Mag-uumaga na. Tulog na tulog na si Wyatt samantalang ako ay gising pa. Hindi ako makatulog hindi dahil sa nariyan siya, horny ako o naiinitan. Hindi ako makatulog dahil ngayon ko lang naalala na ngayon ang ikalawang anibersaryo ng pagkamatay ni Khalid at sa araw ring ito sana kami ikakasal.
I know longing for someone died years ago is kinda bad when I am with Wyatt but I can't really forget him. Naranasan kong masaktan nang maraming beses pero siya ang nagparamdam sa akin ng pakiramdam na sa kaniya ko lang gustong malasap. Pakiramdam ng inaalagan at iniingatan.
Bumangon ako mula sa kinahihigahan at kumuha ng tubig sa ref saka tinungo ang balcony. Naupo ako sa isa sa mga upuan na naroon at uminom ng tubig. Napatitig ako sa bote ng tubig kasabay ng pangingilid ng luha ko. I missed him so much. Pinipilit ko namang tanggapin na wala na siya pero hindi ganoon kadali eh. Hindi madaling mawalan ng taong alam mong walang ibang ginawa kundi ang mapasaya ka.
Napatingin ako kay Wyatt na nasa kama since glass ang pader ng balcony. Sa totoo lang, natatakot akong mahulog sa kaniya hindi dahil sa playboy siya noon, hindi dahil sa assassin siya o manyak siya. Hindi naman ako mapili kapag mahal ko ang isang tao. Kahit drug addict pa 'yan tatanggapin ko nang buo. Hindi ko pipiliting magbago kundi tutulungan kong magbago.
Nagbuntong hininga ako. Limang beses kong sinubukang magmahal ngunit limang beses ko rin naranasang mag-move on at hindi iyon madali. Mahirap lalo pa at lahat sila ay sineryoso ko ngunit hindi ko alam kung bakit hindi rin nagtatagal ay kinukuha sila mula sa akin.
"Why are you still awake?"
Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa boses na iyon mula sa likuran ko. Gulat na nilingon ko si Wyatt na may dalang kape. Naglapag siya ng isang baso sa harap ko tapos ay naupo siya sa kabila at naglapag ng kape malapit sa kaniya.
"Akala ko tulog ka na?"
Humigop siya ng kaunting kape. "Hindi kita makapa sa tabi ko kaya bumangon ako para hanapin ka. Nang makita kita rito ay nagtimpla na lang ako ng kape para sa ating dalawa."
"Salamat. Pasensya na. Hindi ako makatulog."
Natigil ako sa pagkuha ng kape ko nang sabihin niya ang bagay na iyon. "You miss him?"
Pilit ko siyang nginitian. "I will lie if I say I don't." I know it's bad to say that in front of him when I know he loves me but I can't lie because I know he knows when I am lying.
"You want to visit him?"
Umiling ako. "Maybe in other time. I am still trying to accept his death. I'm sorry if you have to hear this. I just don't want to lie."
Inabot niya ang kamay ko at nilaro ang mga daliri ko. "I understand. Hindi naman ganoon kadaling mag-move on lalo pa kung sobrang minahal mo yung tao. Pasensya na rin sa ginawa kong pangingidnap sa 'yo. Desperado lang akong maging akin ka."
Hindi ko maiwasang maawa sa kaniya. Nagmamahal lang naman siya pero sa akin pa na sa iba nagkagusto. Kung kaya ko lang turuan ang sariling siya na lang ang mahalin ko gagawin ko pero hindi iyon ganoon kadali.
"Do you want to know why I wanna leave after the death of my fiance?"
Mula sa mga daliri ko ay napunta ang tingin niya sa akin. "Why?"
"Because I am afraid of you."
Kumunot ang noo niya. "Bakit naman? Hindi naman kita tinatakot."
"I know you won't stay away from me even if I push you away."
Ibinalik niya ang tingin sa mga daliri ko at nangiti. "Pinipilit ko namang alisin ka sa sistema ko kaso masyado na akong nahulog sa 'yo kaya ang layuan ka ay hindi ganoon kadaling gawin."