Chapter 5

1.5K 32 0
                                    

Paglabas ko ng bahay ni Savannah ay mabilis na pumasok ako sa loob ng bahay dahil naroon naman lahat ng mga binanggit niya. Tinungo ko ang kusina at kumuha ng gamot sa drawer pati na rin tubig na mainit na inilagay sa plastic bottle at tubig para sa kaniya.

Dala ang mga iyon ay lumabas akong kusina at dumiretso na sa kuwarto niya. Pagbukas ko ng pinto ay agad na nabaling ang tingin ko sa kama niya at parang tinakasan ng dugo ang buong mukha ko nang hindi ko siya makita.

Itinabi ko lahat ng mga dala at hinanap siya sa mga closet, banyo at kung saan saan pa na maaari niyang puntahan. Pinasok ko na rin maging ang mga kuwartong minsan ko lang pasukin ngunit wala siya roon.

Mahigpit na kumuyom ang kamao ko saka dali-daling lumabas ng bahay. Agad na napabaling ang tingin sa akin ng mga tauhan ko.

"Hindi niyo man lang napansing natakasan na kayo?" Galit kong tanong na ikinaputla ng mukha nila. Alam nilang maaaring may mabugbog ako sa kanila dahil sa kapalpakan nila. "Hanapin niyo!" Galit kong sabi kaya dali-dali silang umalis sa harap ko at naghanap na nga. Maging ako ay ganoon na rin ang ginawa ko.

Makalipas ang mga oras, mag-uumaga na ngunit hindi ko pa rin siya nakikita. Buwiset! Bumalik ako sa bahay at sumakay sa sasakyan ko saka iyon minaneho paalis. Nagbabakasakaling mahanap ko siya sa syudad.










Nhyl's P.O.V.

Malapad akong napangiti nang maubos ko ang pangatlong mangkok ng ramen. "Kain ka pa hija. Mukhang gutom na gutom ka." Ani yaya Zelda.

"Salamat." 

Ngumiti lamang siya sa akin at umalis na nga. Masakit ang tiyan ko kanina ngunit nang malaman kong umalis si Wyatt ay gumawa ako ng paraan para makalaya mula sa kulungang iyon. Sino siya sa inaakala niya? Kaya hindi kami magkasundo ng mga magulang ko noon dahil ayaw kong nakukulong sa bahay na ito na hindi ko aakalaing uuwian ko rin pala.

Akmang hihigop na sana ako ng sabaw nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell ngunit dahil kumakain ako at may mga kasambahay naman kami para buksan ang pinto ay pinili kong ituon ang pansin sa hinihigop.

"Ma'am, may bisita po kayo."

Napaangat ang tangin ko sa nagsalita. Isa sa mga kasambahay namin. "Sino?"

"Attorney Rodriquez daw ho."

Nagtsk ako't itinabi ang ramen ko. Tinungo ang salas saka naupo sa sofa paharap sa abugado. "Naparito kayo?" 

Seryoso ang mukhang naglapag siya ng folder sa lamesa. "The owner of this house want to inform you to leave this house or they will call cops to put you in jail."

"Owner? Pero kami ang may-ari ng bahay na ito!" Hindi ko maiwasang sumigaw dahil sa inis.

"That's an order from your parents."

Mahigpit na kumuyom ang kamao ko. Paano nila nagagawa ito sa sarili nilang anak! Inis na tumayo ako. "Uubusin ko lang ang ramen ko at lalayas na ako!" Inis kong sabi saka bumalik ng kusina para muling kumain.

Tumakas ako para sundan sila sa America ngunit ito lang pala ang ibubungad nila sa akin! Iniisip siguro nilang sinadya kong hindi sumulpot sa airport at pinaghintay sila kaya ngayon ay pinaparusahan nila ako! Kasalanang lahat ito ni Wyatt!

Bago ako lumabas ay huminto muna ako sa harap ni Attorney Rodriquez. "Bakit nga pala nila ako pinapalayas?"

"Your father has cellphone you can ask him."

Nagtsk ako't lumayas na nga ng bahay na namomroblema. Saan naman ako pupunta ngayon? Bagsak ang mga balikat na mabagal akong naglakad sa malawak na kalsada tapos ay tiningala ang bahay namin. Saan na ako pupunta ngayon? Kay ate Kyra kaya? Muling bumagsak ang mga balikat ko. Paniguradong nagsisimula pa iyon tapos iisipin pa niya ako? Maging palaboy na lang  kaya ako? Napatingin ako sa park na malapit lang sa bahay saka naupo sa isa sa mga bench doon.

You are Mine (Completed)Where stories live. Discover now