakatayo padin siya doon at parang naiilang. Dahil kaya to sa sinabi ko kanina?
"What's the problem?" tanong ko.
"I said I bought it before, but I never rode it." sabi niya. Ah... yun lang pala eh. Bumaba ako sa motor inalalayan ko siya sa pagsakay. Ng makaupo siya ay bumakas ang ngiti sa kanyang mga labi. Para talaga tong bata, naalala ko nanaman si Agnes.
"Yumakap ka sakin." sabi ko. I'm waiting for the hug pero wala parin, pag-tingin ko sa kanya ay parang namumula siya.
"P-pervert! Why would I hug you?!" tanong niya. Pero alam ko nahihiya to, tsk buti nalang talaga hindi nalalaman to ni Boss at wala namang magrereport na guard. Oo nga pala, nagtataka ba kayo kung bakit walang guard si Jessy? Sabi kasi ni Boss pwede padaw itong maging spy sa loob at pagtangkaan si Jessy kaya nasanay siya ng walang guard, ang in-assign ni Boss ay sila number 61-70 na pasimpleng nag-ga-guard dito. Pero hindi yun alam ni Jessy. I'm sure wala naman din magsusumbong sa kanila pero kung meron man, kokotongan ko sila isa isa.
"Ayaw mo?" tanong ko.
"Hell no!" sabi niya ng umiiling. Ah ganon. Ini-start ko ang makita at tumakbo ng bahagya, hindi siya nakahawak sa likod kaya napayapos siya sakin.
"Ugh! Oo na, yayakap na ako." sabi niya.
"Pero wag masyadong dumikit, chansing ka eh." matawa-tawang sabi ko. Nakita ko naman yung reaksiyon niya sa side mirror na napa-iling nalang.
"Wow! Just wow!" sabi niya. Hindi ko pa pinapaandar, once kasi na nagmaneho ako, no one can disturb me so yung mga sasabihin niya or sasabihin ko ngayon palang sasabihin na.
"Pero seryoso, humawak ka, magaling ako mag-drive..." ngumiti ako ng nakakaloko tsaka inabot ko yung helmet. Gumamit ako ng konting inner power para mas mabili yung takbo ng motor ko.
"P-pervert!"
"I'll drive you crazy..." sabi ko then pinaandar ko na.
--
Yo! Pasukan na bukas! Maraming salamat sa lahat! Nagulat ako dun sa mga read ang bilis hahahaha shet nakaka-excite. Sige, itatry ko mag-update ulit ngayon. Babay!
BINABASA MO ANG
Stealth
ActionWatching them beg... Cutting their limbs... Burning them... Killing them softly... In a single command, I'll do it. My name is Max Stealth, and I kill for a living.