Pagkagising ko ay bumangon na ako para makapagluto ng umagahan, ginising ko na din naman si Ria at sabay na kaming kumain. Gumayak na ako para makarating sa university.
At ang nakakagulat ay si Chase ang sumalubong sa akin, nginitian ko naman siya kaya lumapit na siya samin ni Ria.
"Sabay sabay na tayo pumasok." aya niya at kinuha pa ang bag ko!
Ano ba naman to? Wag kang ganyan, pakasalan kita jan, e!
Nag lakad na kami hanggang sa makarating sa classroom, at dahil magkaiba kami ng upuan ni Chase ay nag hiwalay rin kami agad. Mabilis lang din natapos ang mga klase sa araw na iyon at uwian na.
Papalabas na sana kami sa pinto nang may humawak sa braso ko at pinigilan ako. Lumingon naman ako at nang makita si Chase ay ngumiti na lang ako habang may nagtatanong na mga mata.
"Uh, bakit?" tanong ko habang siya ay nakatulala at nakahawak pa sa braso ko.
Winagayway ko naman ang kamay ko sa harap niya pero nakatulala pa rin siya sa akin, no choice, pinitik ko na ang noo niya kaya napahawak siya doon.
"Aray! Para saan iyon?" tanong niya habang hinihimas ang noo niya na pinitik ko.
"You're just looking at me, I asked you how many times but you're lost!" sagot ko naman.
"I.. was about to ask if you want to have coffee?" naiilang na tanong niya, namumula pa ang tainga.
Dahil sa tanong niya na iyon ay gulat naman na napatingin sa amin si Ria.
"Coffee?" tanong ko uli na ikinatango naman niya, nakaiwas pa din ang tingin.
"Yes, just you and me." he answered.
Tumingin naman ako kay Ria at lumapit naman siya.
"Inaaya ka na, you go for it! I'll be with Nick this afternoon, his family invited me over, I'll be sleeping there. I will come home tomorrow afternoon." she whispered kaya kinurot ko siya sa tagiliran.
"Kaya pala ang laki ng bag mo, may sleepover kang pupuntahan at ngayon ka lang magpapaalam sa akin?" nanggigigil na tanong ko sakaniya pero tinawanan lang niya ako.
Dumating naman si Nick at kinuha ang bag ng bruha kong kaibigan.
"Nick, make sure you bring her home tomorrow afternoon, okay?" paninigurado ko kaya tumango na siya at nginitian ako.
Umalis naman na sila pagkatapos magpaalam kaya humarap na ako kay Chase.
"Let's go?" tanong ko at nag lakad na, sinabayan naman niya ako hanggang sa parking.
Shutabels, ninakaw pa ni Asteria ang sasakyan ko! Agad kong kinuha ang cellphone ko at itinext si Ria.
To: Celes
Bruha ka talaga! Nasaan yung sasakyan ko?!From: Celes
Need it, Nick's car broke! Sorry, pahatid ka na lang sa love of your life, mwah!Minsan, gusto ko na lang siyang sakalin.
"I don't have my car, Asteria took it. Just tell me where coffee shop are we eating and I'll just take a cab." saad ko at alanganing nginitian siya.
"Hop in." aniya at pinagbuksan pa ako ng pinto kaya wala na akong nagawa.
Nag maneho na siya sa isang coffee shop na wala gaanong tao, bumaba na din kami at pumasok sa loob. Tama nga, hindi masyadong matao rito dahil ang nakikita ko lang ay isang babae na nagaaral sa isang gilid.
BINABASA MO ANG
Dancing with your Shadow
RomanceCartier Series #1 In the bustling city of Manila, a privileged medical student, Chase longs to keep his family together. However, his world is turned upside down when he met Raven, a free spirited nursing student whose presence challenges his perspe...