Nang mapansing maggagabi na ay umuwi na rin kami. Papauwiin ko na rin sana si Kristen kaso ayaw raw kaya pinagpaalam ko sa driver niyang nasa paaralan pa na tinakasan niya para malaman nila kung nasaan siya.
Hanggang ngayon ay binubulabog pa rin ako ng mga sinabi niya. Kung naroon sila sa bahay nang araw na iyon, bakit nila ako pinalayas para ipagkatiwala kay Wyatt? What is their reason? They even tricked me that they leave the country. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. I kinda feel upset.
Nagbuntong hininga ako at pinanood na lang si Wyatt na masayang nakikipag-usap sa kapatid ko. Wyatt look at me through rearview mirror with concern in his eyes I just smiled at him and he smiled back then continued talking to my talkative sister.
While watching him I can't help not to wonder why my parents knew him. Did my parents sell me to him? The thought made me more upset. I can't help not to feel bad.
Nang makarating sa bahay ay agad na bumaba ako. Sakto namang nakita namin sina Jett, Dalton, Heather at Den na mukhang hinihintay ang aming pagdating. Kinurot ko sa tagiliran ang kapatid ko nang akmang lalapitan niya ang mga taong hindi niya kilala.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
Nakasimangot na tiningala niya ako. "I know them." Bulong niya.
Tumaas ang isang kilay ko habang si Wyatt ay sinalubong sina Jett at inayang pumasok sa loob na agad namang sumunod.
"Paano mo sila nakilala?"
Nag-poker face siya. "Nhyl, sikat 'yang mga 'yan kaya malamang kilala ko."
Binatukan ko siya kaya nakasimangot na nasapo niya ang ulo. "Hindi ka naman pala kilala. Matuto ka ngang mahiya, hindi mo kilala nagpi-feeling close ka."
Matamis siyang ngumiti. "Eh di ipakilala mo ako kung ganon." Tapos ay mapanudyo siyang ngumiti na ikinataas ng kilay ko. "Kailan kayo magpapakasal ni kuya?"
Biglang nagsalubong ang kilay ko. "Kuya?"
Matamis siyang ngumiti. "Sabi niya kuya na raw ang itawag ko sa kaniya dahil magiging kuya ko na rin siya sa future." Kinikilig na sinapo niya ang mukha. "I'm so excited. You and Wyatt... Gwapong kapre at pangit na woman version of kapre. Perfect combina-- ate naman." Himas himas na naman niya ang ulo nang nakasimangot nang batukan ko uli siya.
"Tara na nga sa loob. Kung anu-anong walang kwenta ang pinagsasabi mo."
"Wait lang." Pigil niya sa akin nang akmang maglalakad ako papasok hila siya sa kamay.
"Ano?"
"Is that his house?" Nguso niya sa bahay na nasa harap namin.
"Ewan. Baka sa iba?" Sarkastikong sabi ko na ikinatsk niya.
"Nga pala ate ang lalaki ng bahay rito. Kanino yung iba?"
"Kumatok ba ako sa bawat pinto para magtanong kung kanino?"
Sinimangutan niya ako. "Sagutin mo na lang ako. Ang tagal mo na yata rito alangan namang hindi mo kilala kung kanino." Tong batang 'to kahit walang kwentang bagay napapansin.
"Sa kaibigan ni Wyatt."
Gumuhit ang gulat sa mukha niya. "For real?"
"Hindi, for wrong."
"Nhyl, I'm serious."
"Yeah for real."
"All of them?" Halos manlaki ang mga matang tanong niya na nakanganga pa. Akala mo namang hindi sanay sa malaking bahay at na-starstalk.