NOTE FOR YOU

62 0 0
                                        

Mabuhay!

Ikinagagalak kong makita ang mabilis na pagdami ng aking mga tagabasa sa istoryang ito.

Karamihan sa inyo ay maituturing kong "silent readers" sapagkat hindi man sa salita, nakikita ko naman sa kilos at galaw ang iyong pagmamahal para sa kwentong ito.

Nais ko lamang ibahagi ang iilang tulang isinulat ni Ellie Rivera para sa kanyang iniibig na si Kendrick Torres.

Si Kendrick ay maihahalintulad niya sa kantang "Multo" sapagkat ilang taon na ang lumipas nang magtapos ang kanilang kwento ay minumulto pa rin siya ng mga alaala ng nakaraan, dahilan upang maisulat niya ang mga tulang nagpapakita sa kanyang tunay na damdamin para sa binata.

At gaya rin ng kantang "Muli", hindi na niya kayang umibig pa sa iba. Pinaniniwalaan niya ang kasabihang, "kung hindi ikaw, huwag nalang."

Isang pag-ibig na hindi na maibabalik pa dahil sa isang munting pagkakamali.

Kung kaya't nawa'y magsilbing gabay ito para sa mga taong katulad ni Ellie, ay naguguluhan din at natatakot magsalita na humantong sa pangungulila sa isang pag-ibig.

P.S Mababasa ninyo rin po ang mga tulang ito sa aking libro na "Malayang Tinig."

PAALALA : Maaari kayong bumoto at magkomento sa bawat kabanata ng istoryang ito.

Ikinagagalak kong marinig ang iyong saloobin sa kwentong ito.

Too Late, EllieStories to obsess over. Discover now