Chapter 37

1K 30 0
                                    

Pagdating namin sa bahay nila Savannah ay naabutan namin sila sa salas na seryosong nag-uusap ngunit nang mapansin ang aming pagdating ay agad na iniba nila ang usapan halatang hindi ko pwedeng malaman ang kanilang usapan.

"Akala ko aabutin ka muna ng ilang lingo bago ka makakalabas. Ganoon ang nakasanayan namin eh." Natatawang ani Savannah na kay Wyatt nakatingin.

Tumawa sina Dalton kasama ang grupo niyang kasundo niya sa lahat ng bagay maliban sa kasal na usapan.

"Alam niyo naman kapag si Nhyl na ang nariyan, gumagaling kaagad."

Tumawa silang lahat na ikinatsk lang ni Wyatt na iginiya ako paupo sa sofa. Now I can't help but to feel awkward. Kahit na friendly lahat ng kaibigan ni Wyatt hindi ko pa rin maiwasang mailang. Iba pa rin talaga ang pakiramdam kapag alam mong out of place ka. Kahit itrato ka pa nila nang mabuti ay mahihiya ka pa rin.

"Guess what?" Nangingiting ani Wyatt.

Si Savannah ang sumagot. "Naglambingan kayo ni Wren?"

Tumawa silang lahat pati ako ay natawa. Alam ko kasing imposible ang bagay na iyon.

"I'm getting married 2 weeks from now."

Lahat sila ay nakatitig lang kay Wyatt maliban sa akin na tanging siyang nagulat. 2 weeks? Ang bilis naman yata?

"And?" Tanong ni Rita habang walang ganang nakatingin kay Wyatt.

"Any reaction?" Naguguluhan ani Wyatt.

Nagtsk si Heather. "Sino naman ang magugulat? Kahit pa sabihin mong sa araw ka rin na ito ikakasal ay walang magugulat dahil halata naman sa inyong dalawa na patay na patay kayo sa isa't isa kahit napaka pride ni Nhyl."

Lahat sila ay tumawa maliban sa akin na nag-init ang mukha sa hiya. So hindi lang pala si Wyatt ang nakakapansin ng ugali kong iyon pati rin pala sila.

"Meron pa." Matamis na matamis ang ngiting ani Wyatt. "Nhyl is more than a month pregnant with my twins!"

Pakiramdam ko ay parang may uwak na dumaan sa pagitan naming lahat na tanging siyang naglikha lang ng ingay. Lahat kasi sila ay nakatingin lang kay Wyatt na para bang hindi na nakakagulat ang balita nito.

"Why y'all staring at me like that?" Kunot noong tanong ni Wyatt.

Bigla silang tumawa lahat.

"Baliw ka rin, sinong magugulat sa balita mo?" Ani Den na muling tumawa.

"Mahigit isang taon mo nang binabahay si Nhyl may dapat ba kaming ikagulat?" Naiiling na ani Dalton.

"Isa pa..." Pagpapabitin ni Gianna. "I'd seen many kiss mark on her neck so that news is not a surprise for us."

"Magugulat na lang ako kapag nalaman kong ang apat na mga manwhore na iyan ay magiging patay na patay sa isang babae." Ani Savannah na nilalaro ang tungki ng ilong ng anak. Pansin kong wala rito si Forest at ang ama niya.

"Hey we're not manwhores. We are just doing that to enjoy our single life and also, we're not forcing women to you know, they are whole heartedly surrendering their body on us!" Mabilis na singit ni Dalton.

Nailing si Rita. "Ikakasal ka na't lahat, nakukuha mo pa ring mambabae. Uso rumispeto sa fiance minsan ano?"

Dalton snorted. "Oh tell that to her please."

Magsasalita pa sana ulit si Rita ngunit agad na sumingit si Jett. "'Wag niyo na rin akong isali sa usapang iyan dahil 5 years ago na akong nag-quit."

"Ikaw naman kasi Gianna, pakipot ka pa ayan tuloy 5 years na ring tigang si Je-- woah!" Hiyaw ni Wyatt nang padaanan siya ni Gianna ng bala limang pulgada ang lapit mula sa ulo niya.

You are Mine (Completed)Where stories live. Discover now