Two.

648 19 1
                                    

Please don't forget to Vote!








"Waah!" Na isigaw niya sa magkahalong gulat at takot kaya't nawalan na din siya ng balanse at napa upo sa sahig. Hindi naman nag tagal ay bumaba ang hudyong driver.




"Ayos ka lang?" Insincere na sabi ng lalaki na bumaba mula sa sasakyan. Hindi naman na niya na iwasan magalit dito dahil mukhang wala itong paki alam kahit na masagasaan siya nito.




"Papatayin mo ba ako?!" Singhal niya dito at sapo ang balakang na tumayo.




"Mukha namang ayos ka lang." Pa pilosopo pa na sabi nito.




"'Yan lang ba masasabi mo pagkatpos mo ako muntik sagasaan?!" Sigaw niya dito.




"Hindi ko naman sinasadya may dumaan kasi na aso iniwasan ko lang at saka hindi ka naman nasaktan." Antipatiko pang sabi nito. Madilim sa paligid at tanging ilaw lamang sa poste ang nagsisilbi nilang liwanag kaya hindi siya marahil maaninag nito.





"Hindi ka ba hihingi ng tawad?!" Bulyaw niya ulit dito pagkatapos makatayo.




At ngayon ay na estatwa siya. Napaka guwapo naman kasi ng lalaki na kaharap niya at hanggang balikat lamang siya nito. Hindi naman niya mapigilan na titigan ito.



"Why would I do that? Hindi ko naman sinasadya and you're not even hurt." Presko pa na depensa nito sa kanya.




At kahit guwapo pa ito ay hindi napigilan ng kanyang tainga na mag pintig dahil sa kasamaan ng ugali nito. Aanhin mo naman ang guwapo ngunit akala mo naman kampon ng dilim dahil sa sama ng ugali.




"Aba'y! Hoy! Mister! Ikaw na nga itong muntik maka sagasa ikaw pa itong nagmamalaki! Natural lang sa tao na huminga ng dispensa lalo na't kapag naka sakit siya!" Bulyaw niya dito.




"Tignan mo, nasugatan ako dahil sa'yo kaya dapat lang huminga ka ng tawad! At huwag mo akong english- english- in!" Hindi na niya nakapag pigil na angil dito at dinuro pa ang dibdib nito.




Nakita naman niya ang pag silay ng ngiti sa mga labi nito. At hindi niya maintindihan kung bakit. Nasisiraan na marahil ito ng ulo o talagang sira na talaga siguro ang ulo nito noon pa.




(Lord, ang guwapo naman nito!) Hindi niya ma iwasan na humanga dito. At lumapit naman ito sa kanya.




"So, 'yun pala ang ikinagagalit mo. Now, I know." Tila naman na iintindihan na sabi nito.




At saka nito dinukot sa bulsa ang wallet nito. Naguguluhan naman siya na tiningnan ito. Ano kaya ang binabalak nito g gawin?




"Here's a cash. Bahala ka ng ipagamot 'yan. Ito lang naman ang hinihintay mo di' ba? Kasya na marahil ito para diyan sa maliit na sugat mo."




"I'm too busy to play with your games kaya heto kunin mo. Marami pa kasi akong kailangan gawin." Antipatiko na sabi nito.




Pagkatapos ay inabot sa kanya ang apat na isang libong piso siya naman ay tinignan lamang ang pera sa kamay nito. At feeling naman niya ay umakyat lahat ng dugo niya sa utak sa sobrang galit dito. Bukod pala sa mayabang, presko, antipatiko at masama ang ugali nito ay napaka matapobre din ng Hudyo!




"Hindi ako ganoong klaseng tao." Matigas niyang sabi dito at tinalikuran ito ngunit hinabol siya nito.




"Huwag ka ng mahiya. Ito naman talaga ang gusto mo d--- " Hindi nito natuloy ang sinasabi dahil na ibaligtad at na ihagis na niya ito ng malakas sa sahig dahil sa inis dito.




My EX FiancèTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon