"Bakit hindi mo sinabi kaagad ang ang tungkol sa mga sugat mo?" Tanong ko habang kinukumutan siya.
"Akala ko wala ka namang pakialam." Nagtsk ako at umayos ng tayo at aalis na sana nang hawakan niya ang braso ko gamit ang walang sugat niyang kamay. "Can you stay?"
Inagaw ko ang kamay at pinagkrus ang mga braso ko. "Ayoko." Aalis na naman sana ako nang may maalala ako. "Kumain ka ba kanina?"
Marahan siyang umiling kaya umangat ang kamay ko na akmang isasampal sa kaniya pero hindi ko rin naman itinuloy. "Kukuha lang ako ng makakain mo at wag na wag kang aalis sa kinahihigahan mo kung ayaw mong dagdagan ko iyang mga tama mo.
"Yes boss."
"Anong nginingiti-ngiti mo riyan?" Tanong ko dahil sa kabila ng sugat na tinamo niya ay nagagawa pa niyang ngumiti nang sobrang tamis. Huh! Ibang klase.
"Wala."
Suminghal lang ako at padabog na lumabas ng kuwarto niya tapos ay tahimik na naglakad sa pasilyo at tahimik ding naglakad pababa sa hagdanan. Pagpasok ko sa kusina ay marahan na isinara ko ang pinto at mabilis na naghanda ng lulutuin.
Hindi ko alam kung ano ang paborito niya kaya kung ano ang alam kong lutuin ay iyon na lang ang inilabas ko. Habang naghihiwa ng sibuyas at nagpapainit ng kawali ay hindi ko maiwasang magtaka sa inaakto. Bakit ako naghahanda eh wala naman akong pakialam kung mamatay siya? Hindi ko naman kasalanan na nagpagutom siya. There's something in my heart didn't agree of the thought but I ignore it. Maybe because I'm being so harsh. Paniguradong mapapagod din iyang si Wyatt dahil matagal-tagal na rin ako rito ngunit ni crush ay hindi ko maramdaman sa kaniya.
Umiling-iling ako at nagsimula nang maggisa bawang at sibuyas nang handa na ang lahat. Habang abala sa pagluluto ay biglang pumasok sa isip ko ang mga tama niya. Saan kaya siya galing at ganoon na kagrabe ang tinamo niyang tama ng bala? Sa pagkakaalam ko si Wyatt ang tipo ng taong mahirap tamaan ng bala.
Matapos maggisa ay sinunod ko nang ilagay lahat ng ingredients at tatakpan na sana ang kawali nang bigla na lang bumukas ang pinto na halos ikatalon ko sa gulat.
"Wyatt my man! Salama-- huh? Sino ka?" Tanong ng lalaking nakatayo malapit sa pinto habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Sino ka rin?" Tanong ko pabalik.
Sarkastikong tumawa ang lalaki at hindi ko alam kung nang-iinsulto ba siya o sadyang ganyan na talaga siya. "I am Heather Valliente. Where is Wyatt Bonaventure miss?"
"Nhyl Aicrag."
Nagtaka ako nang biglang maghugis O ang bibig niya tapos ay humalagapak ng tawa. Eh? Anong problema niya?
"Nasaan ang asawa mo?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Asawa? Wala akong asawa."
Umiling-iling siya na mas lalong ipinagtaka ko. "Ang bagal talaga ng lalaking iyon. Nasaan pala siya? Kung patay na dapat makuha namin ang katawan niya dahil kami lang dapat ang maglilibing sa kaniya."
Napa-poker face ako habang nakikinig sa kaniya pero nang mapagtanto kung sino siya ay agad na napaayos ako ng tayo. "You are the famous detective Heather Vallente?"
Umakto siyang parang nag-iisip tapos ay nagtatakang tinignan ako. "Am I famous?"
I shook my head in disbelief. "Wyatt is in his room. He cannot walk. Marami siyang tama ng bala."
"My my, my man!" Sigaw niya't mabilis na iniwan ako.
Nakamot ko ang ulo. Akala ko pa naman sa mga detective ay mga seryoso. Nagkibit balikat ako at tuluyang tinakpan ang kawali.