Epilogue

36 5 2
                                    

"RAIZEL CHARLOTTE!!" dumadagundong na sigaw ko sa 16 years old kong anak.

Nagiisang anak ko na nga lang pero daig pa nito ang sampo dahil sa sobrang pasaway.

"Mom, no need to shout!" sabi nito at bumaba na, nagawa pa akong halikan sa pisngi.

"Mahuhuli ka na naman sa klase mo!" sabi ko sa kaniya at inayos ang buhok niya.

Kahit gaano pa siya ka pasaway ay pumapayag pa rin siyang ayusan ko siya, mahahalata naming mag asawa na sa amin lang siya malambing na ganito.

"Sorry, mom. It won't happen again." aniya kaya nginitian ko siya.

"Go eat your breakfast na and then I'll drive you to school before going to the hospital to check on your daddy." sabi ko at tumango naman siya.

She immediately finished her breakfast and went straight to the car, nag usap lang kami habang papunta doon.

Isa siyang matalinong bata, pasaway ngunit palaging pasado. Hindi nakakatakas sa aming mag asawa ang kahit na anong kalokohan niya at hindi rin namin siya kinukunsinte pwera na lang kung hindi naman siya ang nag simula.

Bumaba na siya at bago umalis ay binaba ko ang bintana ng sasakyan at nag flying kiss sa kaniya, she did the same to me and I saw her walking with her best friend.

Sin Nicholas Flores, son of Asteria and Nick Flores.

Sabay na silang lumaki kaya halatang sila lang ang magkaibigan at wala nang iba pa, masyado silang lapitin ng gulo kaya ayaw sigurong lapitan ng ibang mga estudyante.

Dumiretso na ako sa ospital at agad rin nag park, pumunta ako sa office ni Chase at nakita siyang naka upo doon. I smiled and walked towards him.

"Nalate ka yata?" tanong niya.

"Sisihin mo ang magaling mong anak." saad ko kaya natawa siya.

We did our duties and responsibilities until my phone rang and saw the school dean. Napa hampas ako sa noo ko dahil alam ko kung bakit na naman ito tumatawag.

"Hello, dean?" magalang na bungad ko.

"Mrs.Cartier! Your daughter got into a fight again, can you come over?" sabi nito kaya sumagot ako ng oo.

I went to look for Chase and saw him talking to a male nurse.

"Doc" tawag ko sa kaniya at lumingon naman siya agad.

"911" iyon palang ang nasasabi ko ay alam na niya agad kung bakit.

We went straight to our daughter's school and to the dean's office. Nakita ko ang anak ko doon na kasama pa si Sin at sila Asteria, sa kabilang upuan naman ay grupo ng mga babae kasama ang mga magulang nito na masama ang tingin sa anak ko.

"Good morning, Mr. and Mrs. Cartier! I'm glad you came." bati ng dean and we greeted him back.

Tumabi ako kay Raizel at bahagya siyang kinurot at binulungan.

"Ano nangyari?" mariin kong tanong sa kaniya.

"They started it." bulong niya pabalik.

"Ms.Cartier, can you tell us what happened?" saad ng dean kaya bago sumagot ang anak ko ay tumikhim pa ito.

"Well, Sin and I were just eating our lunch when those group of girls approached us saying that I flirted with her so called boyfriend. She tried to slap me so I held on her wrist to stop it but her friends pulled my hair! Sin, being a gentleman gently took off the group of girls pulling my hair but they were too strong so I punched their stomachs." she said.

Dancing with your ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon