Mahigpit ang pagkakakapit ko sa mga dala ko habang naglalakad sa madilim na daan. Maghahating gabi na kaya lahat ng mga bahay ay sarado na. Gusto kong pumara ng taxi ngunit walang dumadaan kaya nilalakad ko na lang ang daan patungo sa pinakamalapit na motel na alam ko gayon pa man ay aabutin pa yata ako ng dalawampung minuto bago marating iyon.
Ngayon ko pinagsisihang naglayas ako nang hindi nagdadala ng sasakyan. Kasalanan ko 'to eh. Ramdam ko ang pares ng mga matang nakasunod sa akin kaya mabilis na ipinalibot ko ang tingin sa paligid habang tinatalasan ang pandinig. Wala akong makita ni isang tao sa paligid at tanging huni lang ng mga insekto ang naririnig ko.
Lihim na nasapo ko ang dibdib at malalaki ang mga hakbang na naglakad. Noon ko naman napansing parang may nakasunod sa akin at naririnig ko na rin tunog ng mga yabag nito.
Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa likod. Wala akong nakita ni isa. Ipinilig ko ang ulo. Baka guni-guni ko lang iyon. Malakas ang tibok ng pusong mas nilakihan ko pa ang hakbang ko na halos tatlong hakbang na para sa normal na naglalakad.
Nanindig ang balahibo ko sa batok pababa sa katawan ko nang makaranig ako ng sigaw ng babaeng umiiyak na para bang sobrang nasasaktan. Natigil ako sa paglalakad at takot na ngumiti. Sinusundan ba ako ng mga multong nasa apartment na tinutuluyan ko?
Biglang may humawak sa balikat ko. Napatingin ako sa kamay na puno ng dugo tapos ay malakas na tinapik iyon palayo sa balikat ko at mabilis pa sa normal na andar ng sasakyan na tumakbo ako.
"Bakit ang malas ng gabi ko!" Sigaw ko na sa sobrang bilis ng takbo ay nagiging blured na ang paligid ko. Tinignan ko ang kamay na itinapik ko sa kamay na may dugo kanina na pumatong sa balikat ko. "D-dugo! Tulong!" Syempre walang makakarinig sa akin dahil anong oras na. "Yawa!"
Mas bumilis pa ang takbo ko nang pakiramdam ko ay may humahabol din sa akin na sobrang bilis din. "God, kung may nagawa man akong kasamahan patawad! Hindi ko na po uulitin!"
Ibinigay ko lahat ng bilis na mayroon ako nang mapansing ang lapit lang ng mga yabag na sumusunod sa akin.
"God! Kung galit ka dahil sa pagnanakaw ko ng bente noon sa wallet ni papa tinigilan ko na po iyon noong grade 6 ako! Kung galit ka namam dahil sa pagnanakaw ko ng cake sa bakery ni mom tumigil na rin po ako noong high school! Lord kung galit ka dahil minsan ko nang tinago ang dildo ng kaibigan ko ibinalik ko na po noong college!"
Natigil ako sa pagtakbo nang matapat ako sa motel na pupuntahan ko. Lumingon ako sa likod. Walang sumusunod sa akin ngunit ang puso ko ay hindi na masukat ang takot na bumabalot rito. Noon ko lang napansin na ang bilis kong nakarating. Ang dapat na dalawampung minutong lakad ay naging limang minuto na lang.
Mabilis na pumasok ako sa motel. Binati ako ng guard na mukhang pagod marahil ay dahil sa magdamag na pagbabantay. Tango lang ang itinugon ko rito at mabilis ang mga hakbang na nilapitan ko ang receptionist.
"Good evening ma'am. How can I help you?" Nakangiting bati niya sa akin kahit mukhang pagod at puyat dahil sa eyebags niyang nahahalata na.
"I need a room just for tonight." Walang paligoy-ligoy na sabi ko.
"Wait a minute." May kung ano siyang kinalikot sa computer na kaharap tapos ay sa cellphone niya. Nang matapos ay kumuha siya ng susi at iniabot sa akin. "Room 356. Second floor."
Iniabot ko ang credit card na hinuhulugan ko habang nagtatrabaho ako. Nakangiting kinuha niya ang credit card at sinwipe sa card swiper saka ibinalik sa akin.
"Enjoy your night ma'am."
Ngumiti't tumango ako kasabay ng pagkuha ko ng credit card at ibinalik sa wallet ko. Mahigpit ang kapit sa paperbag na may lamang mga pagkain na naglakad ako patungo sa elevator kasabay ng paglaho ng ngiti ko.