Chapter 24

1K 26 0
                                    

Naghihikab na bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama tapos ay nilingon ang wall clock na nakasabit sa dingding. 7:00 pa lang ng umaga.

Mabilis na napalingon ako sa kabilang parte ng kama nang maalalang kasama ko pala natulog si Wyatt. Wala na siya ngunit alam kong nasa bahay pa rin iyon dahil alas nwebe pa naman ang oras ng pasok niya sa trabaho.

Agad na bumangon ako at tinungo ang banyo. Pagpasok ko sa banyo ay agad na hinubad ko ang mga suot tapos ay itinapat ang sarili sa shower. Habang nasa ilalim ng shower ay hindi ko maiwasang alalahanin ang mga panahong nagtatrabaho pa ako. I sigh. Gusto ko na namang bumalik. Hindi ko alam na ang trabahong minsang kinatatamaran ko ay mamahalin ko pala nang ganito.

Matapos maligo ay agad na nagpalit ako ng simpleng damit at lumabas ng kuwarto saka tinungo ang kusina. Pagpasok ko ay hindi ko maiwasang magtaka nang may makita akong niluluto pero wala namang nagluluto.

Nilapitan ko ang kalan at pinahina ang apoy sa pag-aalalang baka masunog ang niluluto ng kung sinumang nagluluto ng pagkain na ito. Hinanap ang mga tao sa bahay. Dinala ako ng mga paa ko sa gym ng bahay kung saan ko naririnig ang tunog ng punching bag na sinusuntok at sa bukana ng pinto ay nakasilip ang dalawang maid at isang cook sa kung sino mang nasa loob.

Naningkit ang mata ko at lumapit nang hindi gumagawa ng kahit anong ingay. Tumayo ako sa likod ni Jenna at ipinatong ang baba sa balikat niya saka tinignan ang pinapanood nila. Si Wyatt lang pala an naka-short lang habang parang ekspertong sumusuntok sa punching bag. Tumutulo ang pawis sa matitipuno niyang katawan. Ang buhok niya ay medyo basa malapit sa noo marahil ay dahil sa pawis. Pakiramdam ko ay gusto kong kumuha ng towel at punasan ang mga pawis niya.

"Ang hot niya no?" Inosenteng tanong ko.

"Yeah. Pakiramdam ko gusto kong maging pawis na lang." Tugon ni Jenna sa kinikilig na paraan.

"That muscles... That abs... If I can just eat that, I'll eat that now." Parang naglalaway na anang babaeng cook.

Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa mga narinig. "Yeah but don't you guys think that your works are maybe waving at y'all?"

Mabilis na nilingon nila akong tatlo nang may kasamang matalim na tingin.  Mabilis na napayuko si Jenna nang mapagsino ako. "K-kayo po pala madame." Dahil sa sinabing iyon ni Jenna ay biglang bumakas ang gulat sa mata ng babaeng chef at sa isa pang maid tapos ay mabilis na nagbaba ng tingin.

"Good morning  po. Patawad hindi ka po namin napansin."

Matamis na ngumiti ako. "Okay lang pwede na rin kayong magsipagbalik sa trabaho niyo."

Hindi makatingn na mabilis silang umalis sa harap ko. Nagtsk ako at isinandal ang likod sa hamba ng pinto at nakahalukipkip na pinanood si Wyatt. Patuloy pa rin siya sa ginagawa na para bang hindi ako nag-e-exist sa paligid.

Biglang nabaling ang tingin niya sa akin kaya mabilis na nginitian ko siya. Hinubad naman niya ang gloves na ipinagtaka ko. Mabilis na lumapit siya sa akin at nang tuluyang makalapit ay agad na siniil niya ako ng halik. Ipinatong ko ang mga braso sa leeg niya't tinugon siya. Iniatras niya ako at isinara ang pinto nang hindi pinuputol ang aming halikan tapos ay ni-lock pa.

Bigla akong lumayo kaya binigyan niya ako ng nagtatakang tingin. "Why? Bad smell?"

Tsk. Itatanong niya talaga iyon? Eh kahit nga pawis na pawis siya ang bango pa rin niya. Ngumisi ako. "Beg first."

"Huh? But I don't want to because I know between you and me, you will be the one to beg." Kung sabihin niya iyon ay para bang inosente siya sa lahat.

"Then I let's stop." Binelatan ko siya sabay talikod at bubuksan na sana ang pinto ngunit mabilis na nahila niya ako sa braso at bigla na lang pinaharap sa kaniya. Hahalikan pa niya sana ako ngunit mabilis na ihinarang ko ang kamay kaya ang palad ko lang ang nahalikan niya na ikinatawa ko ngunit napasinghap din nang bigla na lang niya akong ipininid sa pinto at inatake ang mga labi ko.

You are Mine (Completed)Where stories live. Discover now