Chapter 7

1.4K 28 1
                                        

Matapos naming maghabulan at masigawan ng mga namimingwit dahil wala silang nahuhuli dahil sa amin ay bumalik na rin kami sa pampang. Ako, hindi na mawala ang ngiti sa mga labi, siya, nasa likod at ramdam ko ang matalim niyang tingin. Hinarap ko siya at aasarin na sana nang mapansin ang puti niyang damit na dikit na dikit sa katawan niya at kitang-kita ang nasa loob niyon. Napalingon ako sa paligid. May ilang mga lalaking nakasunod ang tingin sa kaniya at hindi ko alam kung bakit bigla na lang nag-iinit ang ulo ko.

"Where is your bra?" Salubong ang kilay kong tanong. Iniangat niya ang hawak na bra at pakiramdam ko ay gusto ko siyang sigawan. "Alam mo bang bumabakat ang dibdib mo sa damit mo?"

Huminto siya sa paglalakad. "Ano naman ngayon?"

Seriously? For a woman she doesn't care if these beast staring at her boobs? Imbis na makipagtalo ay mabilis na hinubad ko ang itim na damit at isinuot iyon sa kaniya. "I own you Nhyl and I don't share what is mine. Your body is just for my eyes did you get me?"

"You're acting too much." Tapos ay bigla na lang niya akong nilampasan kaya mabilis ko siyang hinabol at sinamaan ng tingin ang mga lalaking nakasunod ang tingin sa kaniya. Kahit malaki ang damit ko ay bumabakat pa rin ang dibdib niya pati ang bagay na hindi dapat nakikita ng iba.

Hinapit ko siya palapit sa akin na ikinasinghap niya sabay talim sa akin ng tingin ngunit hindi ako nagpaapekto. Iniwan ko muna sa blangket namin ang mga nahuli saka siya hinila papasok ng sasakyan sa back seat walang pakialam kahit mabasa pa iyon ng tubig. Kinuha ko ang extrang damit na dinala ko saka iyon ibinato sa kaniya.

Nagsuot muna ako ng damit saka siya mapagbantang tinignan. "Make sure to change before you go out of this car. Lilinisin ko lang ang mga nahuli nating isda and don't you dare do something I wouldn't like. You know what I can do. Huwag mong sagarin ang pasensya ko." Pagkasabi ko niyon ay mabilis na umalis ako para linisin ang mga huli namin.

The jealousy and anger still in my heart everytime I remember how men staring at her like a predator that ready to eat their prey. Ugh! I'm so annoyed.












Nhyl's P.O.V.

Paglabas ko ng sasakyan ay itinapon ko na lang sa basurahan ang nabasa kong mga damit tapos ay nagtungong blanket para mahiga. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kapayapaan. Fresh air, fresh surroundings and beautiful views.

Iniangat ko ang kamay. napakaaliwalas ng langit. Maraming minuto rin akong nakatitig lang sa langit nang makaramdam ako ng pagkaantok. Pipikit pa lang sana ang mga mata ko nang may dumungaw sa harap ko. Si Wyatt.

"You are so stubborn aren't you?"

Kinunutan ko siya ng noo. "Anong pinagsasabi mo riyan?"

"Where is your bra? Do you know your tits making its appearance on your shirt?"

Nagtsk ako at padapang nahiga. "It's not my fault you brought a small bra. Hindi kasya sa akin ang dinala mo." Muli rin akong humiga patihaya nang pakiramdam ko ay naiipit ang dibdib ko dahilan para mahirapan akong huminga.

"Nhyl, your boobs..."

"Don't you like big boobs? Isn't men like big boobs?"

Umayos siya ng tayo at sinamaan ako ng tingin. "Stop playing Nhyl, you are not funny."

Walang gana kong sinalubong ang tingin niya't sarkastiko siyang nginitian. "Then the feeling is mutual. Stop caging me Wyatt, you are also not funny." Pairap na iniiwas ko ang tingin at nahiga patalikod sa kaniya.

Marahas siyang nagpakawala ng hangin at bigla na lang ipinatong sa katawan ko ang damit niya tapos ay naglakad na palayo. Agad na umupo ako at tinignan ang damit niya tapos siya na naka-topless lang habang naglalakad palayo. Tuloy ay napapatingin sa kaniya ang ilang mga babaeng malapit lang at hindi ko alam kung bakit naiirita ako sa isiping pinagnanasahan nila siya.

You are Mine (Completed)Where stories live. Discover now