Paggising ko ay wala na si Wyatt sa tabi ko. Nag-iwan lang siya ng note na pag-uwi niya ay pupunta kami sa mga magulang ko.
Nasa duyan ako na nasa silong ng puno habang kinakalikot ang cellphone ko nang biglang magring. Agad na sinagot ko ang tawag nang makitang si Jaime ang tumatawag.
"Glad to know you're still alive." Pabirong bungad ko.
"Sorry kung hindi ako makapagparamdam minsan. My man's keeping me busy."
"It's okay. Napatawag ka?"
"Just want to know if you are also still alive. So how was life and are you now married to Wyatt without inviting us?"
I couldn't help but to laugh. "Kapag nasa amin na ang invitation ay magapapadala ako riyan kahit ilan pa ang gusto mo."
Nanunudyo siyang sumipol. "Can't wait."
Marami pa kaming pinag-usapan bago namin napagdesisyunan na tapusin na ang tawag. Nakangiting dinuyan ko ang sarili sakto namang may lumapit na maid at may binigay sa akin na milk tea.
"Thank you." Natutuwang sabi ko.
Ngumiti lang ang maid at umalis na. Masayang sumipsip ako sa straw habang idinuduyan ang sarili.
Nang ma-bored ako sa ginagawa ay napagdesisyunan kong lumabas ng bahay para maglalakad-lakad. Kahit ang tagal ko na rito ay hindi ko pa rin maiwasang humanga sa tuwing nakikita ko ang bahay ng mga kaibigan ni Wyatt. Maganda kasi ang pagkakadisenyo qt halatang bigatin ang mga may-ari.
Kakalakad ko ay dinala ako ng mga paa ko sa isang bar na bukas umaga man o gabi. Tatlong kilometro lang ang layo nito mula sa village nina Wyatt. Inubos ko ang milk tea at pumasok sa loob since dala ko naman ang wallet ko.
Isang malambot na kanta ang bumungad sa akin pagpasok ko. May iilang tao na halatang narito lang para uminom. Namulsa ako at tinungo ang counter tapos ay naupo sa stool chair.
"What can I have for you pretty?" Tanong ng bartender na kanina lang ay abala sa pagkikipag-usap sa tingin ko ay kaibigan niyang lalaking costumer.
"Anything."
The bartender chuckled and left to grab a drink for me. Pagbalik niya ay may dala na siyang mukhang mamahaling alak at wine glass.
Binuksan niya ang alak at nagbuhos ng alak sa baso ko. I thanked him he just smiled at me. Inisahang lagok ko ang alak atvnapatango nang maramdaman ang matapang na lasa ng alak ngunit ramdam mo pa rin ang magandang lasa nito.
I was pouring another glass when someone sat on the stool chair next to me. Nilingon ko ang may-ari ng presenya. Isang lalaking sa tingin ko ay kaedaran ko lang. May piercing ito sa magkabilang tainga at mayroon pa sa gilid ng pang-ibabang labi. I admit he looks cool in that gesture. Pansin ko rin ang itim na dragon na tattoo niya na nasa kaliwang braso niya hangang siko.
"Hey pretty."
Tinanguan ko lang siya at ininom ang laman ng baso ko. Hinugot ko ang cellphone para alamin kung nagtext ba si Wyatt o hindi. To my disappointment, I didn't receive any message from him. He must be busy. Lalo pa at mag-aalas sinko na ng hapon. Sa ganitong oras ay tumatambak ang trabaho niya.
Binulsa ko ang cellphone at nagbuhos ng kaunti sa baso ko at inisahang lagok.
"Ngayon lang yata kita nakita rito." Anang katabi ko.
Uminom ako ng kaunti sa baso at nilapag sa counter saka umikot paharap sa dance floor. "Kasi ngayon ko lang pinasok ang bar na 'to." Kibit balikat kong sabi.
"What's your name?"
Kinuha ko ang baso at uminom ng kaunti. "Nhyl Aicrag."
Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagtango niya tapos ay naglahad ng kamay. "Drake."