Chapter 15- Couple

22 6 1
                                    

Chase has been a good partner to me, the only problem is he won't leave me alone! Gusto niya ay palagi ko siyang kasama sa kahit saan dahil mag isa raw ako, palagi na kasama ni Asteria si Nick. I've been busy lately dahil mag eend na naman ang school year, malapit na kaming mag tapos sa med school. Malapit na umalis si Ria para lumipat sa Canada.

"Come on, babe! Let me see!" pangungulit ko kay Chase habang nandito kami sa Mcdo para mag lunch.

"No." aniya at dinilaan pa ko!

Raven, boyfriend mo yan. Boyfriend mo yan.

"Here, wag ka na mag tampo jan. Bahala ka pag nagtampo ka pa, ipagdadasal kong hindi ka makasagot sa recit niyo mamaya." pag babanta niya kasabay ang pag abot ng phone niya sa akin.

I told him I want to see his Instagram but he keeps on getting the phone away from me.

Binuksan ko na ang Instagram niya at tinignan iyon, nakita kong may story pa siya kaya pinindot ko yon. Holding hands namin kanina ang story niya.

Hindi naman iyon ang pakay ko kaya nag punta ako sa dm's. Nakita kong madami na namang mga babae ang nangungulit sa kaniya pero hindi ko na pinakealaman. Ibabalik ko na dapat ang phone niya pero may nakakuha ng atensyon ko.

Aly Lim. Hindi pa rin tumitigil tong bruha na to?

AlyLim: hey, baby, let's catch up later?

AlyLim: baby, i'm waiting at our favorite restaurant.

AlyLim: you're dumping me?!

AlyLim: why is Aziel here?!

AlyLim: Chase! Baby!

Idadala ko to sa impyerno tapos tuturuan ko sila ni Satanas mag renegade. Nanggigigil ako ha.

"Anong ginagawa mo? Nakakunot na naman noo mo jan. Eat this." saad ni Chase at sinubuan ako ng chicken na may kasamang kanin.

"I'll block her." wika ko kaya nag taka siya pero hindi na nag salita.

Tinuloy ko na ang binabalak ko at pagkatapos ay binalik na sa kaniya ang phone niya para makakain na ko ng maayos. Kumain lang kami at nag kwentuhan hanggang sa kailangan na namin bumalik sa school.

Hindi na niya ako hinatid sa room ko dahil sabi ko kaya ko naman, nakita ko si Ria kaya doon na ako dumiretso.

"Pagod na pagod ka ah? Hayaan mo na, last na to, oh! Mag third year na tayo." aniya kaya napatango ako.

Ang bilis ng panahon, parang dati lang ay naguguluhan pa ako sa course na pipiliin ko pero heto mag third year na ako sa med school.

Nag simula na nga pala kami sa internship namin sa Hospital, balak kong sa St.Lukes mag trabaho, kung magtatapos ako. Masama talaga kutob ko.

Nang matapos ang klase ay nakita ko si Chase na nag aantay sa akin sa bench, nauna pala silang natapos, lumapit na ako sa kaniya at nakitang naka simangot na naman siya.

"Naka simangot ka na naman jan, isayaw mo nalang ng heartbreak anniversary yan." saad ko at tinawanan siya pero sinamaan lang niya ako ng tingin.

Hinila ko na siya papunta sa sasakyan niya at kinuha ang susi niya para ako ang mag drive, pagod siyang umupo sa passenger's seat at pumikit.

"What happened?" tanong ko habang naka focus ang mga mata sa daan.

"One of my profs just fucking humiliated me in front of the whole fucking class." aniya kaya napatingin ako saglit sa kaniya bago bumuntong hininga.

Sa mga gantong sitwasyon, hinahayaan ko lang muna siya dahil pag nag salita ako ay baka madamay pa ako sa galit niya. Hahayaan ko siya hanggang sa siya na ang mag kukwento.

Dancing with your ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon