Wyatt's POV
Nakangiting nakatitig ako sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili. Pareho naming pinaghandaan ang araw na ito. At alam kong bago 'to ay alam ko na handa na ako ngunit hindi ko alam kung bakit kinakabahan pa rin ako.
"Ikakasal ka na talaga." Drama ni Heather na suminghot singhot pa. Bale siya ang best man ko.
"Ikaw kailan ka ikakasal?" Ang nagdadrama niyang mukha ay biglang naging seryoso. "Sorry I forgot."
He force a smile. "It's okay. Matagal na naman nang nangyari iyon. Matagal na rin akong okay."
Ngumiti lang ako. Walang balak halungkatin pa ang toppic na iyon. "Anyway, tayo na." Tumayo ako at sinuri pang muna ang sarili. I'm wearing a black armani suit. And I admit, it really suits me.
"Yeah. Baka sa tagal natin, sa iba na maikasal ang bride mo."
Ngumisi ako at hinarap siya. "If that happens, I swear to god, I'll gonna kill that bastard. Ang tagal kong pinaghirapan si Nhyl kukunin lang niya. Ayoko nga."
Natatawang lumabas kami ng dressing room at naglakad papunta sa elevator saka pumasok at nagpahatid patungong rooftop ng Bonabenture Enterprise kung saan gaganapin ang kasal. Hindi naman delikado ang rooftop kung bata ang aalalahanin dahil pinataas ko ang bakod para lang sa araw na ito. At para na rin makita ng mga bisita ang city lights ay makapal na salaman ang pinalagay ko.
Pagdating sa pagdarausan ng kasal ay sa altar na kami ni Heather dumiretso dahil ayon sa mabuti kong kakambal ay paparating na ang bride ko. Hindi ko maiwasang mapangiti. Chliche mang pakinggan ngunit parang sa mga sandaling ito pakiramdam ko ay ako na yata ang pinakamasayang taong nabubuhay sa mundo.
"Bawas bawasan mo nga iyang ngiti mo Wyatt, halatang hindi ka masaya eh." Nabaling ang tingin ko kina Sannah kasama ang pamilya niya. Naroon din si Ginna na inampon niya't masayang nakikipag-usap kay Forest at Gilbert na sinabi pa sa akin nang personalan na gusto niya itong imbitahin at bilang mabuting ninong ay malamang pumayag ako.
"Marunong ka bang magsalita nang hindi sinasamahan ng sarcasm?" Tanong ko nang nakangiti imbis na mapikon.
"Pag si Savannah naging mala-anghel magsalita sa loob ng isang araw lang, bibigyan ko ng shares si Forest sa company ko." Naiiling na sabi ni Heather.
Ngtsk lang si Savannah at inabala ang sarili sa anak. "Paglaki mo, i-bully niyo ni Forest ang grupo nina Heather okay baby Nara? Tapos perahan niyo na--"
"Stop it Savannah. Ang bata pa niyan tinuturuan mo na ng mga kasamahan." Putol ni Logan sa kaniya sa seryosong tinig kaya sinamaan niya si Logan ng tingin na mas matalim na tinignan siya at sa huli ay umirap ito at muling kinausap ang anak.
Napatingin ako sa likuran ko nang may kamay na pumatong sa kanang balikat ko. It was my mom with my dad. And for the first time since I was born, I saw them smiling at me with so much happiness. Hindi ko tuloy maiwasang mamangha na may kaunting pagkailang.
"We're just here to say we're happy for you son. Until now I can't still believe that my once playboy son is now getting married. Congratulations!" Maasayang anang aking ina habang nakatingin sa akin nang nagniningning ang mga mata. Her eyes were teary so I step forward to hug her. Medyo nasurpresa pa ako nang yakapin niya ako pabalik pati na rin ng ama ko.
"Balik na kami sa upuan namin dahil mukhang magsisimula na." Anang aking ama na ginulo pa ang buhok ko na ikinangiti ko.
"Thanks to you two."
My mother mouthed I love you before they go back to their seats. Sa mga sandaling ito pakiramdam ko ay nag-uumapaw na ang ligayang nadarama ko.
Umayos ako ng tayo nang magsimula na ang kasal. Si Heather naman ay hinilig ang ulo sa balikat ko habang nakatingin sa mga maid honor at grooms men na naglalakad sa aisle.