After that heartwarming talk with Asteria, we went back to our hotel. Napag isipan naming mag movie marathon na lang mag damag at kumain, napagod kaya kami sa byahe! We were laughing because of the scene when my phone suddenly beeped.
Tinignan ko naman iyon at nakitang may chat sa akin si mom.
MrsSuarez: what's going on between you and Chase?
xyrielS: i'm in Canada and you're in Shanghai, you messaged me just to ask that. Really, mom?
MrsSuarez: just answer, anak.
xyrielS: we're best friends.
Hindi na siya nag reply pagkatapos kaya naguluhan ako, kakalabitin ko sana si Ria nang makitang naghihilik na siya sa tabi ko. Punyetang babae to, pinatay ko na ang TV at kinumutan siya. Nilagay ko na din sa kitchen ang pinag kainan namin at inurungan iyon, hindi naman ako agad nakatulog kaya nag timpla ako ng gatas at naisipang tumambay sa balcony ng hotel room.
Pagkalabas ko ng balcony ay umupo ako sa parang swing doon, kitang kita ko naman ang bilog na buwan at mga bituin na nagniningning sa madilim na kalangitan.
Nostalgic.
Hanggang ngayon, iniisip ko pa din ang nararamdaman ko para kay Chase. Alam kong parte ng pagmamahal ang sakit, kaya ko namang tanggapin iyon. Siguro ang hindi ko lang matatanggap ay iyong.. hindi niya ako mamahalin gaya ng pagmamahal ko sakaniya.
Napainom ako sa gatas na hawak ko at tumitig sa mga sasakyang nagdaraanan sa harap ng hotel na tinutuluyan namin. Best friends daw kami pero kung makaasta siya ay para kaming mag jowa! Ang hirap naman niya basahin!
Nang makaramdam ng antok ay nag tungo na ako sa kwarto at natulog na, pagkagising ay gumayak at kumain na lang din kami agad. Last day na namin ngayon at uuwi na kinabukasan kaya gusto na naming sulitin dahil paguwi ay matatambakan na naman kami ng maraming school works ng mga bwisit na prof.
Namasyal kami sa mga malls at nag shopping, sumubok ng mga pagkain at nag ikot pa. Nang mapagod ay tumambay muna kami sa isang park na may mga batang naglalaro at mga mag jowang naglalandian.
Sumulyap ako kay Ria at nakitang katawagan na naman niya si Nick, hindi ba sila nagsasawa sa mukha ng isa't isa?
May narinig akong nagaaway sa gilid kaya naman napalingon ako, nagulat din ako nang mag tagalog ang mga ito pero may kasamang Amerikano. Mukhang narinig din ni Asteria ang nagaaway kaya napatingin din siya.
"Pinanganak kang lalake kaya dapat babae ang mahalin mo, hindi kapwa mo!" sigaw ng tatay kaya napa yuko ang anak niya, hindi naman naintindihan ng Amerikano dahil nag tagalog nga ito.
"Bakit ba ang hirap sa inyong tanggapin na ganito ako? Anak niyo pa rin naman ako.." naiiyak na wika ng anak niya kaya napa hilamos sa mukha ang tatay nito.
"Lalake ka, tandaan mo yan. At sa oras na makita pa kitang ganyan, hindi na ako mag dadalawang isip na itakwil ka." I can sense the finality in the father's voice and after he said those, he pulled his son away from the man.
"Stay away from my son." babala lang nito at umalis na.
Napaiwas naman kami ng tingin ni Ria at nagkatinginan, nagulat ako nang may umupo sa tabi ko at nakitang yung lalake iyon. Maluha luha na siya kaya pinagisipan ko pa kung aabutan ko siya ng tissue.
Sa huli ay binigyan ko na din kaya tumingin siya sa akin.
"Sister, I'll just take daddy's call." bulong ni Ria kaya tumango ako at lumayo na siya.
"Are you okay?" tanong ko sa katabi ko, nang marinig niya ang tanong ko. Doon na nalaglag ang luhang kanina pa niya pinipigilan.
"He thought I wouldn't understand everything that he said to his son that's why he spoke Filipino, little did he know. His son thought me your language to understand things." panimula niya kaya nagulat ako, hindi naman ako nag salita at nakinig lang sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Dancing with your Shadow
RomanceCartier Series #1 In the bustling city of Manila, a privileged medical student, Chase longs to keep his family together. However, his world is turned upside down when he met Raven, a free spirited nursing student whose presence challenges his perspe...