Four.

515 12 0
                                    

Please Vote!










"Loretta!" Sigaw niya dito ng mahanap niya ito sa isang bar sa Maynila.




"Hoy! Saan ka pupunta?! Bumalik ka!" Habol niya dito ng tangkain pa nitong takasan siya. Ilang linggo na din niya ito hinahanap sa buong Nueva Ecija at nakarating pa nga siya ng Maynila para lang makita ito.




Itinakbo kasi nito ang pera na pinag hirapan nila ng kanyang ama na ipunin para makapagpatayo sila ng restaurant.




"Oh, ikaw pala Mira." Parang walang nangyari naman na bati nito sa kanya. Samantalang tinangka nitong takasan siya kanina.




"Naks! naman bagong rebond ka pa ngayon." Sarcastic niyang sabi sa bagong unat na unat na bhok nito.




"Bagay ba?" Pagmamalaki pa nito. Sa inis niya ay hinila niya ang patilya nito sa buhok at saka kinaladkad.




"Aray! Aray!" Daing naman nito.




"Pa Maynila, Maynila ka pa." Inis pa din niya na sabi dito dahil habang siya ay hindi na alam ang gagawin sa pagkawala ng kanilang na ipon na tangi na lamang pag asa upang matupad ang pangarap nila.




Samantalang ito naman ay nagpapaka sarap sa perang tinangay nito sa kanila at sa iba pa niyang mga kaibigan.




"Oo nga eh, maganda kasi dito." Sagot pa nito at lalo naman niyang hinila ang buhok nito sa inis.




"Hindi ko uulitin ang sarili ko ng dalawang beses. Siguro naman na tatandaan mo pa 'yung palayaw ko ng highs chool." Pagbabanta niya dito at nag bago naman ang ekspresyon ng mukha nito.




"H...ha? E..eh.. Oo naman, di' ba Super Mario ang bansag sa'yo." Napa lunok na sabi nito.




"Good. Hindi ka naman pala ulyanin. Ibibigay mo ba ang pera ng maayos o kailngan ko pa baliin muna ang lahat ng buto sa katawan mo bago ka sumunod?" Pagbabanta niya dito at nanginig ito ngunit hindi pa din sumusunod.




"Ayaw mo ah?!" Angil niya dito saka pinalipit ang kamay nito palikod.




"Aray! Aray! Heto na! Heto na! Ibibigay ko na!" Napipilitan naman na pag sang ayon nito. Pagkatapos ay kinuha sa bag ang wallet nito.




"Hayan, kaunti lang ang bawas niyan." Sabi nito at saka inabot ang may kakapalan na wallet sa kanya. At nang buklatin naman niya ito ay may laman nga itong pera.




"Pasalamat ka, naaawa ako sa'yo kung hindi talagang ipapa pulis ki---- Hindi niya natapos ang sasabihin dahil may humila ng buhok niya sa likuran.




At na ihulog niya sa sahig ang wallet na naglalaman ng kanyang pera saka na,an mabilis na itinakbo ni Loretta ang wallet sa etrance ng bar.




"Loretta! Bumalik ka! Loretta!" Habol niya dito ngunit hindi ito lumingon.




"Ang pera ko!" Frustrated niyang na isambit.




"You b*tch! dahil sa'yo pinutol ni Papa ang allowance ko!" Galit na galit na sabi ng babaeng hindi niya naman kilala na kay hawak ng buhok niya.




"Hindi kita kilala! Kaya ano bang pinagsasabi mo?!" Singhal niya dito may kasama din itong dalawa pang babae.




"At mag mamaang maangan ka pa!" Singhal ulit nito at hinila ulit ang kanyang buhok. Napa daing naman siya sa sakit.




"Bitiwan mo ang buhok ko hanggang sinasabi ko ng maayos. Kung hindi papatulan na talaga kita." Babala niya dito ng naka kuyom na ang kamao sa inis.




"Nagmamalaki ka pa ha?!" Singhal ulit nito saka hinila na naman ang buhok niya. At dahil hindi ito nakinig sa babala niya ay pinataob niya ito gamit ang kamay nito na kanina ay may hawak ng buhok niya.




Napa hiyaw naman ito sa sakit. Dahan dahan na lumapit na din ang mga babae na kasama nito sa kanya dahil sa ginawa niya dito ngunit tila nag aalangan sa takot sa kanya.




Kaya ang ginawa niya ay nag "Booo!" sa mga ito at natakot na ang mga ito kaya nilapitan na lamang ang kaibigan nito na nasa sahig. Siya naman ay mabilis na lumabas sa bar upang habulin si Loretta.




Ngunit kapag minamalas ka nga naman ay may nabunggo pa siya na isang babae dahil sa pagmamadali niya. Tinulungan naman niya itong makatayo.




"Pasensiya na Miss." Pa umanhin niya dito.





"Bakit ba hindi mo tinitignan ang dinadaanan mo?!" Mataray na singhal sa kanya nito.




"Pasen--- Hindi niya na ituloy ang sasabihin ng makita na lang niya ang mukha nito at nang mag tama ang kanilang paningin ay parehas sila na estatwa.




Hindi niya alam kung nananaginip siya o namamalikmata lang sa nasa harapan niya at mukhang ganoon din ang nararamdaman ng babae na nasa harap niya.




"Aray!" Daing nito ng kurutin niya ang pisngi nito at para makumpirma kung nananaginip nga ba siya ngunit mukhang totoo talaga ang nangyayari.




Ngayon kasi habang nakatayo siya ay nasa harap niya ang replika ng isang babae na kamukhang kamukha niya tila silang dalawa ay kambal.




Mula sa hugis ng mukha, ilong, at labi ay mag kamukha sila kaya lang ay mas sophisticated at may poise ito kaysa sa kanya.




"Paanong?"




"Paanong?" Sabay nila parehas na nasambit.




"Paanong mag kamukha tayo?" Hindi niya na napigilang itanong.




"Excuse me, mas maganda yata ako." Pagtatama pa nito na hindi nila na iwasan parehas na matawa.









------



Next week, a little chit chat nila.

My EX FiancèTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon