Nang makauwi kami sa Pilipinas, hindi ako makatingin ng diretso kay Chase. Ewan ko ba, bigla akong tinamaan ng hiya. Naramdaman ko na may kumapit sa braso ko at nakitang si Venice iyon kaya nginitian ko siya, papalabas kami ngayon ng airport. Hapon na ng makarating kami dito kaya naman mahaba haba pa ang pahinga namin, ang mga magulang namin ay nasa Shanghai pa rin at matatagalan pa dahil sa convention.
Nang makalabas ay nakita ko na ang susundo sa akin kaya naman pinakuha ko na ang mga gamit ko para maipasok na sa sasakyan, humarap ako kay Ria at nakitang kumakaway na siya sa akin dahil si Nick ang sumundo sa kaniya. Apparently, mag isa lang ako ngayon sa condo dahil dumating ang lola niya from Japan kaya kailangan ay doon siya tumuloy sa kanila for 2 months dahil bakasyon ang lola niya.
Kumaway naman na ako para makauwi na siya, pagod na pagod ang bruha. Humarap naman ako ngayon sa mga Cartier para magpaalam.
"Uuwi na ako." paalam ko kaya napatingin silang magkakapatid sa akin.
"Bakit hindi kayo sabay ni Ria?" tanong ni Aziel.
"Her grandma went home so she needs to go to their house and live there for 2 months, mag isa tuloy ako sa condo dahil wala siya." I said.
"Is that so?" aniya kaya tumango ako at nagpaalam na pero may humawak sa kamay ko para pigilan ako paalis.
Napatingin naman ako doon at nakitang si Chase iyon, tinignan ko naman siya habang may nagtatanong na mga mata.
Napakamot naman siya sa batok niya at biglang namula ang buong mukha kaya natawa ako, tumingin naman siya sa akin pero bigla din umiwas.
"Ano ba yun?" tanong ko.
"Uh.. Wala pala!" saad niya kaya tumango ako at nag paalam na.
"Bakit hindi mo sinabi?!" rinig kong reklamo ni Aziel pero sumakay na ako para makauwi na.
Pagkarating ko sa condo ay iniwan ko nalang ang maleta ko sa labas at agad humilata sa kama, mahaba haba rin ang itinulog ko at nagising nang madilim na sa labas. Dumiretso naman ako agad sa banyo para makaligo na, pagkatapos ay inayos ko na ang mga gamit kong nasa loob pa ng maleta.
Naglakad ako papuntang kusina para makapagluto ng hapunan, naisipan kong ham nalang at hotdog dahil tinatamad na akong mag luto pa ng iba. Habang kumakain ay nanonood na lang ako ng Netflix nang biglang may kumatok sa pinto.
Kinabahan naman ako dahil 11:00 na pero may tao pa sa labas, hindi kaya ay minumulto ako? Bago buksan ang pinto ay kinuha ko muna ang baseball bat ko kung sakaling may masamang tao sa labas ay mapupukpok ko kaagad siya.
Tinignan ko sa eye hole kung sino iyon pero wala namang tao kaya mas lalo akong kinabahan, dahan dahan kong binuksan ang pinto at akmang hahambalusin na siya ngunit may biglang sumigaw.
"Raven, what the hell?!" sigaw ni Chase kaya nagulat ako at naibaba ang bat.
Anong ginagawa niya dito?
"Bakit naman kasi dadalaw ka ng ganitong oras?!" singhal ko sa kaniya at pinapasok siya sa loob.
"Nandito sana ako para sabihin sayo ang sasabihin ko dapat kanina pero hindi natuloy." aniya kaya nakaramdam ako ng kaba.
"Actually, I'm really nervous right now. Alam kong masyado pang maaga at alam ko rin na masyado akong mabilis pero believe me when I say that I've been waiting for years, even decades.." pag papatuloy niya kaya napatitig lang ako sa mukha niya.
Halata namang iniiwas niya ang tingin niya sa akin dahil sa hiya at kaba habang nagsasalita.
"Raven.." dahan dahang bigkas niya sa pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Dancing with your Shadow
RomanceCartier Series #1 In the bustling city of Manila, a privileged medical student, Chase longs to keep his family together. However, his world is turned upside down when he met Raven, a free spirited nursing student whose presence challenges his perspe...