Shout outs kay @BrownRanger at doon sa dalawang sumusuporta at nagbo-vote. Shout outs din dun sa mga silent reader, nagulat ako naging 140+ reads na at hindi nagkakalayo ang read ng bawat isang chapter. Maraming salamat sa inyo labyuall. Ge let's get it on!
[6]
Jessy's POV
I was stunned. What will I say?
"T-thank you..." bigla nalang lumabas sa bibig ko. Okay na sana eh, pero ba't ako nauutal?
"Yun oh. Sa compliment ka pala nagpapasalamat." matawa tawang sabi niya.
"Bakit naman, kailan ba dapat ako nag-pasalamat?" I asked. Kailan nga ba? Eh wala naman siyang nagawa para pasalamatan ko siya.
"Yesterday, nung pinag-drive kita na muntik ka ng ma-late dun sa kissing scene nung lalaking inupuan mo sa hita tapos muntik ka pa niy---" I cut him off. Ang daldal!
"Oo na, salamat na ang dami mo pang sinabi eh." sabi ko. Natawa naman siya. Ang pogi niyang tumawa. Tumayo siya bigla dala yung towel niya.
"Maliligo muna ang pogi, enjoy ka muna dito. Btw, nice meeting your other side, mabait ka naman pala. Call my name when you need me." he said then he patted my head. Hindi ko namalayan na naka-tingin ako sa abs niya. Woah...
Hindi ko na masyadong napagmasdan pa ito dahil umalis na siya, nanlaki yung mata ko when I saw his muscular back. And oh, that's a fine ass. I don't know what the hell I'm thinking right now. Nakaramdam naman ako ng init sa buong katawan. Ughhh, kailangan ko ng tumalon sa pool.
So ayun nga, nag-dive ako sa pool. Linangoy ko mula unahan hanggang sa umabot ako sa huli. Nung nakarating na ako sa huli ng pangaawang beses ay napansin kong biglang dumilim. Ano kaya yun?
Pag-tingin ko sa taas ay hindi ko inaasahan ang makikita ko. I saw a tall guy, siya pala yung dahilan kung bakit hindi ako masinagan ng araw. Nanlaki yung mata ko ng makita kong naglabas siya ng espada.
"Go away!" sinabuyan ko siya ng tubig sa mata, at sakto tumama naman sa kanya kaya napahawak siya dito. Now's my chance to get away!
Pag tingin ko ay nandoon na agad siya sa kabilang side.
I saw him drew his sword out. My heart race like a jet. I guess it's my time.
"Any last words?" last words? Max said when I need him I just need to call his name. I hope this will work.
"None? Then die!" pagka-sway ng sword niya ay saktong sinigaw ko ang pangalan ni Max. "Maaaaaaaaax!"
In just miliseconds nawala yung taong may balak pumatay sakin at mala flying saucer natumalsik doon sa barbecue grill. Nakita ko si Max na nag-aapoy, hindi ordinaryong apoy dahil itim na apoy ito. Nawala yung kaba ko at napalitan ito ng pagka-mangha. Yung apoy parang kay Sasuke, kalahati ng katawan niya ay nagaapoy, I saw his eyes, his devilish smile, nakakatakot yung itsura niya. Nakita ko yung lalaki na nahihirapan tumayo.
"N-numb-er F-four...." nauutal na sabi nito. I saw Max smile, mas nakakatakot ito kumpara sa kanina. Nakita kong may lumabas mula sa kanang kamay ni Max. Isang bilong na espada, bawat gilid nito ay may matatalas na blade na mukang pagdinaanan mo ay mangangalahati ka. Dahan dahan siyang lumapit doon sa lalaking matapi-tapilok kung umatras. Sinakal ni ito ni Max gamit ang kaliwang kamay.
"What method do you want? Fried or Grilled?" Is he gonna kill that man?
"H-hindi n-namin titigilan ang apo ni R-rayleigh..." the tall guy said with a smile on his face. Binanggit niya si Lolo...
"Wrong answer." Is he gonna do it?
"No please..." hindi ko namalayan na naluluha na pala ako. Hindi ko alam kung para doon sa lalaki, o kaya dahil ayokong makakita ng taong pinapatay sa harap ko. Napa tingin sakin si Max, nawala yung ngiti niyang malademonyo, nawala din yung apoy na pumapaligid sa kanya, yung Max na nakikita ko ngayon ay yung Max na nakasama ko kanina dito sa pool.
Bumalik siya sa normal at napa-iling. Binatawan niya yung lalaki at tinalikuran ito.
"Y-yan lang kaya mo?" why don't he stop! Max spared his life tapos nang-aasar pa siya. Nakita kong napapikit si Max at humarap ulit. Oh not again...
Nakita kong nag-apoy ang kaliwang kamay ni Max, bumwelo siya at sinuntok yung lalaki. Yung mga luha ko yata biglang nawala nung bigla akong napanganga. Nakita ko yung mata nung lalaki na naging puti, don't know parang nayupi yung muka niya. O_O
Nakita kong naglalakad papalapit sakin si Max.
"Okay ka lang?" tanong niya sakin. Tumango lang ako.
"Ba't ka umiyak?" dagdag tanong niya.
"I don't know, siguro I'm not ready to see someone die in front of me." sabi ko. Iniabot niya ang kamay niya, at inabot ko din ito at umahon.
"Well, kailangan mo ng masanay. Alam na nila kung saan ka nakatira, baka mas malakas pa yung pumunta baka hindi ko kayanin." sabi niya. Nanlaki naman yung mata ko.
"B-baka hindi mo kayanin?" tanong ko. Natawa naman siya.
"Just kidding, hindi pa pinapanganak ang tatalo sakin." he said with a smirk. Mayabang talaga. Napailing nalang ako.
"Nagagalit yung Moon Sword ko oh..." sabi niya sabay tinaas niya yung bilog na espada. Tinignan ko naman siya na parang nagtataka.
"This is the first time that it didn't cut someone. Nagdamdamdam tuloy. Pinigilan mo kasi ako." sabi niya.
"As if namang nararamdaman mo yung nararamdaman niya."
"Oo naman, sa susunod nga ihihingi kita sa Lolo mo ng espada and once you're attached to it, I'm sure mararamdaman mo yung nararamdaman nila, the lust of killing, mararamdaman mo yun." sabi niya. Tumango nalang ako, wala akong balak magkaroon ng espada, makakita nga ng pinapatay maiiyak na ako eh pumatay pa kaya.
"Max..." sabi ko. Nakatayo parin kami, ang tangkad niya pala hanggang leeg niya lang ako.
"Ano yun?"
"Nakakatakot ka kanina..." sabi ko. Nakakatakot talaga siya, when I remember his devilish smile I'm trembling.
"S-sorry... ipagluluto nalang kita para makabawi ako..." sabi niya. Napa ngiti naman ako. Marunong siyang magluto?
"You know how to cook?" tanong ko. Ngumisi naman siya.
"Madami akong alam, mamaya ko na ikukwento sayo. Mauna kana, may gagawin pa akong liempo dito." sabi niya sabay tingin doon sa lalaki kanina. Napakunot naman ako ng noo.
"Don't do that..." I said with a authoritive tone.
"Yes Ma'am! Kahit gusto kong liempohin yan hindi ko gagawin para sayo. Umuna kana, liligpit ko muna to." matawa-tawang sabi niya. Ang cute niyang tumawa, pag ako nasanay baka hanap-hanapin ko 'to.
---------
TADAAAAAAAAAAAAAAN! Sensya na ngayon lang nakapag-update! Writer's block ba tawag dun? Basta natuyuan ako eh, paulit-ulit akong bumalik sa chapter nato, siguro naka 3 tries ako bago ko pi-nublish, tinignan ko kasi kung babagay eh. Haha so, what do you think? Sige, ingat kayo pasukan naman sa Lunes :/
BINABASA MO ANG
Stealth
ActionWatching them beg... Cutting their limbs... Burning them... Killing them softly... In a single command, I'll do it. My name is Max Stealth, and I kill for a living.