Please Vote!"Miss Sakay?" Alok niya sa dalagita na nasa gilid ng kalsada at binusinahan ito ngunit umiling ito.
"Sakay! Sakay! San Jose!" Alok pa niya sa mga taong nasa gilid ng kalsada at itinigil ang sasakyan ng may pasehero na gustong sumakay.
"Maki asog nga lang ho." Magalang niyang sabi sa mga pasehareo upang maka upo ang isang teacher na babae.
Isa lamang ang pag pasada sa mga pang araw araw na trabaho niya. Sa umaga ay nagba bagsak siya ng mga tanim nilang gulay sa bayan at sa iba pamg maliliit na mini mart at restaurant.
Pagkatapos ay pumapasada siya ng jeep hanggang hapon. Sa gabi naman ay namamasukan siyang cook sa isang restaurant malapit sa Mall. Ganoon lumilipas ang araw araw niya na buhay dahil ayaw niyang nag aaksaya ng kahit kaunting oras man lang.
Hindi lahat ng babae ay kaya iyon este kahit lalaki pala dahil imbis nga naman na siya ay mag focus sa pagpapaganda at pag aalaga sa sarili ay heto siya kayod kalabaw at iniinda ang matinding sikat ng araw.
Upang kumita ng pera at matupad ang pangarap nila ng kanyang ama na makapagtayo ng restaurant nila balang araw. Hindi naman sa nagmamalaki sila ngunit bukod kasi sa mahilig sila mag luto ay magaling din sila mag luto lalo na ang kanyang ama.
Kaya na ngako sila na gagawin ang lahat para matupad ang kanilang pangarap. Ito naman ay namamasukang driver ng isang negosyante. Ito na lamang ang natitira niyang magulang dahil namatay na ang kanyang ina ng siya pa ay nasa high school.
"Manong, ang luwag luwag doon! Bakit ba siksik ka ng siksik sa tabi ko?" Narinig niyang reklamo ng na iirita niyang dalaga na pasehero sa isang middle aged na lalaki.
"Eh sa gusto ko nga dito ma upo eh!" Narinig naman niyang depensa ng lalaki.
Napansin niya na hindi naman ito lasing at matino ang pag iisip nito. Saka maluwang naman ang puwesto sa harap kaya bakit sumisiksik ito sa dalaga? Maliban na lang kung may motibo ito.
"Tinamaan ng magaling!" Na iinis niyang sabi sa sarili saka tinapakan ng madiin ang preno.
Halos naman mawala ang balanse ng lahat ng kanyang pasahero at naguguluhan kung bakit siya huminto sa gitna ng public lane. Hindi naman siya nag aksaya ng oras at binaba ang manyakis na lalaki upang maturuan ng leksyon.
"Manong, heto 'yung binayad mo. Sumakay ka na lang sa ibang jeep. Tinatakot mo ang mga pasehero ko." Marahan niyang sabi sa at ibinigay dito ang binayad nito kanina.
"Bakit ako bababa?! Ganito ka ba tumrato ng pasehero?!" Nagagalit na singhal nito.
"Pasensiya na manong pero sa iba na lang kayo sumakay." Sabi niya dito. Na iinis naman na sumunod ito sa kanya.
"Salamat, Kuya." Pasasalamat ng dalagita sa kanya. Hindi naman niya alam kung matatawa o ma iinis dahil napagkamalan pala siya nitong lalaki dahil sa ayos niya.
Naka tago kasi ang kulot niyang mahaba na buhok sa kanyang Miami Heat na cup at naka Large na itim siyang t- shirt na dinoblihan ng long sleeve at loose na pants saka converse. Tinanguan na lang niya ang dalaga at pinaandar na muli ang makina.
Hindi iyon ang unang beses na naka encounter siya ng ganoon na pasehero. Wala na talagang matinong lalaki sa Pilipinas.
*****
BINABASA MO ANG
My EX Fiancè
RomanceThis is a story of a substitute bride who deceives her fiancé that she is the girl he first met. And because his fiancé never tries to reach on her or be curious even just for once at her fiancé he was easily deceive. And in the end after they fal...