Akala ko kapag mahal ka, hindi siya mag sasabi ng mga masasakit na salita sayo, akala ko lang pala iyon. It's been a week since we had a fight, our first fight as a couple.
Masaya pa kami, we even had our dates and we studied together. Hindi ko lang akalain na pag nag away kami ay sasabihan niya ako ng mga masasakit na salitang hindi ko alam na manggagaling sa kaniya.
"I told you, Aly is just my ex!" he shouted at me.
Nakita kong lalapit na dapat si Ria pero sumenyas ako na pumasok na lang siya sa kwarto dahil away namin to at hindi siya kasama.
"Ex na nga, pero may ex bang nag hoholding hands at nag yayakapan?! Really, Chase, sa coffee shop sa baba pa ng condominium namin?!" sigaw ko pabalik.
"You're unbelievable!" aniya kaya mapakla akong tumawa.
"You are the one who's unbelievable! I can't believe you, Chase, wala pa tayong isang taon yet you're already doing this!" naiiyak na sagot ko.
"It's not my fault!" mataas pa rin ang pride na aniya.
Gusto ko lang naman siyang magpaliwanag, kung ano yung nakita ko na iyon. Pero hindi niya ginawa, mas pinili niya ang makipag sigawan sa akin kesa ang mag paliwanag para magkaayos kami.
"My patience isn't that long, you know that. Ang gusto ko lang ay ipaliwanag mo kung bakit kayo nag kita at nahuli ko pa kayong magkayakap! Habang nakaupo ay hawak mo pa ang kamay niya sa ibabaw ng lamesa. She even smirked at me when she fucking saw me!" sigaw ko at tinuro siya.
"You don't have the right to cuss me, you're just my girlfriend!" wika niya, at dahil sa narinig ko ay nanghihina akong napaupo sa sofa habang tumutulo ang luha sa mga mata.
I'm just his.. girlfriend? Ang sakit marinig ng mga salitang hindi ko akalaing sa kaniya pa mismo mang gagaling.
"Ayokong makausap ka." saad niya at dali daling lumabas ng condo, nang makaalis siya ay doon na ako napa hagulgol ng malakas kaya pinuntahan na ako ni Asteria.
Niyakap niya ako ng mahigpit, kahit wala siyang sabihin ay alam kong narinig niya lahat ng sigaw namin ni Chase sa isa't isa. I can't believe it.
"Hush now, Xy. Everything's going to be okay." aniya at binigyan ako ng tubig.
May nag doorbell kaya naman agaran niyang binuksan ang pinto at tumambad ang nakangiting Ice pero nang makita ako ay nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi.
"Anong nangyari sayo?!" nagaalalang sigaw niya at nilapitan ako, pinunasan niya pa ang mga luha na patuloy pa din na tumutulo.
Dahil hindi ako makapag salita ay si Ria na ang nagkuwento ng nangyari, pagkatapos niyang marinig ang lahat ay umupo siya sa tabi ko habang si Asteria sa kabila. Sabay nila akong niyakap at patuloy na sinasabing magiging maayos ang lahat. Ilang minuto ang nakalipas ay tumayo ako at pumunta sa kusina, kumuha ako ng mga alak at idinala sa sala namin.
"Samahan niyo ko." aya ko sa kanila at tinungga ang bote ng Brandy.
We drank until we three, passed out.
Mukha akong zombie ngayon na nag lalakad palabas ng campus, hindi ko kasama si Ria o si Ice dahil si Ria ay naiwan sa campus para tapusin ang iba niyang paper works, habang si Ice naman ay busy sa restaurant niya. Napahinto ako sa paglalakad nang tumunog ang phone ko at nakitang tumatawag si Dad.
"Hello, dad? How are you and mom?" malambing na tanong ko.
"Sweetheart, go to St.Lukes now! Sinugod namin ang mommy mo, inatake na naman siya!" nagmamadali niyang aniya at pinatay na ang tawag.
BINABASA MO ANG
Dancing with your Shadow
RomanceCartier Series #1 In the bustling city of Manila, a privileged medical student, Chase longs to keep his family together. However, his world is turned upside down when he met Raven, a free spirited nursing student whose presence challenges his perspe...