Chapter 3

1.9K 35 0
                                    

Mahina kong tinatapik ang lamesa habang naglalakbay ang isip sa mga dapat kong gawin. I badly want to leave this house. Umaasa pa rin akong makakaalis dito at mapuntahan ang mga magulang ko. Hindi naman nila ibinenta ang bahay namin dito dahil tuwing may malaya silang oras ay rito sila sa pilipinas nagbabakasyon.

Napatingin ako sa bintana. Tumayo para alamin kung bukas ba at nang subukan kong itulak pakanan ay para bang biglang nagliwanag ang paligid ko kasabay ng pagguhit ng matamis na ngiti sa mga labi ko nang makitang bukas iyon.

Tuluyan kong itinulak pakanan ang isang bintana tapos ay dumungaw sa paligid. Napangiti ako nang wala akong makitang tao. Napatingin naman ako sa gate. Mataas pero alam kong kaya kong umakyat doon dahil sapat na ang tangkad ko para maabot ang dulo ng gate.

Mabilis na lumabas ako ng bintana at iniapak ang paa sa parang bukong semento. Saktong pag-apak ng isa pa ay biglang may sumulpot na mga lalak i na ikinapikit ko nang mariin.

"May problema po ba?" Tanong ng isa sa inosenteng paraan kahit na alam kong alam naman nito kung ano ang balak ko.

Tsk mautak talaga ang gagong Wyatt na iyon. Sa kabila ng kawalang tao sa buong bahay ay napakarami palang bantay sa labas.

"Tinitesting ko lang kung gaano kagaling ang paa ko maglakad sa maliit na daan." Palusot ko sabay pasok pabalik at isinara ang bintana. Hindi pa ako nakuntento at malakas na sinipa iyon ngunit mabilis ding napayuko nang maramdaman ko ang pagsakit ng hinlalaki ko.

Puno ng pagkasiphayong ginulo-gulo ko ang buhok ko at naupo sa sahig. Naiinis na sinapo ko ang paa at hinintay na maging okay. Nang puwede na ay tumayo ako't lumabas ng kuwarto para muling bwisitin si Wyatt.

Siguro kapag may ginawa akong kalokohan ay palalayasin na niya ako. Napangisi ako nang may maisip. Dali-dali akong bumaba ng hagdanan at tinungo ang kusina at naghanap ng mabigat na metal.

Nakita ko ang isang cutting baord. Sinuri ko iyon. Mabigat at puwede na. Nakangising lumabas ako ng kusina saka tinungo ang salas. Ipinalibot ko ang tingin. Naghahanap ng unang babasagin. Huminto ang tingin ko sa malaking flat TV screen. Ninapitan ko at sinuri. Mukhang mamahalin. Gamit ang cutting board ay malakas na hinampas ko ang TV. Nag-crack pero hindi nabasag. Hmmm... matibay. Muli kong hinampas ang TV. Medyo lumaki ang crack at sa pangatlong pagkakataon na paghampas ko ay nabasag na. Nilapitan ko naman ang babasagin niyang lamesa. Iniangat ko ang cutting baord at malakas iyong hinampas. Nang mapansing mahirap basagin ay inulit-ulit ko ang ginagawa hanggang sa tuluyan iyong mabasag na ikinangisi ko.

Tumingala ako sa taas at nakita ang mamahalin niyang chandelier. Iniangat ko ang cutting board na hawak at malakas iyon binato sabay takbo palayo nang parang ulang nagkalat ang mga salamin at ilaw sa sahig. Dahil nakatsinelas naman ako ay nilapitan ko ang cutting baord at pinulot tapos ay binato ang mamahalin niyang paintings sakto namang bumukas ang pinto at bumungad si Wyatt na natigilan nang makita ang nagkalat niyang mga gamit.

"Anong ginawa mo?" Seryoso niyang tanong.

I nonchalantly shrug. "Nabuburyo ako eh." Sabi ko at nilapitan ang cutting board saka siya mabilis na binato ngunit mabilis lang niya iyong nasalo.

Malakas na nag-igting ang panga niya. Tinalikuran ko lang siya't umalis sa salas para magtungong kuwarto ko. Pagpasok ko roon ay hinarap ko ang pinto para sana iyon isara ngunit natigilan nang makita si Wyatt na seryosong nakatingin sa akin. Mabilis na hinawakan ko ang door knob para isara ang pinto ngunit malakas niya iyong itinulak kasabay ng pagbuhat niya sa akin at pabagsak akong ihiniga sa kama. Bago pa ako makabangon ay mabilis na ipinosas niya ang magkabilang kamay ko sa poste ng kama.

Gulat na napatingin ako sa kaniyang nasa ibabaw ko. "L-let me go."

Marahang hinaplos niya ang mukha ko na imbis na ikaramdam ko ng kapayapaan ay tanging pagkadisgusto lamang ang naramdaman ko. "If you think I will let you go just because you broke my furnitures, then you are wrong. Kahit gibain mo pa 'tong bahay Nhyl Aicrag, hinding-hindi kita papakawalan."

You are Mine (Completed)Where stories live. Discover now