Chapter 25

1K 23 1
                                    

Kunot ang noo ko habang nakatitig sa panty na kasama ng itim na bra. Mukha naman siyang sexy pero may bukol sa loob sa mismong gitna. Pinisil ko ang bukol. Matigas. Kapag sinuot ko ito paniguradong sakop ng bukol lahat ng pagkababae ko.

Kanina pa tapos si Wyatt magbihis na ngayo'y nakaharap sa whole length mirror. Pinapanood ang sarili habang nagsusuot ng relo sa kamay. Samantalang ako ay naka-robe pa rin dahil kanina ko pa tinititigan ang panty na hawak ko. Nagtatanong sa isip kung bakit ganito ang panty na ito. Maganda pero may mali talaga eh.

"Wyatt ano 'to?" Tanong ko nang hindi na ako makatiis.

Nilingon niya ako. "Just wear that. That will give you comfort. That's also looks sexy in you."

Binigyan ko siya ng nagdududang tingin. Inosenteng ngiti lang ang itinugon niya sa akin. Nawiwirduhan man ay sinunod ko na lang siya at nang masuot ang panty ay okay naman. Kakaiba lang sa pakiramdam ang bukol na dumidikid sa cl*toris ko.

Isinuot ko ang bra at puting long dress na puno ng itim na dyamante ang waist part habang kumukonti pataas patungong dibdib tapos ay pababa patungong hita. Nang matapos ay itinabi ko ang roba saka lumapit kay Wyatt. Tumabi naman siya at binigyan ako ng laya na makita ang kabuuan ko sa salamin. Hindi ko maiwasang puriiin ang sarili dahil bumagay sa akin ang dress.

"Do you want make up?"

"Marunong ako?"

Tumawa siya. "Hindi pero sa tingin ko kahit lipstick at foundation lang okay na sa 'yo. Masyado ka nang maganda para mag make up pa."

Tumango ako at nilapitan ang mga gamit ko sa mukha. Paggising ko ay nagulat ako nang makita lahat ng gamit ko sa kuwarto niya. Tinanong ko siya kung bakit niya inilipat dito, ang sagot lang niya gusto niyang ako agad ang makikita niya pagmulat ng mata niya sa umaga at bago siya matulog. Tsk. Hindi naman ako kinikilig. Slight lang.

Naglagay ako ng kaunting foundation sa mukha tapos ay nag-lipstick ng sobrang pula. Itinali ko ang buhok at naglagay  ng dalawang kaunting strand sa harap tapos ay nakangiting humarap sa kaniya.

"Bagay ba?"

Nag-thumbs up siya. "Supper." Nilapitan niya ang kahon at kinuha ang dark stiletto na mukhang 2 inch lang ang taas ng takong.

"Ayaw kong magsuot ka ng masyadong mataas ang takong kaya ganito lang ang binili ko. Isa pa, magmumukha akong maliit kapag ganoon ang susuotin mo."

Hindi ko mapigil ang matawa dahil tama siya. Alam kong mas bagay sa suot ko ang mataas ang takong ngunit masyado na akong matangkad para mas magpatangkad pa.

Lumuhod siya sa harap ko at isinuot ang stiletto una sa kanan sunod ay sa kaliwa tapos ay tumayo siya. "You are so gorgeous Nhyl."

"I know. Sa tingin mas bagay sa akin ang mga ito kapag may make ang mukha ko?"

Ngumiwi siya. "I don't think I would like that."

Inilapit ko ang mukha sa kaniya. "Bakit naman?"

"Dadami ang kaagaw ko." Lumayo ako at umiling. May inilabas naman siya sa ilalim suit niya tapos ay isinuot sa leeg ko. Napatingin ako sa mukhang mamahaling kwintas. Ang ganda... "It makes you look more gorgeous than before."

"Really?"

Mabilis na hinalikan niya ako sa labi at nang lumayo ay natawa ako dahil dumikit ang ilang lips ko sa labi niya. Napansin niya siguro ang pinagtawanan ko kaya mabilis na tumakbo siya patungo sa salamin at imbis na punasan ang lipstick ay ikinalat pa niya iyon sa labi.

Naglakad ako palapit sa kaniya at niyakap siya mula sa likuran tapos ay nginisian ang repleksiyon niya sa salamin.

"Bakit hindi mo inalis?" Nanunudyong sinalubong ko ang kaniyang tingin. "Admit it Wyatt, are you gay?"

You are Mine (Completed)Where stories live. Discover now