Nhyl's P.O.V.
Hindi mapakaling humiga ako patagilid pakaliwa. Ilang oras na akong nakahinga sa napakaliwanag na kuwarto ni Wyatt takot magpatay ng ilaw sa takot na baka habang natutulog ako ay may kasama na pala akong hindi invited na bisita.
Maharas na nagpakawala ako ng hangin at nahiga patihaya. "Bakit ba hindi ako makatulog!" Napipikon na ako. Kahit anong pilit ko hindi talaga ako makatulog.
Naiinis na nahiga ako patagilid pakanan. Him without here by my side feels like something's missing. I used to sleep next to him so I am not surprise to act like this.
"God... ilang oras lang siyang nawala pakiramdam ko gusto ko na siyang yakapin nang mahigpit."
Napasimangot ako. May kaunti rin na parte sa akin na nag-aalala na baka napano na siya. Sabi niya malaking mission ito dahil karamihan sa mga ipinadala ay mga dalubhasa na pagdating sa pakikipaglaban.
"Would he be okay?"
I badly want to ask him to just quit on that job but I know he wouldn't listen. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama. Tinungo ang ref at kumuha ng wine at wine opener walang balak gumamit ng baso.
Tinungo ko ang sliding door ng balcony at binuksan saka lumbas at tinungo ang railings. Naupo sa gilid at binuksan ang bote. Kahit sa ganitong oras ay may mga tauhan siyang gising na nagmamasid sa paligid. Sa totoo lang bawat bahay ng mga kaibigan niya ay may mga lalaki at babaeng may hawak na baril na nagbabantay sa labas ng gate ng bahay at sa loob umaga man o gabi. Kahit sa malayong parte ng bahay nila ay may nagbabantay para mapanatili ang kaligtasan sa lugar na ito.
Hindi ako makapaniwalang naging isa ako sa mga kaibigan ng mga taong hindi mag-aalinlangang pumatay kapag kinakailangan. Kahit ilang taon akong nasa katungkulan ay hindi ko kailanman ginawa ang pumatay. Para sa akin, hindi kamatayan ang solusyon sa lahat ng uri ng problema. My mother once said, the lord has not given us a problem we cannot solve.
Mag-uumaga na rin nang mapagdesisyunan kong bumalik na lang sa kuwarto. Binalik ko sa ref ang wine na natira tapos ay nagtungong kama at pabagsak na nahiga saka niyakap nang mahigpit ang unan niya na sana ay siya.
Nakatulog akong siya lang ang laman ng isip ko at magising ako ay anong oras na at ang cellphone kong nasa night stand ay halos itapon ko dahil sa nakakarindi nitong tunog. Nagbuntong hininga ako at nahiga ulit nang tumigil ang pagring ng cellphone ngunit saktong pagtigil lang ay ang sunod na naman nitong pagring. Sino naman kaya ang tumatawag at hindi makapaghintay?
Naiinis na bumangon ako at marahas na hinablot ang cellphone kong nakapatong sa nightstand. Medyo nagulat pa ako nang makitang kay Savannah ang numero. She doesn't do calls when not needed so I assume this must something important.
"Yow." Bungad ko.
"Akala ko nilamon ka na ng kama mo. Pupunta na sana ako riyan para hilahin ka paalis." Sarkastikong bungad niya na ikinatawa ko. In their circle of friends, Wyatt told me she's the most sarcastic and brutally honest.
"Sorry. I was sleeping. Anyway, what's the matter?" I yawn as I stretch my body.
"It's about Wyatt."
Bigla akong natigil sa ginagawa at naituon ang pansin sa kausap. "What about him? May nangyari ba?"
"He's at Griffin's Medical Hospital with a serious injury..."
Ang mga sunod pang sinabi niya ay hindi ko na narinig. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay para akong nabingi sa narinig. Tinapos ko ang tawag at wala sa sariling natawa.
"It's happening again." Malakas akong tumawa. "Ano ba ang mayroon sa akin at lahat na lang ng gusto ko napapahamak!" Muling malakas akong tumawa. Hindi ko matukoy ang klase ng tawang lumalabas sa bibig ko. Nababaliw na ako. I can't help but to recall what Rosetta, my late fiance's mother said just after her son's funeral.