Please don't forget to Vote!
"Oh, anak bakit naka sibangot ka? Matumal ba ang biyahe?" Salubong ng ama ng makita siyang naka sibangot at tila pasan ang daigdig.
"Medyo nga ho, Tay." Pagsisinungaling niya dito.
Hindi naman kasi niya puwede sabihin dito ang totoo na itinakas ni Loretta ang pera nila at hindi niya alam kung nasaang lupalop na ito ng mundo dahil may sakit ito sa puso.
"Oh, kumain ka na naka hain na ako." Sabi nito sa kanya at sumunod naman siya dito.
"Bakit wala kang gana? May sakit ka ba?" Nag aalala na untag nito sa kanya.
"Busog pa ako, Tay. Galing kami ni Kim sa birthdayan kanina." Pagsisinungaling ulit niya dito.
Sino ba naman kasi ang gaganahan pang kumain kapag nawala na lamang na parang bigla ang pera na pinag hirapan mong ipunin sa loob ng ilang taon. Minabuti na lamang niya pumasok sa duty ng maaga upang maging abala at makalimutan ang nangyari ngunit hindi iyon ganoon ka simple.
"Oh, bakit parang binagsakan ka ng langit at lupa?" Si Kim na ang nag tanong sa kanya ngayon.
"Nawawala si Loretta." Halos hindi lumabas sa bibig niya na sabi dito. Nanlaki naman ang mata ni dahil nakuha nito ang nais niyang iparating.
"Ha?! Ano?!" Hindi makapaniwalang bulalas nito.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko." She said to her in frustration at malapit ng umiyak sa inis.
"Sinubukan mo na ba siya hanapin? O ipag tanong? Baka naman may nakaka alam kung nasaan siya." Tanong niyo sa kanya.
"Ginawa ko na lahat 'yan. Pero para siyang bula na sumulpot at biglang nawala. Walang may alam kung nasaan man siya." Malungkot niyang sabi pa dito.
"Paano ang pera niyo? Malaki laki 'yon?" Nag aalala na tanong nito sa kanya.
"Hindi ko alam." Umiling na sagot niya dito. She really is doomed lalo na kapag nakarating iyon sa ama niya.
"Huwag mo sasabihin kay Tatay. Baka atakihin siya." Paki usap niya dito.
"Walang problema." Paninigurado naman nito.
Ilang araw din ang matuling lumipas. Kahit anino ni Loretta ay hindi pa din nila matagpuan. Napag alaman niya na marami pala itong utang at itinakas na pera ng ibang tao. Sa laki ng halaga na hawak nito ay marahil ay hindi na talaga ito magpapakita pa.
"Hello?" Sagot niya sa cellphone niya habang nagma maneho ng jeep. Si Kim ang tumatawag sa kanya.
"Dahan dahan, hindi kita maintindihan eh!" Saway niya dito.
(Na...na..na..nakita ko si Loretta.) Sabi nito sa kabilang linya ng maging mahinahon ito. Na ipreno naman niya ng marahan ang jeep. Sumenyas sia sa pasahero na sandali lang saka bumaba doon.
"Saan?!" Tanong niya dito.
(Sa isang salon dito sa Maynila.) Sagot nito. Kung ganoon ay nasa Maynila pala ang bruha at nagpapaka sarap sa pera na itinakbo nito.
"Sige, hintayin mo ako diyan at luluwas ako ngayon din." Hiling niya dito.
Pagkatapos ay binaba na ang linya. Mabilis niyang hinatid ang pasahero sa distinasyon at saka mabilis na umuwi. Nagulat naman siya pagka uwi niya ng katanghalian dahil nandoon din ang kanyang ama na dapat ay mamayang hapon pa dapat.
"Oh, ba't ang aga niyo?" Tanong niya dito.
"May sakit si Sir kaya pina uwi na ako. Ikaw, ba't ang aga mo?" Balik naman na tanong nito.
"Luluwas ho ako ng Maynila." Sagot niya dito.
"Ano naman ang gagawin mo sa Maynila?!" Gulat na tanong nito.
"Nagpapasama si Kim may raket daw siya." Pagsisinungaling niya.
"Oh, eh kailan naman ang uwi mo? Saan kayo tutuloy?" Sunod sunod na tanong nito.
"Sa bahay nila kami tutuloy. Baka sa isang araw iyon na ang pinaka matagal." Sabi pa niya dito.
"Oh sige, mag empake ka na. At mag iingat ka tuso mga tao doon." Pag papaalala pa nito. St tumango siya pagkatapos ay nag empake na ng ilang mga gamit.
Ilang minuto pa ang lumipas ay lulan na siya ng bus ng SCTEX Pasay. Iyon kasi ang sinabi ni Kim na sakyan niya. Sa totoo lang ay ito ang unang beses na luluwas siya at aalis ng Nueva Ecija kaya wala talaga siyang alam sa pag luwas.
Ilang oras pa ay nasa Balintawak na siya. Sumakay siya ng LRT patungo hanggang Pedro Gil iyon kasi ang nakalagay sa text Kim at doon daw siya sasalubungin nito. Ilang oras pa ay naka baba na siya ng LRT.
Gabi na ng siya ay makarating. Hindi naman niya mapigilan mapa tingin sa mga billboard na nasa paligid na pinalalamutiin ng mga ilaw. Maraming mga modernong bagay ang nasa Maynila ngunit napak gulo at tila napaka bilis ng buhay dito. Na kapag nadapa ka ay ma iiwan ka na at hindi na makakatayo pa.
Bukod pa doon ay napaka daming sasakyan at iba't ibang klaseng tao sa paligid. Napaka polusyon pa. Ilang sandali pa ay sinalubong na siya ni Kim.
"Mira!" Tawag sa kanya nito. At nilapitan niya ito.
"Tara na, mamaya ka na matuwa. Na saan na si Loretta?" Bungad naman niya dito.
"Ito talaga. Oh siya, halika sa parlor na lagi niyang pinupuntahan." Anyaya nito sa kanya. Pinuntahan nila ang parlor.
"Sigurado ka bang dito mo siya nakita? Masyado yatang glamoroso ang parlor na'to?" Pagdududa pa niya kay Kim.
"Hindi! Dito ko talaga siya nakita kanina." Pagkukumpirma naman nito.
"Ahm.. Excuse me, itatanong ko lang kung nakita niyo ang babae na'to sa picture?" Nahihiya niyang tanong sa isang bading sa napaka sosyal na parlor na pinasukan nila.
"Oo naging customer ko siya kahapon. Bakit ba?" Kumpirma at balik naman na tanong nito sa kanya.
"Kasi may ibibigay kami sa kanya eh. Wala kasi siya sa kanila ngayon." Pagsisinungaling niya dito.
"Ay oo lagi kasi siyang nasa bar sa kabilang kanto. Halos umaga na siya umuwi. Pero, in fairness sa kaibigan niyo ang laking mag tip." Nagagalak naman na sagot nito.
"Ganoon ho ba, salamat." Sabi niya bago tuluyang nag paalam. Nag lakad naman sila papunta sa Bar na sinabi nito.
"Talagang kakalbuhin ko siya kapag nakita ko. At nakapagti tip pa! Hindi naman niya pera!" Na iinis niyang sabi at nakarating na sila sa Bar. Madaming tao sa paligid at sasakyan mukhang sikat ang bar na pinupuntahan nito.
"Dito ka na lang, hintayin mo ako. At kakaladkadin ko agad ang babae na'yon." Nanggigigil niyang sabi dito. At pumasok na siya sa loob.
"Loretta!" Sigaw niya dito ng mahanap niya ito sa loob.
-----
Abangan ang kanilang pagsa sabong next week!
And here comes Antoinette!
Ma init init pa ito at ka ta type lang.
Ahm.. Just this 9:25pm on my clock!
Siya see you next week!
Thanks new readers.,
Mwaa!
BINABASA MO ANG
My EX Fiancè
Любовные романыThis is a story of a substitute bride who deceives her fiancé that she is the girl he first met. And because his fiancé never tries to reach on her or be curious even just for once at her fiancé he was easily deceive. And in the end after they fal...