Please Vote!
"Here we are. Don't get too nervous at maging natural ka lang. Everything will be fine." Pag e- encourage pa sa kanya ni Drake ng makababa sila sa kotse at nang pumasok sila sa hotel kung saan sa isang sikat na restaurant sila doon kakain.
"Pero.. Drake kasi..." Nini- nerbyos niyang kontra pa sana.
"Relax... " Dagdag pa nito at sinubukan na kalmahin ang sarili.
"Mr. Calderon ikaw ba 'yan?" Tawag ng isang naka amerikana na nasa late 20's na lalaki dito.
"Oh, Robert. Ikaw pala. Napaka pormal mo naman Pare. Kamusta na?" Baling naman agad nito sa lalaki na tila kaibigan nito. Sumenyas ito na sandali lang.
"Mi--.. I mean, Antoinette ma una ka na sa restaurant. Diretsuhin mo lang ang hallway na 'yan. Susunod na lang ako." Pamamalaam nito sa kanya at hinarap na ang kaibigan nito.
Hindi na siya naka angal pa dahil mukhang matalik nito iyong kaibigan dahil labis ang saya sa ekspresyon nito. Hinayaan na lamang niya ito at nilakasan ang kanyang loob upang ma una na sa restaurant. Mabigat ang bawat hakbang ng kanyang paa. Halos ayaw na din kasi niya tumuloy.
Napansin niya na may komusyon na nangyayari sa ilang pulgada ang layo sa restaurant. Aalis na sana siya ngunit na pukaw ng mga ito ang kanyang pansin. Marami kasing tao sa paligid mga nakiki usisa din.
"Kung bakit ba kasi hindi mo tinitignan ang nilalakaran mo?! Tignan mo ang ginawa mo!" Bulyaw ng isang lalaki na kalbo na naka itim na naka puting americana. May mantsang green na sauce ang kanan na bahagi ng damit nito.
"Sir, pasensiya na po. Hindi ko naman po sinasadya." Hingi ng pa umanhin ng isang waitress na marahil naka tapon ng sauce sa damit nito. Naka yuko ito at hindi maka tingin ng diretso sa lalaki.
(Mira Jane, stop it! Umalis ka na habang kaya mo pa.. Hindi ka puwedeng maki alam.) Saway niya sa sarili na pinipigil ang pagiging matulungin sa kanyang DNA.
"Kung hindi ka ba naman ta- tanga tanga! Ano'ng gagawin mo ngayon?! Huh?! May importante pa naman akong meeting sa mga business partners ko! Paano ako makikipag meeting ng ganito?! Huh?!" Galit na galit na sermon pa nito. Namumula na ito sa labis na galit.
(Mira Jane! Sinabing hindi. Tumalikod ka na.. Huwag ka napg makisali pa.) Pigil muli niya sa kanyang sarili.
"Sir, pasensiya na po.. Hindi ko naman po sinasadya eh. Kayo nga po iting naka bunggo sa akin kahit na lumihis na ak--- Pangangatwiran pa sana nito ngunit hindi na nito iyon na tapos dahil pinag buhatan na ito ng kamay.
(Arggh! Bahala na.) Sabi niya sa sarili pagkatapos ay lumapit na sa mga ito.
"Mister, sumo sobra ka na yata?" Pakiki alam niya sa mga ito at pinigilan ang kamay nito ng tangkain nito na sampalin ang waitress na medyo may kaliitan.
Bakas ang gulat sa mukha nito ng harangin niya ang kamay nito maging ang mga tao ay napa singhap sa kanyang pagdating upang ma iligtas ang babae sa mabigat nitong kamay. Wala na siyang magagawa kung hindi ang maki alam kahit ayaw niya dahil kawawa naman ang waitress hindi naman nito sinasadya ang nangyari.
"Sino ka bang paki alamera ka?! Bakit ka ba sumisingit! Hindi ka naman kasali dito!" Galit na galit na bulyaw nito sa kanya. Napa pikit naman ang isa niyang mata dahil pakiramdam niya ay na bingi siya sa lakas ng boses nito.
"Nakalimutan mo na ba? Ang tunay na lalaki ay hindi nananakit ng babae.." Matalim niyang sabi dito.
"Bakla ka ba?" Balik pa niya muli dito dahil nakaka asar ang ugali nito. Nakita naman niya ang lalong pag sama ng mukha nito. Mukhang lalo niya itong na galit.
BINABASA MO ANG
My EX Fiancè
RomanceThis is a story of a substitute bride who deceives her fiancé that she is the girl he first met. And because his fiancé never tries to reach on her or be curious even just for once at her fiancé he was easily deceive. And in the end after they fal...