[26]
Jessy's POV
I can't believe sumama si Agnes sa kanya. Sabagay, kaibigan niya din siya kahit papano.
"Hey you're spacing out! Nakita mo lang siya ulit eh. It brings back memories ba?" matawa tawang sabi ni Shawn.
"Yeah... bad memories." tugon ko. Yeah, very bad. Isa sa mga pinagsisisihan kong nangyari sa'kin.
"Well, timing naman pala ang pag punta ka dun. Alam kong hindi mo pa kaya." sabi niya ng hindi nakatingin sa akin.
"Shut up, Lux! Kayang kaya ko na." sabi ko. Napatingin naman siya tapos pinitik niya yung noo ko.
"Ouch!"
"Sabi ko ng wag mong babanggitin ang dati kong pangalan eh! Pag naalala ko nakakabading." sabi ni Shawn. Yeah, tama kayo, he's Lux. Pero iniba niya ang pangalan when he found out kung ano talaga siya. Ayan, tuwing maririnig niya yung dati niyang pangalan nanggagalaiti na sa galit yan.
"I'm still glad na naging lalaki ka, ang hot mo pa naman sayang naman kung sakali." matawa-tawang sabi ko. Kung makikita nyo lang siya ngayon ang laki ng pinagbago niya. He's even hotter than before, nag-gym eh.
"Pero wag mong ibahin ang usapan. Ramdam ko na nagseselos sakin si Max at kahit na anong oras pwede niya akong bugbugin, lalo na ngayon, mas malakas pa siya sa Viscount at kila 1, 2 at 3." sabi ni Shawn. Medyo napataas naman ang kilay ko. Mas malakas pa kay 1, 2 at 3? Impossible, I've seen their fights and hindi sila mapigilan ng kahit na sino. Tapos mas malakas pa siya? No way.
"Speaking, andun na pala sila." sabi ni Shawn. Natanaw ko naman silang dalawa... masaya parehas. Magkayakap silang dalawa. Parang medyo nanginit yung dibdib ko. Medyo bumilis din ang tibok ng puso ko. Damn! I'm still affected.
Tinigil ni Shawn ang sasakyan niya malapit sa kanila. Napatingin siya sakin at nginitian ako. Hindi ko lang ito pinansin at umalis na ng sasakyan.
"Let's go, Agnes." sabi ko. Tumango siya at sumunod sa akin. Dire-diretcho lang ako papasok ng building na pagsho-shootingan namin ngayon.
"Baka raw hindi makapunta si Jessy Silvers, busy yata siya ngayon eh."
"Sayang naman! Kala ko pa naman pupunta, first time kong makakakita ng International Model. Sikat din kaya sa ibang bansa 'yun! 3 years palang siya pero maraming magazine na ang kumuha sa kanya."
"Sayang naman! Kahit ma-picturean ko lang tapos mapakita ko sa anak kong idol na idol siya okay na."
"Excuse me.." sabi ko. Sabay sabay silang napatingin sa akin at halatang nagulat. May mga gumihit na ngiti sa kanilang mga labi which softens me. Ang sarap makakita ng mga taong mahal na mahal ka. Oops!
Max's POV
"You should've seen your face! Epic talaga yung reaction mo dun sa mga hugot lines ko." matawa-tawang sabi ni Agnes. Natawa nadin ako, sino ba namang hindi maniniwala dun. Nung una naguguluhan ako, medyo kagagaling ko lang sa ibang mundo kaya wala na akong alam sa mga hugot hugot lines nayan.
"Kala ko talaga totoo, pwede ka ng mag-artista." komento ko. Tumawa lang siya. Pangalawa siya nakakapagpasaya sakin bukod kay Jessy. Nakakahawa kasi yung ngiti niya, naalala ko tuloy nung may gusto ako sa kanya.
"Yeah, binugbog mo pa yung manliligaw niya." matawa-tawang wari ni Tipsy. Sawakas nagsalita din si unggoy.
"Yeah, fuck you wag mo ng ipaalala." sabi ko. Nakarinig naman ako ng tawa niyang nakakatakot.
BINABASA MO ANG
Stealth
ActionWatching them beg... Cutting their limbs... Burning them... Killing them softly... In a single command, I'll do it. My name is Max Stealth, and I kill for a living.