Chapter 13- Conflict

26 7 1
                                    

Months have passed and my life is just the same, walang pinag bago. Ang panliligaw naman ni Chase sa akin ganoon pa rin. He's still full of surprises, he's so sweet.

Tumatakbo ako ngayon palapit sa classroom, sa wakas, tapos na finals! Nakita kong nandoon na ang prof namin kaya ginawa ko na ang pinagbabawal. Sumilip ako sa pinto at nakitang busy na nakatalikod ang prof namin, hindi niya ako nakikita.

Pasimple kong tinawag si Chase na nasa harap at napatingin naman siya sa akin, nagtatanong ang mga mata niya kaya agad kong binato ang bag ko at tinignan kung makikita ba iyon ng prof at maswerte ako dahil hindi nakita.

I was confident when I walked inside our room and the professor looked at me, confused.

"Excuse me, Ms.Suarez. You're late." saad niya at tumayo.

"I'm not, Ma'am. I just went to the bathroom before you entered our class." I said and smiled at her, tumango naman siya at pumunta na ako sa upuan ko sa dulo.

"Gago ka, ginamit mo na naman ang pinagbabawal." natatawang hampas sa akin ni Asteria.

Tumawa na lang ako at nakinig na sa prof namin, nang matapos ang klase ay lumapit sa akin si Chase at inabot ang bag ko.

"Thank you!" ngiti ko sa kaniya at inakbayan naman niya ako, inaya niya ako kumain.

Nang makarating sa cafeteria ay pumila na agad ako dahil gutom na gutom na ako, late ako kanina kaya naman hindi na ako nakapag umagahan.

"Spaghetti, shawarma, large fries, nuggets and large ice tea." wika ko kaya nagulantang si Chase sa tabi ko.

"Kaya mo iyon?!" tanong niya kaya tumango ako at kinuha na ang order ko.

Hinintay ko na siya at nag hanap na kami ng table, nakita ko naman si Ria at Nick kaya doon na lang kami umupo. Agad kong sinimulan ang spaghetti at nakita kong nakatingin lang sila sa akin pero nag patuloy lang ako.

At nangyari ang hindi inaasahan, nabulunan ako dahil sa punyetang nuggets!

"Ayan, putangina ka, lamon pa more!" mura sa akin ni Asteria at tinawanan ako.

Inabot naman sa akin ni Chase ang inumin at hinagod hagod pa ang likod ko hanggang sa mahimas masan ako.

Natapos din naman kaming kumain, ang next class ko ay hindi ko kaklase si Asteria at Chase hanggang uwian na iyon kaya dumiretso na ako sa room ko.

Room 201.

Ang klase ko ay Psychology, pag pasok ko wala pa masyadong tao at wala pa ang prof. Umupo ako sa dulo at tumulala na lang muna doon, naalala ko nang mag take ako ng NMAT, lutang na lutang pa ako at hindi ko akalaing makakapasa pala ako.

Napatigil na lang ako nang makarinig ako ng pag bagsak ng libro kaya napatingin ako doon.

"What do we learn in psychology?" tanong agad ng prof namin at nag ikot ikot habang may hawak na ruler.

"You!" turo nito sa akin kaya nagulat ako!

Tumayo naman ako agad dahil sa kaba.

"Psychology majors develop a broad understanding of human behaviors, how the brain works as well as the skills to understand and interpret everything. It includes cognitive, developmental, behavioral, neural studies, and personalities." I said and she nodded. Kabado pa rin naman akong umupo at napa inom sa tumbler ko.

Nag patuloy lang ang klase hanggang sa natapos na ito, 5:30 pm na pala. Nag lakad na ako palabas at nakita ko si Chase na inaantay ako, lumapit naman ako sa kaniya at hinalikan niya ako sa noo.

Dancing with your ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon