Chapter 29- Revelation

29 7 1
                                    

Our days went on and on like that. Me, working and going home to my daughter after.

Ria also went home to see us before she gets married next next month in Italy, she's really excited and as her best friend, I just want the best for her.

Naglalakad ako ngayon sa hallway para gawin ang duties ko nang makasalubong ko si Doc Chase, night shift kami pareho at isang oras nalang ay pwede na kaming umuwi dahil maguumaga naman na.

I just did my work and went straight to the station to check some charts, biglang may nag lapag ng kape sa harap ko kaya napatingin ako doon. Nakita ko si Chase na naka tingin sa akin kaya naman kinunotan ko siya ng noo.

In just a span of days, para bang bumalik kami sa dati na naguusap na at hindi nagiilagan. We were talking just like normal friends.

"Kinausap ako ng boss natin kanina, isang taon ka lang pala rito?" tanong niya kaya tumango ako habang nagchecheck pa rin ng charts.

"Sabi niya, pwede daw ako umalis kahit hindi pa tapos ang isang taon tutal hindi naman talaga ako dito naka base sa Pilipinas." sagot ko na lang at nag tawag ng janitor.

"Pumunta ka sa room 302, may suka doon pakilinis, okay?" pakiusap ko sa kaniya at nginitian siya kaya dumiretso na siya doon.

"When are you going back to London?" tanong niya.

"I don't know, marami pa akong kailangan gawin at marami pa akong plano." sabi ko sa kaniya.

And part of my plan is how to tell you that we have a fucking daughter.

Lumipas na ang isang oras kaya nag ayos na ako, sa wakas ay makakatulog na ako! Nadadaanan ko ang ibang mga kwarto dahil galing pa ako sa locker room para kuhanin ang aking gamit nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Mommy!" sigaw ni Rai kaya nagulat ako.

Kasama nito si Venice at Aziel! Lumingon ako sa paligid at nakitang papalapit si Chase habang may kausap na isa pang doktor na lalake.

Sinenyasan ko si Venice na nasa likod ko si Chase at nakita naman niya yon agad, binuhat ko si Rai at hinayaan siyang magdaldal.

Ngunit, hindi yata naka sangayon sa akin ang tadhana.

"Venice and Aziel, what are you two doing here?" bago pa makatakbo palayo ang dalawa ay nahatak na sila ng kuya nila.

"Nagpasama lang ako kay kuya para magpacheck up sa ano, sa, sa OB ko!" pagdadahilan ni Venice.

"Irregular kasi yung period ko." saad nito kaya napatango si Chase.

Pasimple akong naglakad palayo para hindi na niya ako mapansin pero kamalas malasan nga naman ay nakita ako ng kasamahan ko.

"Nurse Raven? Iyan ba si Raizel? Ang gandang bata!" puri nito at nilapitan pa kami kaya napalingon si Chase!

"OMG, ate Raven! Kelan ka pa nakauwi?!" plastic na tanong ni Venice at lumapit sa amin.

Nag beso pa siya at kasabay non ay ang pag bulong niya sa akin.

"The moment of truth." aniya.

"Medyo pagod siya, e! Next time na lang, ha?" sabi ko sa kasamahan ko kaya nginitian niya ako at umalis na.

"Mommy, I want ramen!" sabi naman ng batang buhat buhat ko.

"Mommy?" bulong ni Chase na rinig na rinig ko naman.

"She's your daughter?!" gulat na tanong niya nang marealize iyon.

Grabe ang tambol ng puso ko nang bigla siyang lumapit at tinitigan ng mabuti ang anak ko! But, of course, my girl is intelligent and she doesn't shut up so she talked.

Dancing with your ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon