Seventeen.

504 15 1
                                    

Please Vote!

"Antoinette, tara na. Late na tayo hinahanap na tayo nila Mama at Kuya.." Na iinip na katok at sigaw ni Tray sa kanya sa harap ng kanyang pinto.


"Hayan na. Hayan na!" Balik naman niya dito na may pagka irita na dito.

"If I know this would happen..dapat hindi na ako pumayag sa sinabi ni Mama na hintayin kita.." Narinig pa niyang reklamo nito.

"Naku naman! Ang tagal mo naman.. Lahat sila nandoon na.. Tara na ka-- He didn't finished what he was saying dahil lumabas na siya ng pinto.

"Oh siya, tara na.." Yakag na niya dito.


She's wearing a white plain close neck with colar sleeveless top and sailor moon type skirt na lagpas ang tuhod ang haba na kulay light blue. Tinernuhan niya iyon ng high heels sandals na kulay cream. Mabuti na lamang ay nakita niya sa magazine ang old style na fashion na iyon kung hindi ay hindi niya alam ang susuutin para sa gabi na ito.


"Oh, bakit naka tulala ka pa. Tara na?" Tanong niya dito sabay hila dito. Tray is handsome as ever. Kamukhang kamukha nito ang Kuya nito ngunit may pagkaka iba din naman sila na ka unti. Sigurado siya na kapag nag binata ito ay marami itong papa iyakin na babae dahil mukhang pilyo ito.

"Ano sa tingin mo ang gagawin mo?" Naka kunot noo na tanong niya dito ng tangkain nito umikot sa driver seat upang ito ang mag maneho.

"Magda- drive?" Pa pilosopo naman nitong sagot.

"Hep. Let me drive, hindi ka na nga maka tayo ng matuwid. Nakita mong hindi pa magaling ang paa mo kaya paano ka makakapag drive ng maayos?" Saway niya dito at nilapitan ito.

"Move." Utos niya dito.


"I can't let a woman to drive for me.." Tila ma pride pang tanggi nito.


"Yeah, yeah. Whatever, basta sumakay ka na.." Tulak pa niya dito pa punta sa passenger's seat sa harap.


"Ano'ng oras na?" Tanong niya dito pagka kabit ng seat belt niya at pagka hawak niya sa manibela.

"10 minutes before 7:30pm na." Sagot naman nito.


"Okay.. Mag seat belt ka. Sige ka, ikaw din." She said with a devious smile pagkatapos ay tinapakan ang accelerator ng kotse.

"What the?! Ano ka ba?! Nasa public high way tayo kaya loosen your speed!" Natataranta at natatakot na bulyaw sa kanya ni Tray. Napa kapit naman ito ng dalawang kamay sa hawakan sa itaas ng passenger's seat.

"Chillax, brother. Akong bahala sa'yo." Pagya yabang pa niya dito at tinitigan pa ito upang maniwala ito sa kanya.


"Nagpapakamatay ka ba?! Tumingin ka nga sa daan! Waaa!" Bukyaw nito at the same time ay gulat na gulat na bulalas dahil bigla silang in- over take- an ng isang pulang sports car na muntik na silang bungguin nito. Mabuti na lamang ay naka preno siya ng mabilis.

"Ayos ka lang? May masakit ba sa'yo?" Tanong niya sa namumutlang si Tray. Tumango naman ito kahit na naka tulala pa ito.

"Ah, ganoon? Gusto mo ng karera huh? Shoot! Papakainin kita ng alikabok." Nayayamot niyang sabi sa sarili dahil sa inis sasakyan na muntik ng dumisgrasya sa kanila.

"A.. Ano ang binabalak mo?! Nasisiraan ka na ba talaga?!" He said while the same time can't believe in what she'll do.

"Antoinette!" Bulyaw nito sa kanya ng tapakan na niya ng madiin ang accelarator. In- over take- an niya lahat ng sasakyan na nasa kanilang harapan. Mabilis at matulin niyang inunahan ang mga ito. May ilan pa ngang napa preno dahil sa ginawa niya.

My EX FiancèTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon