Chapter 11

1.2K 28 1
                                    

"Seriously, you don't have to clean my room everyday. It's already clean." Hindi ko maiwasang ikomento. Simula nang mag-umpisa siyang maglinis dito ay araw-araw na siyang naglilinis akala mo namang may nagkakalat.

"Anong already clean? Look!" Aniya sabay pakita sa hintuturo niya.

Tinitigan ko ang hintuturo niya tapos ay kinunutan siya ng noo. "Anong mayroon diyan? Wala naman akong makitang ni kaunting alikabok."

"Mayroon! Hindi mo nakikita kasi malayo!"

"Lapit ka kung ganoon. I want to see it."

Iniwan niya ang basahan at lumapit nga siya sa akin sabay pakita sa akin ng hintuturo niyang may tatlong butil ng napakaliit na buhangin na kung 'di mo titignan sa malapitan ay hindi mo makikita.

Walang gana kong sinalubong ang kaniyang tingin. "Iyan lang?" Magsasalita pa sana siya ngunit hinila ko siya pahiga sa tabi ko na ikinasigaw niya.

"Ano ba Wyatt! Amoy pawis ako at hindi pa ako tapos maglinis!"

Ikinulong ko siya sa mga braso ko at mahigpit na niyakap nang akmang babangon pa siya. "You know you don't have to do this. I hired many housekeepers so you don't have to tire yourself by cleaning this house but here you are, being stubborn and cleaning everyday as if my room is so dirty."

Pilit siyang humarap at sinamaan ako ng tingin. "Palibhasa makalat ka kaya wala kang pakialam kung marumi ang kuwarto mo."

Natutuwang kinurot ko ang pisngi niya ngunit mabilis na tinapik lang niya ang kamay ko palayo. "You are so adorable when you are mad. May mas ipapangit ka pa ba?"

Sinubukan niyang lumayo ngunit hindi ko siya pinakawalan. "Wyatt may sugat ka pa!"

"They are healing so that doesn't matter."

"But they are to me!"

Nakangising sinalubong ko ang tingin niya. "Are you worried?"

"Worried, of course not!"

Muli ko siyang niyakap nang mahigpit at ikinulong ang mukha niya sa dibdib ko. "Kapag hindi ka tumigil bubukas ang mga sugat ko sige ka."

"Are you threatening me?"

"Are you threaten?"

"Of course not!"

"Then be a good girl and let me cuddle you until I fall asleep. I am sleepy my clean freak Nhyl."

"You can cuddle the pillow I am still cleaning so let me go."

Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya na ikinanigas niya. Her boobs are pressing against my stomach and I am so turn on but I don't want to make her hate me more so I have to keep myself in check. I am working for her trust and if I do what's in my mind, hay... I am still gaining for her trust and I don't want to spoil this moment. Hugging her is already an honor to me.

"Siguro kung pangit ako hindi mo rin siguro ako ikukulong sa bahay mo."

Dahil sa kaniyang sinabi ay niluwagan ko ang pagkakayakap sa kaniya at tinignan siyang nakatingin lang nang diretso sa dibdib ko. "What made you say that?"

"Eh 'di ba iyon naman ang gusto niyong mag lalaki? Maganda at sexy?"

"Tsk. Nonsense. Bakit kayong mga babae gusto niyo rin naman ang isang lalaki kasi guwapo."

Mabilis siyang lumayo at kunot noong sinalubong ang tingin ko. "Bakit mo naman nasabi iyan? Hindi lahat ng babae mahilig sa guwapo ano."

"Then ganiyan din ang mga lalaki. Hindi lahat ng lalaki mahilig sa maganda. Gaya niyong mga babae, ang mga lalaki iba-iba ang type. At ako, type kita kaya ikaw ang gusto ko."

You are Mine (Completed)Where stories live. Discover now