Napa iwas ako ng tingin kay Chase at dahan dahan akong tumango, hindi ko alam kung matatanggap ko ba yung explanation niya pero kailangan ko iyon.
"Lumapit siya sa akin, sinasabi niyang lumalaban siya sa Leukemia. Yung nakita mo na hinawakan ko yung kamay niya sa ibabaw ng table, I was trying to motivate her to be strong. Siya ang yumakap sa akin at hindi ako." paliwanag niya kaya naman ako ang napa tingin sa kaniya.
Leukemia?
"She smirked at me." sagot ko na lang pero hindi na siya sumagot at nilapitan ako.
"I'm not cheating on you, babe. Hindi lang ako naka pag explain dahil natakot din ako, ayokong dagdagan yung stress mo dahil alam kong pagod ka na sa pag aaral at ayaw ko nang maka dagdag pa." niyakap niya ako pag katapos non kaya niyakap ko rin siya.
Nag aksaya lang ako ng luha, hindi naman pala nag loloko, peste.
"Okay, love birds. Tara na sa ospital!" aya ni Ria kaya humiwalay na ako kay Chase.
"Chase, mauna na kayo sa ospital ni Xyriel. Kukuha pa kami ni Nick ng damit sa condo. I'll use your car, Rave." paalam ni Asteria kaya tumango ako at sumakay na sa sasakyan ni Chase.
We stayed quiet until the car stopped because of the traffic.
"Babe, you still mad?" tanong niya pero umiling ako.
Hindi naman na ako galit, ngunit nag aksaya talaga ako ng luha. May araw ka rin sa akin, Chase Hunter Cartier. Potrages ka.
Tinignan niya ako at nagulat na lang ako nang angkinin niya ang mga labi ko habang na sa loob kami ng sasakyan at na sa gitna ng traffic! My eyes were in shock when I felt him slid his tongue inside my mouth, he's kissing me torridly again!
I did the same to him that made him moan quietly, I felt his hands roaming around kaya naman hinuli ko ang mga kamay niya at hinawakan iyon dahil masiyado nang malikot. Nakita kong nag simula nang umandar ang mga sasakyan kaya humiwalay na ako sa kaniya at hinampas siya.
Buti na lang at tinted itong sasakyan niya, kundi baka nakuhanan na kami ng video at nagawa nang CD. Nakangisi lang siya habang nag mamaneho kaya hindi ko na siya pinansin.
Nang makarating kami sa ospital ay agad akong bumaba, nakita ko namang may mga media pa din sa labas ng kwarto ni Mom at pilit hinaharangan ng mga bodyguards. May humapit sa baywang ko at ginabayan ako para makalapit doon, agad namang napunta sa amin ni Chase ang atensyon ng media.
"Sir Chase, Ma'am Raven. Ano po ang nangyari kay Mrs.Suarez?"
"Can I ask questions, Ma'am Raven?"
"Interview po?"
"So, it's true? The hot soon to be doctor and the glamorous soon to be nurse are dating! Chase Hunter Cartier and Raven Xyriel Suarez!"
Hindi na namin sila pinansin at agad na pumasok sa kwarto, nag tawag ako ng nurse at sinabing ilipat si Mom sa isang private room.
"Damn, medias." mura ni Chase at naupo sa sofa habang naka pikit ang mga mata.
Ibinilin ko na rin sa mga nurse na bandang madaling araw na lang ilipat si Mom para walang medias kaya sinabi niyang tawagin ko na lamang siya kapag ililipat na.
Bumukas ang pinto at pumasok doon si Dad na may dalang basket ng prutas, napa dako ang tingin niya sa amin ni Chase kaya lumapit ako at tinulungan siyang ayusin ang mga dala niya.
"Good afternoon, Tito." bati ni Chase kay Dad bago ako tulungan.
"Good afternoon din, hijo. Kumusta kayo?" tanong niya at umupo sa tabi ni Mom. He caressed Mom's hair and smiled a little before looking at us again.

BINABASA MO ANG
Dancing with your Shadow
RomanceCartier Series #1 In the bustling city of Manila, a privileged medical student, Chase longs to keep his family together. However, his world is turned upside down when he met Raven, a free spirited nursing student whose presence challenges his perspe...