"Mom, ano ba dapat gawin sa makulit?" tanong ko sa nanay ko at umupo sa harap niya.
"Patayin." tulalang sagot nito kaya napangisi ako.
"Papatayin ko si Sin? You want that?" tanong ko pa at tinitigan siya.
"Ha? Bakit mo papatayin yung manliligaw mo?! Ayaw mo ba sa kaniya?!" hysterical na tanong ni Mom nang mapabalik sa huwisyo.
"Ikaw nag suggest," pang aasar ko at tumayo na bago pa niya ako batuhin ng sandok.
Dad is still upset about me having a suitor, hindi ko alam ang gagawin dahil parang nagtatampong bata lang naman ang tatay ko.
"Ma, punta ko mall! Bye!" paalam ko at bago pa siya makasagot ay tumakbo na ako palabas ng bahay.
At the age of 16, I already have everything that I want. Not some luxurious things, but a loving family. It may sound cringe to others, pero yan ang pinaka magandang regalo na natanggap ko simula nung pinanganak ako.
"Hello, tita?" bungad ko nang nakita kong tumatawag si tita sa akin.
"My beautiful niece, I saw your car, saan ang larga mo today?" tanong nito kaya natawa ako.
"Mall, bibili ako pang suhol kay Daddy." sagot ko naman.
"Well, I can't accompany you today, may meeting ako. Alam mo naman ang gusto ni Kuya, ingat, pamangkin!" paalam nito at binabaan ako ng tawag.
Nang makarating sa mall ay pumasok na agad ako sa loob, dumiretso na ako sa Balenciaga at ang unang nakita kong sapatos na pang lalake ay yun na lang ang kinuha ko. Hawak hawak ko na ang paper bag at nilagay na lang sa likod ng sasakyan bago mag maneho papunta sa ospital.
I heard my Mom said na walang schedule si Daddy ngayon kaya okay lang manggulo ako doon.
Pumasok ako sa loob ng ospital at dumire diretso sa office ni Dad. Kumatok pa muna ako bago narinig ang boses niya na pumasok na ako.
Agad naman sumama ang mukha niya nang makita ako kaya natawa na talaga ako ng tuluyan.
"Para kang bata, daddy!" saway ko at lumapit sa kaniya.
"Anong ginagawa mo dito? Kasama mo ba mommy mo?" tanong nito pero umiling ako.
Inabot ko ang paper bag sa kaniya, I saw how his eyes twinkled just by looking at the bag.
"Tanggapin mo na si Sin, nanliligaw palang naman." sabi ko at umupo sa harap niya.
"So, ano to? Suhol mo?" nanggigigil na tanong nito kaya sunod sunod ang tango ko.
Babatuhin na dapat niya ako pero mabilis akong naka ilag.
"Papuntahin mo mamaya sa bahay, kasama parents niya." utos nito at pagkatapos ay umalis na ako.
Ayoko naman umuwi agad dahil baka lutang lang nanay ko doon kaya dumiretso na lang ako kila Sin at pumasok kaagad sa bahay nila.
"Sin!" tawag ko at agad naman siyang lumitaw galing sa kusina.
"Good morning, mi amore!" bungad neto at akmang yayakapin ako pero mabilis akong umilag.
"Tsansing ka," saway ko sa kaniya at pinitik siya sa noo.
Umupo ako sa high chair nila at nilapagan naman niya ako ng pagkain kaya nagsimula na akong kumain.
"Dad's inviting you and your parents later, dinner daw." pagkasabing pagkasabi ko palang non ay nakita ko na kung paano namutla ang buong mukha niya kaya nabuga ko ang iniinom ko kakapigil sa tawa ko.
"Ang baboy, Raizel!" saway nito at inabutan ako ng tissue.
"Nasaan na yung tapang mo? Hindi ka naman takot kapag nakikipag away tayo sa labas ng school pero sinabi ko lang na gusto ka maka harap ni Daddy ay namutla ka na jan." sabi ko at pinag patuloy ang pagkain.
BINABASA MO ANG
Dancing with your Shadow
RomanceCartier Series #1 In the bustling city of Manila, a privileged medical student, Chase longs to keep his family together. However, his world is turned upside down when he met Raven, a free spirited nursing student whose presence challenges his perspe...