"Belly."
Agad na tinapik ko ang kanay ni Wyatt palayo nang pisilin niya ang bilbil ko. Ilang araw na ang nakakalipas at wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang asarin ako dahil sa bilbil ko.
"You want to work-out today?" Nang-aasar na tanong niya sabay lapag niya ng suit niya sa lamesa rito sa salas. Kakarating lang niya galing trabaho at ako naman ay abala lang sa panonod ng TV.
"'Wag ngayon Wyatt, wala ako sa mood."
Naupo siya sa tabi ko at inakbayan ako ngunit ma bilis na tinanggal ko ang braso niya mula sa balikat ko at inilipat sa ibang chanel ang TV gamit ang remote na hawak.
"What do you want to eat then?" Tanong niya sabay sundot sa bilbil ko kaya sinipa ko siya palayo na imbis na masaktan ay tumawa pa.
"Get out of my sight before I could kill you."
Bigla na lang siyang naupo sa kandungan ko at dahil sa bigat niya ay hindi ko maiwasang mapaigik. "Ano ba Wyatt!" Napalingon ang ilang maid na naglilinis ngunit agad ding nag-iwas ng tingin.
"Come on, landiin mo naman ako Nhyl. Pagod pa naman ako galing trabaho."
"Heh!" Sabi ko sabay tulak sa kaniya palayo tapos ay pinatay ang TV at nagmartsa paalis. Sinusubukan ko namang maging mabait sa kaniya kaso ay hindi na siya nabigo na asarin ako. Nakakagago lang.
Pagpasok ko sa kuwarto ko ay marahas na isinara ko ang pinto saka tinungo ang maliit na ref na ipinalagay ko. Kumuha ng wine at tinungo ang sofa. Kakaupo ko pa lang ay rinig ko ang pagbukas ng pinto at alam kong siya lang iyan. Siya lang naman ang may lakas ng loob pumasok nang walang pahintulot sa kuwarto ko.
Naupo siya sa tabi ko. Inalis ang nectie niya at binuksan ang tatlong butones ng putinh long sleeve na polo niya. I admit he's damn hot in that attire but I won't tell that to him. Lalaki lang ang ulo niya kapag nalaman niyang attracted ako sa kaniya.
Binuksan ko ang wine. Iinumin pa lang sana nang agawin niya iyon mula sa kamay ko at aagawin ko pa sana pabalik ngunit nainom na niya at dinilaan pa. Pakiramdam ko ay biglang nagdilim ang paningin ko.
"Wyatt!" Mabilis na inilapag niya ang wine at agad umalis ng sofa nang mapansing aatakihin ko siya.
Dahil sa matinding inis ay kinuha ko ang tsinelas ko at hinabol siya. At ang gago tatawa-tawa lang na tumakbo palayo. Nang pakiramdam ko ay hindi ko siya maabot, tumigil na lang ako kakahabol sa kaniya. Bumalik sa sofa at pinunasan ang dinilaan niyang parte ng wine saka uminom.
Muntikan na akong mabilaukan nang bigla na lang niyang halikan ang pisngi ko. Mabilis na ibinaba ko ang wine at pinunasan ang pisngi ko gamit ang damit ko habang binibigyan siya ng matalim na tingin. Sinimangutan naman niya ako.
"Sinisimangot mo riyan?" Tanong ko at muling uminom ng wine sa mismong bote. Muli na naman niya akong hinalikan sa pisngi ngunit muli ko ring pinunasan.
Inulit pa niya ang ginagawa ngunit walang pagod an pinupunasan ko lang ang pisngi ko.
"Nhyl! Don't wipe my kiss away!"
Ibinaba ko ang bote ng wine at salubong ang kilay siyang nilingon. "Sinabi ko bang halikan mo ako?"
"Hindi."
"Then don't kiss me!"
"Don't you like my kiss?"
Itinuro ko ang lukot kong mukha. "Mukha ba 'tong gusto ang halik mo? Hindi!"
"Tsk, come on Nhyl, you should be thankful because I, Wyatt Benaventure is wasting a second just to kiss you."
Umakto akong parang touch na touch sa sinabi niya at sinapo pa ang dibdib sa parte kung nasaan ang puso ko gamit ang dalawang kamay. "Oh, I am so thankful! Thanks god because Wyatt is wasting his time just to kiss me!"