Chapter 23

1K 28 0
                                    

"Ang saya! Sana makapag-bonding ulit tayo!" Masiglang ani Jaime nang makalabas ako ng sasakyan niya.

Ginawa ko ang lahat para hindi maging peke ang ngiti ko. "Oo naman. Ang saya niyong kasama ni Alex."

"Take care! Next time uli!"

Sana wala nang next time! Matamis na matamis akong ngumiti. "Sure."

Itinaas niya ang bintana ng sasakyan at umalis na nga. Matamis pa rin ang ngiting kumaway ako sa kanya. Nang hindi ko na makita ang sasakyan niya ay agad na napa-poker face ako at pumasok sa gate ng bahay ni Wyatt.

Sa totoo lang, inabot kami ng gabi na magkasama. Matapos kasi sa Archery house ay namasyal pa kami sa kung saan saan. Pero hindi as in na nag-uusap kundi kasama lang ako. Oo kasama lang dahil wala silang ibang ginawa ni Alex sa buong pamamasyal namin kundi maglandian sa harap ko. Tsk, tuloy ramdam na ramdam ko ang pagiging third wheel ko.

Walang ganang binuksan ko ang pinto tapos ay tinatamad na isinara. Napagod lang ako sa wala. Walang gana akong naglakad patungo sa salas at pabagsak na umupo. Inabot ang remote at binuhay ang TV.

Ilang minuto akong nakaupo nang may maglagay ng pagkain sa lamesang nasa harap ko. Nagtatakang nilingon ko ang naglagay ng pagkain. Kumunot ang noo ko nang makita ang babaeng malapad na nakangiti sa akin at nakasuot ng damit pangkatulong.

"Who are you?"

Matamis siyang ngumiti. "I am Jenna. I am the new housekeeper madame."

"May kasama ka?"

Nakangiti siyang tumango. "Opo. Isang tagapagluto. Dalawang gardinero at ako at ang kasama ko na katulong din."

"Ah..." Nasabi ko na lang. Paniguradong kagagawan na naman ni Wyatt ito. "Matulog ka na kung nakakain ka na. Wala naman na kayong gagawin dahil malinis na lahat."

Nakangiting bahagyang yumuko ang babae. "Opo madame."

Pagkaalis niya ay sinimulan ko nang kumain habang abala sa panonood ng palabas sa TV. Nakakailang subo pa lang ako nang biglang pumasok sa isip ko si Wyatt kaya mabilis na napatayo ako. Sh*t! Nakalimutan kong sa kompanya pala ako dapat dumiretso! Kaloka naman kasing mga kasama yung couple na iyon! Pati sila sa sobrang paglalampungan wala na ring naalala!

Mabilis na inubos ko ang kinakain at nang matapos ay dali-dali kong tinungo ang kusina at hinugasan lahat ng pinagkainan ko. Nang matapos ay agad na nagpunas ako ng kamay at lumabas din agad ng kusina para sana lumabas din ng bahay nang maalalang galing ako sa pamamasyal at pinagpawisan. Inamoy ko ang sarili. Mabango naman kaso hindi pa rin ako komportableng haharap sa kaniya nang ganito.

Imbis na lumabas ng bahay ay mabilis an lumiko ako at umakyat ng hagdanan. Sa kuwarto na niya ako dumiretso dahil naroon naman ang mga type kong damit na pinamili ko.

Agad na pumasok ako sa banyo niya pagkapasok ko pa lang sa kuwarto niya. Mabilis na naglinis ako ng katawan siniguradong malinis na malinis. Matapos maligo ay nagsipilyo na rin ako tapos ay inamoy pa ang hininga. Mabango.

Mabilis na lumabas ako ng banyo tapos ay agad ding nagpalit ng damit. Hindi sobrang sexy pero sakto lang para maatract siya sa akin. Tinungo ko ang salamin at agad na tinuyo ang buhok ko tapos ay mabilis na nagsuklay. Matapos ay tinitigan ko ang sarili. Wala man lang buhay ang labi ko. Mabilis na lumabas ako ng kuwarto niya at patakbong pumasok sa kuwarto ko at malakas na binuksan ang pinto tapos ay tinungo ang mga gamit ko at nag-lipstick nang sobrang pula. Naglagay na rin ng kaunting pulbo para hindi kuminang ang mukah ko. Nag-spray pa ako ng perfume sa leeg at damit.

Napangiti ako nang matapos. Agad na lumabas ako ng kuwarto at patakbong bumaba ng hagdanan ngunit natigil din nang may pumasok sa isip ko. Teka, bakit ako nagpapaganda gayong sa kaniya lang naman ako pupunta? Ano namang pakialam ko kung magmukha man akong ewan?

You are Mine (Completed)Where stories live. Discover now